Bianca Gonzalez on marrying boyfriend JC Intal: "I’m not rushing."

“Some days, feeling ko, ready ako. Ibang days naman, feeling ko, parang, ‘Oh, my God, not yet!’ So, from what I heard from friends, hindi ka naman talaga, ever, yung sobrang ready, e. Kapag nandiyan na, you’ll just take the leap of faith," sagot ni Bianca Gonzalez nang tanungin kung handa na ba siyang lumagay sa tahimik sa piling ng boyfriend na si JC Intal.


Masaya ngayon si Bianca Gonzalez sa piling ng basketbolista niyang boyfriend na si JC Intal.

Si JC ay naglalaro sa Philippine Basketball Association (PBA) team na Barako Bull Energy bilang small forward / shooting guard.

Tatlong taon nang magkasintahan sina Bianca at JC.

Tinanong tuloy ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kung may balak na silang lumagay sa tahimik.

Nung nakaraang buwan ay ikinasal ang ex-boyfriend ni Bianca na si Lino Cayetano sa former Ateneo Lady Eagles volleyball team player na si Fille Cainglet.

Read: A possible explanation on Lino Cayetano and Fille Cainglet’s whirlwind wedding

Sagot ng Kapamilya TV host, “I don’t know… we’ll see. Sabi ko nga, it’s hard when the girl is asked.

"Kasi, ang babae naman, hindi naman talaga alam.

“But what I can say is, I’m not rushing," patuloy ni Bianca nang makausap ng PEP at iba pang media sa press conference para sa kanya ng Women’s Health Magazine na ginanap sa 55 Events Place, Morato, Quezon City, nung January 7, Martes.

Hindi pa ba sila engaged ni JC?

“No, no,” nakangiting sagot pa niya.

May bagong bahay na ipinagawa si JC, at mukhang mga bata na lang ang kulang.

Natawang sabi ni Bianca, “Huwag naman munang bata! Puwedeng kasal muna bago anak?”

Dugtong niya, “In fairness to him, even before we met, nabili na niya yung lot na yun.

“And even before we met, nagse-set aside na siya ng pera to build.

“Nagkataon lang na noong na-build, nandito na ‘ko.

“So, I’m very proud of him.”



DISCOVERY WEEKEND. Posible bang preparasyon na rin ito ni JC para sa pagbuo ng sarili nitong pamilya?

Ani Bianca, “Siguro, for every man, of course, it’s in preparation.

“But, more than anything, parang happy lang ako for him.

“Kasi, talagang dugo at pawis ang ibinigay niya dun.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Bawat ilaw, siya ang nag-shoppping.

“It was a revelation na nakita kong sobrang hands-on niyang talaga.”

Napag-uusapan na rin nila ang kasal?

“Plano, oo, pero yung we talk about it seriously na, ‘Upo tayo, ano ang gagawin natin..?’ yung ganun.

“But, we have talked about the usual, the future, where we want to go.

“But siguro, the most we talked about…

"Alam nyo yung Discovery Weekend?”

Ang Discovery Weekend ay para sa couples na seryosong nagbabalak magpakasal.

Ayon pa kay Bianca, “Kasi dati, ang nangyayari, before you get married, pre-requisite siya.

“But what we talked about, based on the experiences of friends, you take the Discovery Weekend bago kayo ma-engage.

“Kasi, maraming tao who take that at na-realize na hindi pala sila.”

Plano nilang um-attend ng Discovery Weekend?

“Sana, we’ll see.

“We’ve talked about taking it, I just don’t know when.

“Kasi… Meron tayong friend who took it, pero nag-break din sila.

“Alam ko ang uso now, you take Discovery Weekend before getting in a relationship.

“Kesa naman ma-engage kayo, naggastos, all of that, ’tapos, hindi rin pala.”



IS HE THE ONE? Gusto niyang bang si JC na ang makasama niya habambuhay?

Sagot ni Bianca, “I’ll be very lucky if it’s him.

“But then, yun nga, ang hirap magsalita nang tapos, lalo na kung ikaw ang babae.

“I don’t wanna be assuming or feeling, pero ayoko rin ng pa-Maria Clara… yung sapat lang.”

Handa na ba siya sakaling mag-propose si JC sa kanya?

“Some days, feeling ko, ready ako.

“Ibang days naman, feeling ko, parang, ‘Oh, my God, not yet!’

“So, from what I heard from friends, hindi ka naman talaga, ever, yung sobrang ready, e.

“Kapag nandiyan na, you’ll just take the leap of faith.

“Parang ganun," pagtatapos ni Bianca.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN