Ricky Davao on his lovelife: "Malamig ang gabi."

Ricky Davao compares acting values and disciplines then and now: “Actually, topic nga namin ‘yan this whole week, yung ganun. If you were to ask me, mas madali pa rin katrabaho yung mga beterano. I don’t know why. Well, siguro yung values na na-form namin noon. Kasi, yung mga panahon na nag-uumpisa kami or even yung Sampaguita days pa, it’s really the director who’s in power. Ngayon, iba-iba na. May corporate, may ano, tapos may mga kont


“Stressed” ang bungad ng actor-director na si Ricky Davao nang makausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa taping ng primetime fantaserye ng GMA-7 na Adarna, noong Biyernes, January 10, sa West Fairview, Quezon City.

Si Ricky ang direktor ng Adarna.

Nakakagulat na ang salitang “stressed” ang una niyang nabanggit dahil parang ngayon lang siya naringgan ng ganito sa mga seryeng naidirek na niya para sa Kapuso network.

Paliwanag naman ni Ricky, “Mahirap ang fantaserye.

"Nakapag-fantaserye na rin naman ako, yung Kokak. Pero ito kasi, may liparan ito.

“Mas madugo ang CGI [computer-generated image] rito.

"So, doon kami nagkakaroon ng mga konting problem sa CGI.

“Siyempre, heavy ang mga effect ng CGI dito.

"Especially, coming from 10 years ago, yung Mulawin. Baka they may tend to compare.

"So, it’s totally different naman,” sabi niya.



MARRIED TO HIS WORK. Nang kamustahin naman namin ang lovelife ni Ricky, pabirong hirit niya: “Malamig ang gabi.”

Isang taon na raw ang apo niyang lalaki sa anak na si Kenneth.

Ang anak namang niyang babae na si Rikki Mae ay graduating na raw sa kolehiyo.

“Hopefully with honors,” sabi ni Ricky.

Dagdag niyam “Yung bunso naman, si Ara, third year high school sa Poveda.”

Sa asawa niyang si Jackie Lou Blanco raw nakatira ang kanyang mga anak.

Kumusta naman ang komunikasyon niya sa mga anak?

“Okay, okay naman.

"Noong Christmas, New Year, magkakasama kami. Pati si Jackie.”

Okay ang relasyon nila ni Jackie?

“Okay, okay naman, dapat,” nakangiti at matipid niyang sabi.

Pero bakit pagdating sa tunay na estado ng lovelife niya, parang napakamalihim niya?

Aniya, “Wala, wala naman.

“I’m married to my work.”

IMPRESSED BY KYLIE. Ang bida ng Adarna ay si Kylie Padilla.

Kumusta naman ito bilang artista?

Sagot ni Ricky, “Okay naman. Mabait, masunurin.

“Si Kylie, magaling mag-drama, ang ganda niya.

"Iba ang beauty niya, e. Ang puti.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Malakas ang dating at marami siyang puwedeng gawin.

"Puwede siyang mag-action. Ang tapang-tapang niya.

“Ang galing niyang kumilos. Actually, mas magaling siyang kumilos kesa sa mga lalaki.

"Sabi ko nga, parang na-train ito ng tatay na manggulpi ng boyfriend,” biro niya.

Si Kylie ay isa sa mga babaeng anak ni Robin Padilla.

Naaambunan ba ni Ricky ng husay niya sa pag-arte ang kanyang bagong bida?

“Magaling naman ‘yan, Padilla ‘yan, ‘no?” diin ni Ricky.

Hindi ba nakakaistorbo sa trabaho ang lovelife ni Kylie, na girlfriend ng young actor na si Aljur Abrenica?

“A, hindi, hindi... Bawal din sa kanila ang dalaw.

"I think, ruling nila yun sa isa’t isa.”

Ang alam namin, dumalaw na minsan sa set ng Adarna si Aljur.

Pagkumpirma naman ni Ricky, “One time nga yata. Baka nagdala ng pagkain.”

HOPES TO REKINDLE OLD ACTING DISCIPLINES AND VALUES. Bilang isang direktor, saan siya mas nagagaanan na katrabaho—sa mga baguhan o sa mga beterano?

Sa Adarna kasi ay halos lahat ng mga kasama niya ay mga baguhang artista.

Ayon kay Ricky, “Actually, topic nga namin ‘yan this whole week, yung ganun.

"If you were to ask me, mas madali pa rin katrabaho yung mga beterano. I don’t know why.

“Well, siguro yung values na na-form namin noon.

“Kasi, yung mga panahon na nag-uumpisa kami, or even yung Sampaguita days pa, it’s really the director who’s in power.

"Ngayon, iba-iba na. May corporate, may ano, tapos may mga kontrata. Ang dami ng compromises.

“Ang dami rin technology ngayon. May text, may cell phone, may kung anu-ano.

"Maraming disturbances in terms of concentration.

"Sabi ko nga, sa workshop, sana maibalik yung dati.”

May mga “rules” ba siya sa mga artistang idinidirek?

“Actually, hindi ko naisip ‘yan. Wala, e.

"Pero siyempre, professionalism, respeto sa trabaho.

"Sabi ko nga, ’You respect this job. Love and respect this job and it will love you and respect you more. Mas maraming babalik na grasya sa ‘yo.’”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

ADARNA BEING COMPARED TO MULAWIN. May mga komento ang ilan pagdating sa Adarna na tila parang ibinalik lang daw ng GMA ang Mulawin noon.

Kaya naitanong namin kay Ricky kung may conscious effort siya na ibahin ang Adarna o mailayo sa Mulawin dati.

“Oo, oo,” sagot niya.

“Pero... kaya lang, hindi mo talaga maiaalis na may pakpak, lalabas ang pakpak, lilipad, di ba?

"Hindi namin maiaalis yun.”

Napabalita rin na si Robin Padilla ay magkakaroon daw ng guest appearance sa serye.

Ano na ang nangyari?

“He’s supposed to be the father. Kaso, may 10000 Hours.

"Ang alam ko, dahil sa schedule, hindi magkatugma.

"But we were excited, si Robin. Kasi, parang ang ganda nun, may pakpak."

May sinasabing tuloy pa rin daw ang guesting basta hindi lang yung karakter na mamamatay ito.

“Hopefully, sana, hinahanapan pa.

"May eight weeks pa rin kami. So, sana, sana.”

Kung siya ang masusunod, gusto niyang mag-guest talaga si Robin?

“Oo naman, Robin is Robin. Best Actor pa,” sabi ni Ricky.

BACK TO ACTING. Nang makausap namin si Ricky sa taping ng Adarna, kagagaling lang daw niya sa taping ng upcoming primetime series na Carmela.

May guest role siya rito sa bagong primetime series ni Marian Rivera bilang ama nito.

“Reunion kami ni Agot [Isidro], since OkaTokat. May kissing scene kami ni Agot, love scene.”

Hanggang pa-guest-guest muna siya sa mga teleserye?

“E, wala e,” nakangiting sabi niya.

“Gusto ko rin sanang maging artista. Nakaka-miss.

"Pero dito na lang. Kapag may kailangang turuan, lalo na sa mga talents.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN