Jennylyn Mercado asked about her feelings for ex-BF Luis Manzano retorts, “May expiration date ba ang pagmamahal?”

As part of her healing process after her breakup with Luis Manzano, Jennylyn Mercado vows to love herself first before falling in love again. She says, “Siguro mas una ko na mamahalin ang sarili ko, that’s very important sa lahat ng taong minahal ko, at lahat ng taong dumaan sa buhay ko. Grabe! Binibigay nating lahat na mga babae. Sa ngayon siguro kailangan kong ibigay sa sarili ko. Kailangan kong mahalin at unahin ang sarili ko bago ang ibang tao.”


Napagod na raw si Jennylyn Mercado sa nakaraang relasyon niya kay Luis Manzano kaya hindi pa raw siya handa ngayon sa panibagong pag-ibig.

Ito ang isa sa mga inamin ng Kapuso actress sa one-on-one interview sa kanya ni Heart Evangelista para sa Startalk ngayong araw, January 11.

Kahit paano ay naging open si Jennylyn kay Heart sa tunay niyang nararamdaman pagkatapos ng breakup nila ni Luis.

FIRST CHRISTMAS AS SINGLE. Kahit single na raw siya nung nakaraang Pasko, masaya pa rin daw ang selebrasyon niya dahil naroon ang kanyang buong pamilya at mga malalapit na kaibigan.

Aniya, “Siyempre first Christmas ko na single ako.

“Surprisingly, nag-enjoy naman ako and I’m happy of course.”

Dagdag pa niyang kuwento, “Kasama ko ang family ko, especially my son. Yun naman yung importante sa akin.

“Iba lang siya, kasi di ba sanay ako na... Like, of course, kasama ko yung partner ko. But now, wala na.

"But, that’s fine, okey lang yun.”

STILL MUM ON REASON FOR BREAKUP. Hanggang sa ngayon ay hindi pa rin niya sinasabi kung ano talaga ang dahilan ng kanilang hiwalayan ni Luis.

Mas mabuting huwag na lang daw ungkatin ito.

“Siguro respect sa family niya, sa kanya, and respeto na rin sa sarili ko,” pakli ni Jennylyn.

“And, niri-recall ko lang yung mga past relationships ko…

"Di ba lahat ng mga breakups, lahat ng mga kilig moments, lahat naka-record? Naka-interview.

"And nakakatawa nga, kasi as I looked back, sabi nga kahit hindi pa ako tinatanong sumasagot na ako, di ba?"

Sabi pa ng kauna-unahang Starstruck Ultimate Female Survivor, “So, parang ngayon, siguro it’s time for me—as a matured woman—kailangan kong kahit papa’no magtira ng something for myself, lalo na sa personal life ko.

“I have a family, di ba? I have a son.

"Yun nga katulad ng sinabi ko kanina, respeto. Respeto sa family niya, sa family ko.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“I think siguro, ang importante hindi ko na iniisip kung ano yung mga gagawin nila o kung ano yung sasabihin nila.

“Ang importante siguro kung ano yung gagawin ko as a person.

“Yun yung maibibigay ko sa mga taong nagmamahal sa akin.”



NO REGRETS. Wala raw siyang pinagsisisihan sa nakaraang relasyon nila ni Luis.

Naging masaya naman daw siya sa halos tatlong taong pagmamahalan nilang dalawa.

“Wala akong pinanghihinayangan. Wala akong pinagsisisihan, wala akong regrets.

“Kasi ang relationship, two-way ‘yan, e.

“Pag pumasok ka sa isang relationship, kumbaga, couple kayo, e. Pag nagkamali ang isa sa inyo, may responsibility.

"Sa responsibility na yun, part ka na nun.

“Kasi kayong dalawa ang nagsasama, give and take,” saad pa niya.

“Pero kung may sinisisi man ako, parang sinisisi ko na rin yung sarili ko, di ba?” bawi nito.

LOVING ONESELF. Pero sa ngayon, mas mabuting manatiling single daw muna siya at huwag munang isipin kung puwede na ba siyang ma-in love uli.

“Hindi pa sa ngayon,” saad ni Jennylyn.

“Siguro mas una ko na mamahalin ang sarili ko.

"That’s very important sa lahat ng taong minahal ko, at lahat ng taong dumaan sa buhay ko.

"Grabe!” bulalas niya.

Napapangiti pa niyang sinabi kay Heart, “Halos binibigay… alam mo ’yan.

"Binibigay nating lahat na mga babae.

“Sa ngayon siguro kailangan kong ibigay sa sarili ko.

"Kailangan kong mahalin at unahin ang sarili ko bago ang ibang tao.”

DREAMS OF A BEACH WEDDING. Pero hindi pa rin daw siya nawawalan ng pag-asa na sa darating na mga araw ay mayroon din siyang lalaking pakakasalan.

Pagtatapat niya, sa lahat daw ng nakarelasyon niya ay wala raw nag-alok sa kanya ng kasal o kahit napag-usapan man lang ito.

Kung sakali at handa na raw siyang magpakasal, gusto raw sana niya ng beach wedding.

“Mahilig ako sa water, e. Gusto ko talaga sa beach, beach wedding,” pag-amin ni Jennylyn.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

EXPIRATION DATE FOR LOVE. Huling tanong kay Jennylyn kung may pagmamahal pa siya kay Luis.

Natatawang sagot niya kay Heart, “Hearty, may expiration date ba ang pagmamahal?

"Binalik ko lang ang question sa ‘yo.”

Sagot naman ni Heart, “May expiration date ba ang pagmamahal?

"But there is a time na napapagod ka.

"There is a time na may kailangan ka rin for yourself.

“There is a time na when you love, you also have to love yourself. Is that right?"

Kaagad naman siyang sinang-ayunan ni Jennylyn, “Exactly!”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN