Lian Paz on relationship with businessman-childhood friend: “What you see is what you get.”

Lian Paz on status of her lovelife: “What you see is what you get. Iyon na po yun. I wanna keep things private din kasi about the lovelife thing, e, kasi siyempre, kasi parang ano na po, nakakatakot na po e, hindi ako comfortable na lahat na sinasabi ko, ganun. So pag dumating yung point na ito na pala talaga at the end, di ba, I’d be very happy na talagang isiwalat na, ‘O eto na, finally! ‘Ito na, may makakasama na ako habambuhay!’&


Ayon kay Lian Paz, naging loyal siya sa nakahiwalayang asawa na si Paolo Contis noong nagsasama pa sila.

"Naman!" bulalas ni Lian sa panayam niya sa Startalk kahapon, January 11.

"Opo. Siyempre po, kasal po kami, di ba?

"So, pangit naman kung hindi ka maging loyal.

"Meron po kayong pinramis nung kinasal kayo."

Mahigit isang taon nang hiwalay sina Lian at Paolo.

Matapos nilang magkahiwalay ni Paolo ay naugnay ang pangalan ni Lian sa ilang mga lalaki, kabilang na ang isang mayamang businessman na konektado raw sa isang malaking eskuwelahan.

Nagkaroon nga ba sila ng relasyon ng negosyanteng ito?

Tugon niya, “Hindi ko nga po alam na may-ari pala siya ng eskuwelahan.

“Actually, kasi po nung naghiwalay kami ni Pao, ipokrita naman po ako siguro kung sasabihin kong walang lumapit sa akin.

"Marami po talaga, pero talagang tinulungan lang po niya talaga ako.

“Wala po. Hindi po relationship bale tinulungan po niya ako sa situation ko.”



OTHER PAST SUITORS. Ang isa pang na-link kay Lian ay isang "super-famous celebrity," pero may sabit daw ang lalaking ito dahil may asawa.

Paano na-handle ni Lian ang mga ganitong panliligaw na may sabit?

“Ever since naman po talaga, since nag-start talaga ako sa showbiz, parang ito na po palagi yung isyu.

"Pero ako po kasi, I will never do that...

“Na parang, ako po, galing po ako sa hiwalayan, na parang hindi ko... hindi maganda nung umpisa.

"Pero iyon pong guy na iyon, natuwa lang po siya sa akin.

“Sila po yung mga taong tumulong sa akin.”

May hiningi ba ang mga itong kapalit?

“Wala po, wala po,” sagot ni Lian.

“Pero hindi po ako magiging plastik na hindi ko aaminin na merong mga lumapit na taong ganun.

“Nakatanggap po tayo ng mga ganyan, lalo nung naghiwalay kami, siyempre iniisip nila na weak ako, kailangan ko ng ganito, ganyan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Pero ang iniisip ko po dun, una sa lahat, kasi meron po akong dalawang anak na babae.”

Paano niya napaglabanan ang tukso o temptasyon?

“I just look at my kids. And I pray.

“Nagpe-pray po talaga ako kasi hindi po maiiwasan talaga, e, lalo na po sa situation ko nun.”

CURRENT FLAME. Ang nali-link ngayon kay Lian ay si John Cabahug, isang businessman mula sa Cebu.

Nasaang estado na sila ngayon?

Sabi ni Lian, “I don’t wanna put any label, pero sana po, ito na po yung guy na…”

Kilala ng dalawang anak ni Lian na sina Xonia at Xalene si John. Wala ba siyang balak na ipakilala rin si John kay Paolo?

Sabi ni Lian, “Ano po, kung open naman po, di ba, why not?

"Siyempre, siya din naman po, kung meron man siya, I’m open to the possibility na makilala ko yung bagong puwede niyang makasama sa buhay."

May komunikasyon naman daw sila ni Paolo, lalo na kung tungkol sa kanilang mga anak.

Kumusta naman ang status ng annulment ng kasal nila ni Paolo?

“In the process na po siya,” sabi ni Lian.

OFFICIALLY IN A RELATIONSHIP? Opisyal na bang may relasyon sila ni John?

“What you see is what you get!” natatawang sagot ni Lian.

“Iyon na po yun.

“I wanna keep things private din kasi about the lovelife thing, e, kasi siyempre, kasi parang ano na po, nakakatakot na po, e.

"Hindi ako comfortable na lahat na sinasabi ko, ganun.

“So, pag dumating yung point na ito na pala talaga at the end, di ba, I’d be very happy na talagang isiwalat na, ‘O eto na, finally! Ito na, may makakasama na ako habambuhay!’”

Napag-uusapan na ba nila ang tungkol sa kasalan?

“Hindi, wala pa naman po, wala pa namang ganung usapan.

"Pero we enjoy the moment, kung ano yung meron po,” sagot niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kung sakali, ano ba ang dream wedding niya: sa Cebu o sa Manila?

“Kahit saan po, basta kumpleto yung pamilya ko.

"Maliit lang po na wedding, basta intimate, and finally, maikasal po kami, parang ganun!

“It’s every girl’s dream, di ba, to get married?”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN