Bea Alonzo and Zanjoe Marudo bond with Kris Aquino and kids in Europe

Na-enjoy raw ng magkasintahang Bea Alonzo at Zanjoe Marudo ang dalawang linggong bakasyon nila sa Europe. Nagkita rin sila doon ni Kris Aquino at mga anak nitong sina Joshua at Bimby, pero hindi naman daw napadako ang usapan nila sa mainit na isyu noon na paglipat diumano ni Kris ng ibang istasyon.


Dalawang linggong nagbakasyon sa Europe ang magkasintahang Bea Alonzo at Zanjoe Marudo.

Kuwento ni Bea sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang miyembro ng media, sinulit nila ang pagliwaliw sa Europe dahil alam ng aktres na sabak-trabaho na siya pagbalik ng Pilipinas.

Aniya, “A, tinodo ko talaga kasi nga mahirap ‘tong taping na ‘to. Alam ko, pagbalik ko, work agad.”

Ang tinutukoy ni Bea na taping ay para sa bago niyang teleserye sa ABS-CBN, ang Sana Bukas Pa Ang Kahapon, na nakatakdang simulan sa Pebrero.

Inilunsad sa media ang naturang teleserye kahapon, January 9, sa ELJ Building ng ABS-CBN.



RELAXING VACATION. Sa loob ng dalawang linggong pamamalagi nina Bea at Zanjoe sa Europe, sa London at Scotland lang daw sila halos umikot.

Paliwanag ni Bea, “Kasi, ayaw kasi namin yung ano… ang dami niyong maleta, tapos from one country to another, stressed kayo.

“Gusto namin yung relax lang... yung nasi-savor mo talaga yung culture ng bawat country.

“I have been to London few times before, pero first time ko lang siya nalibot nang ganito.

"And baka nga bumalik kami ng Holiday 2014 with my family na.

“And, also with Scotland.”

Matipid sina Bea at Zanjoe sa pagbahagi ng mga larawan sa mga pinuntahan nilang lugar.

Isa sa naka-post sa Instagram account ni Bea (@beaalonzo) ay ang video ni Zanjoe habang namamasyal sa paligid ng Edinburgh Castle sa Scotland.



BONDING WITH KRIS AQUINO. New Year’s day naman nang magkita sina Bea at Zanjoe, at si Kris Aquino at ang mga anak nitong sina Joshua at Bimby.

Kuwento ng 26-year-old Kapamilya star, “Yes, nag-high tea kami, very British.

“Nag high tea kami, afternoon tea... very Bristish nga.

"Nagtsikahan, kinongratulate ko siya dahil sa movie niya na napakalakas, ang My Little Bossings."

Unang nag-post si Kris ng kanilang pagkikita sa Instagram (@krisaquino214).

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Naka-caption dito, "High Tea w/ the beautiful @beaalonzo! ❤️❤️❤️"

Kinabukasan, January 2, si Bea naman ang nag-post sa kanyang Instagram account ng kaparehong larawan.

Nakasaad sa caption: "high tea/chikahan portion with ate kris!! congratulations on your box office movie ate and bimby!!@krisaquino214 🎉🎉🎉"

Noong araw rin iyon, nag-post din si Kris ng larawan nila sa kanilang naging bonding.

Aniya, "From last night, happy bonding w/ @beaalonzo@zanjoemarudo! ❤️❤️❤️"


NO SERIOUS CONVERSATION. Ayon kay Bea, wala silang seryosong naging usapan ni Kris.

Saad niya, “Yun, nagkuwentuhan lang about life, about 2014... mga ganyan.”

Inusisa naman ng PEP kay Bea kung bahagi ba ng naging tsikahan nila ni Kris ang tungkol sa mainit na usapin noon ng diumano’y paglipat ng istasyon ni Kris.

Sagot niya, “Ay, hindi namin napag-uusapan ‘yan.

“Hindi namin napag-usapan, at saka sino ba naman ako para magtanong?

"Baka sabihin niya, ‘A, excuse me.’

"Hindi talaga namin napag-uusapan."

Read: Kris Aquino offered by Manny V. Pangilinan to leave ABS-CBN

Read: Kris Aquino says her decision to switch networks depends on her “most important mission”

Sa ngayon, nakapirma na muli ng panibagong kontrata si Kris sa ABS-CBN, at sa mga oras na ito ay nakabalik na siya ng bansa mula sa dalawang linggong bakasyon sa London.

Read: Kris Aquino renews contract with ABS-CBN


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN