Alden Richards on Carmela co-star Marian Rivera: “Hindi pala siya unreachable, very down-to-earth pala siya.”

Alden Richards, who couldn’t even look the Kapuso Primetime Queen Marian Rivera straight in the eye, now confirms he will have kissing scenes with her in their GMA-7 teleserye Carmela. He says, “Hindi naman ako naiilang na gawin kasi nasa script naman yun. 

And strictly trabaho lang talaga, and nothing more than that.”


Maganda ang pasok ng 2014 kay Alden Richards dahil nitong Lunes, January 6, sumalang na siya sa taping ng bagong seryeng pagbibidahan niya at ni Marian Rivera sa GMA-7, ang Carmela.

Nakasama na raw ni Alden ang tinaguriang Kapuso Primetime Queen sa ilang TV projects, pero ito ang unang pagkakataon na magtatambal sila.

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Alden noong Linggo, January 5, sa GMA-7 studio, matapos ang live airing ng SAS o Sunday All Stars.

Consistent ang actor sa pagsasabing "dream come true" sa kanya na makatambal si Marian sa isang project.

Kuwento pa niya, “Kasi yung mga nagawa naming projects before, parang extra lang po ako, e. Wala kaming masyadong eksena.

“Minsan kasama lang ako sa scene, pero hindi kami nagbabatuhan ng linya.

“Pero itong soap na ito [Carmela], puro kami. Lagi kaming magkasama.”

Habang ini-interview, mababanaag sa mukha ng aktor ang kasiyahan at excitement sa nagiging takbo ng TV career niya ngayong taon.

“Sana nga magkaroon pa ng maraming blessings this year dahil napaka-prosperous ng 2013 sa akin.

“At sana maayos ang pagdating ng trabaho sa akin this year. Yun lang naman talaga ang goal ko.

“Ang mabigyan ako ng sunud-sunod na trabaho at pagbutihin ko kung anuman yung blessings na ibinibigay sa akin ng mga taong nagtitiwala sa aking kakayahan," lahad pa ni Alden.

GETTING TO KNOW MARIAN. Bago pa naganap ang first day of taping ng Carmela ay nakapag-plug shoot na raw at pictorial sina Alden at Marian sa Bulacan.

Ano ang preparasyon na ginawa niya para sa drama series na ito?

“’Ayun po, binaon ko lahat ng mga natutunan ko sa workshops.

“Saka yung ginawa namin sa workshop ni Yan-Yan [palayaw ni Marian], yung compatibility exercises para wala nang masyadong ilangan sa aming dalawa.

“Saka yung confidence.”

Ibig sabihin hindi na siya naiilang kay Marian?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Hindi na po. Pero dati sobra.

“Hindi ko matignan si Yan sa mata. Hindi ko siya madikitan.



“Sobrang iba yung tingin ko sa kanya, unreachable before.

“But now, since nakilala ko siyang mabuti, and I’ve learned a lot from her, hindi pala siya unreachable.

“Very down-to-earth pala siya, madaling pakisamahan, madaling pakibagayan.

“Saka excited lang akong masimulan itong Carmela. Excited po kaming lahat.”



CARMELA. Ibinahagi ni Alden ang ilang mga kaganapan na mapapanood sa kanilang serye.

Detalye niya, “Apo po ako ni Direk Laurice Guillen at ni Roi Vinzon. Kami po ang pinakamayaman sa lugar na yun.

“Medyo bad boy nang konti, mahilig sa chicks. Gusto niya, nakukuha lahat.

“Pero mabait pa rin siya sa mga nangangailangan.

“’Ayun, magkakakilala sila ni Carmela [Marian] na anak ni Ms. Agot [Isidro].

“Yung karakter kasi ni Ms. Agot dito, kinaiinisan siya ng mga tao sa bayan nila dahil may ginawa siya na hindi kanais-nais nung kabataan niya.

“Ngayon, nung malaman ng mga tao na anak ni Ms. Agot si Carmela, nagalit lahat, pati ang mga tao na before, gusto si Carmela.

“So, isa ako sa mga taong tutulong sa kanya.”

KISSING SCENES. Kinumpirma ni Alden na meron silang kissing scenes ni Marian sa serye na kukunan pa lang sa mga susunod na episodes.

“Handa naman po ako doon kasi part naman po yun ng trabaho. Wala naman pong any malice doon.

“Trabaho po ito at pagagandahin po namin itong aming soap.

“Kasi po experimental, first time po na pinagtambal ang isang baguhan kay Marian.

“So, kailangan po talaga naming paghandaan yung mga magaganap sa tapings namin.”

Kasama ba sa paghahanda niya yung pakikipag-usap sa kasintahan ni Marian na si Dingdong Dantes?

Sagot ni Alden, “Si Kuya Dong naman po, kahit naman po na hindi ko siya kausapin, understood naman po yun.

“Kasi nakilala ko po si Kuya Dong na devoted siya sa trabaho, sa acting, at sa ganitong paggawa ng proyekto.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“So, naiintindihan po niya yung mga ganitong kailangang gawin at yung dini-demand ng script sa mga eksena.

“Kung may pagkakataon po, sasabihin ko sa kanya na trust me at sana suportahan mo ako.”

Tinitiyak naman ni Alden na hindi magkakaroon ng kumplikasyon ang pagtatambal nila sa relasyon nina Marian at Dingdong kapag sumulpot na ang pagli-link sa kanilang dalawa.

Inihalimbawa niya ang naging team-up nila ni Louise delos Reyes sa kanilang pinagtambalang serye, ang One True Love.

Nung magkatambal sila sa seryeng iyon ay kasintahan ni Louise ang Kapuso actor ding si Enzo Pineda.

Saad pa ng young actor, “Parang kasi ang dating sa akin, parang kay Louise lang, ’di ba sila ni Enzo?’

“So, kumbaga, mas kumportable po akong magtrabaho ng gano’n, kasi kilala ko naman si Enzo. At kilala ko rin naman po si Kuya Dong.

“Hindi naman ako naiilang na gawin [ang kissing scenes] kasi nasa script naman yun. 



"And strictly trabaho lang talaga, and nothing more than that.”

PLANS FOR 2014. Ngayong taon, ano ba ang mga plano niya sa buhay?

“Sana po makapagpatayo na po ako ng bahay at saka business.

“Hopefully, kapag magka-time, baka bumalik po ako sa school.

“Yung sa business, if ever, baka po apartment.

“Kahit five doors pa lang, small beginnings po. Kasi maganda po yung profit doon, e.

“Or kung hindi man, may kinalaman sa food at transportation.

“Depende po kung alin ang mauuna, kung bahay or business.

“Pero yung sa bahay na plano ko, gusto ko sa Laguna pa rin. Marami naman pong magagandang villages sa Laguna na dini-develop.

"Saka nasanay na rin po akong magbiyahe.

And besides, meron na rin po akong halfway house diyan sa may Libis [Quezon City] na condo unit.

"Hindi ko na kailangang mag-avail ng property dito. 



“Mas kumportable akong umuuwi talaga sa Laguna.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"There’s no place like home.”



GETTING FIT AND SEXY. Gusto rin niyang maging mas maganda ang kanyang pangangatawan.

Pagbabalita niya, “Tuluy-tuloy na po, nasimulan ko na. Diet all the way kasi iba na ang image.



“Hindi na boy next door. Medyo pa-mature na.

“Actually, noong last year ko pa sinasabi pero this year gagawin ko na.”

Kinumpirma niyang ididiretso na niya ang pagpapa-sexy dahil naumpisahan na niya ito sa Cosmo Bachelor party nong nakaraang taon.

“Opo, kasi may lalabas din po akong Men’s Health ngayong February at saka yung Garage po sa summer naman po lalabas.”

Ano bang fitness routine ang ginagawa niya ngayon?

“Gym, less carbs. Ang importante po kasi yung kain, kailangan lahat in moderation.

“Ang hirap masanay. Kasi pag nasimulan mo, kakain ka nang marami.

“The following day hahanapin mo na yun, then sunud-sunod until ma-realize mo na mataba ka na uli.”

STAYING SINGLE. Wala ba sa goal niya this year ang magkaroon ng girlfriend?

“Hindi ko po kasi nakikita as an option, e.

“Para kasing hindi pa ako tinatawag ng ano…

“Actually, three years na [walang girlfriend]. Ewan ko ba?”

Paano niya naku-control ang sarili sa dami ng mga babaeng nakapaligid sa kanya?

O baka naman meron siyang ka-mutual understanding na hindi taga-showbiz?

“Hindi, focus lang talaga ako sa work.

“And then minsan pag nakakalabas, may mini-meet naman doon.

“Pero wala po talaga sa priority… Wala pa ako sa serious part na gano’n.

“Pag may events sa labas, meet and greet lang po.

“Importante po kasi yung meet, lalo na sa showbiz. Kailangang palawakin mo ang circle mo."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN