Rey "PJ" Abellana discourages daughter Carla from getting married at the peak of her career

Rey "PJ" Abellana explains why he discourages Carla from rushing into marriage: “Ang point is para sa akin, yung blessings na dumarating sa ’yo, hindi ’yan dumarating palagi at forever. Pero I would say na yung blessings na dumarating sa ’yo, samantalahin mo muna ’yan, ’no? Alam mo, I’m not particularly against Geoff. I’m just concerned about my daughter’s happiness and security. Yun lang. E, sayang an


Tutol ang aktor na si Rey “PJ” Abellana sa balitang magpapakasal na diumano ang kanyang anak na si Carla Abellana sa boyfriend nitong si Geoff Eigenmann.

Sabi ni PJ, “Bagong issue na naman ’yan, ha?

"Hindi naman nakarating sa akin dahil nung Christmas, nasa bahay sila pareho sa akin.

"Nagpunta sila nung Christmas sa bahay.

“So, I wouldn’t really know kung totoo ’yan, ’no?

"O baka tsismis lang naman ’yan ulit. Dahil, of course, sasabihin nila sa akin ’yan.

"E, wala naman pa silang sinasabi sa akin."

Nakunan ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ng reaksiyon si PJ pagkatapos ng press preview ng Part II ng pelikulang Isang Araw ng UNTV top honcho na si Daniel Razon, noong January 7, sa Area 05, Tomas Morato, Quezon City.



FOCUS ON PRIORITIES FIRST. Bilang ama, ipinaliwanag ni PJ kung bakit hindi siya pabor na magpakasal na si Carla.

“At this point, hindi pa ako in favor diyan.

"Dahil nga, knowing na she’s just new in the business at maganda pa ang takbo ng career niya, e, hindi pa dapat pasukan ng ibang... ang naiibang activities diyan or pangyayari,” sabi niya.

Kung hingan siya ng advice ni Carla, ano ang sasabihin niya?

Sabi ni PJ, “Ayun, kagaya ng sinabi ko, I would mention to my daughter na this is not the right time yet, ’no?

"Considering yung career niya is more of commitment dahil nakakontrata ’yan sa GMA, sa Regal.

"So, mas dapat priority yun dahil kontrata yun, e.”

Sa tingin niya, mga ilang taon pa ang dapat ipaghintay bago magpakasal sina Carla at Geoff?

“A, for me, marriage is just … nandiyan lang ’yan. Hindi naman minamadali ’yan.

“Ang point is, para sa akin, yung blessings na dumarating sa ’yo, hindi ’yan dumarating palagi at forever.

"Pero I would say na yung blessings na dumarating sa ’yo, samantalahin mo muna ’yan, ’no?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Dahil ang pag-aasawa, anytime, puwede kang mag-asawa.

"Puwede nga rin na ’wag ka nang mag-asawa!" tawa ng dating matinee idol.

Patuloy niya, “Hindi, pero ang sa akin, mas priority para sa akin for her, e, yung commitment niya muna at this point.”

Ibig sabihin, medyo matagal pa ang ipaghihintay ni Geoff bago masungkit ang “oo” ni Carla for his wedding proposal?

“Para sa akin, magtagal-tagal pa sana na ’wag muna siya mag-asawa,” sabi ni PJ.



NOTHING AGAINST GEOFF. Pabor ba siya na si Geoff ang mapangasawa ni Carla?

Sagot niya, “Alam mo, I’m not particularly against Geoff.

"I’m just concerned about my daughter’s happiness and security. Yun lang.

“E, sayang ang career, e. Ako, na-experience ko na ’yang career na ’yan.”

Dahil sa matagumpay na pag-ere ng teleseryeng My Husband’s Lover, marami ang nagsasabing si Carla ang isa sa pinakamahusay sa bagong breed ng mga artistang babae sa larangan ng local showbiz.

Pagsang-ayon dito ni PJ, “Kaya nga. Kung kailan maganda ang takbo ng career niya at bumubuti yung performance level niya, e, ngayon pa ba niya sabayan ng ibang... alam mo na, di ba?”

Hindi naman naging agam-agam sa isipan ni PJ ang background ng mga magulang ni Geoff na sina Michael de Mesa at Gina Alajar, na di nagtagal ang pagsasama?

Sagot ng aktor, “A, hindi. Kaibigan ko lahat ang mga ’yan, you know. Ka-close ko ang mga ’yan.

“I’m just worried about my daughter’s future.

"Siyempre yung happiness niya, yung security and happiness niya, you know, e, para rin naman sa kanya ’yan.

"Hindi naman ’yan para sa akin.”



PROPER TIME FOR MARRIAGE? Kailan sa tingin niya ang tamang panahon for Carla to settle down?

Sabi ni PJ, “Huwag na munang mag-asawa kasi busy pa siya, e.

"Kapag hindi na siya busy, baka puwede na siyang tumiyempo na mag-isip mapakasal.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Para alam mo, ang married life, kailangan may oras ka diyan."

What if gusto na ni Geoff na pakasalan si Carla?

“E, lahat naman tayo may gusto, pero kung wala pa sa timing, wala yun, e,” madiing sabi ni PJ.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN