Arci Muñoz strongly denies old rumors linking her to Willie Revillame: “Ano ba ‘yan, hindi pa mamatay-matay ‘yan, ang tagal-tagal na niyan!”

Pinagtatawanan lang ni Arci Muñoz ang isyung nagkaroon daw sila ng relasyon ni Willie Revillame. Lumang issue na raw ito, at hindi na sila nagkita ng Willie mula nang magtapos ang Wowowillie.


Wala na raw komunikasyon pa sina Arci Muñoz at Willie Revillame.

Nagkasama sina Arci at Willie sa defunct noontime show ng TV5 na Wowowillie.

Sabi ni Arci sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), “Hindi na... wala, wala.

"Nagpunta kami nung last day ni Kuya, last day ng Wowowillie.


"Nagpunta ako.

"Tapos yun, tinawag lang niya kami lahat ng mga naging co-hosts niya, tapos hindi ko na nakikita si Kuya.”

Ang tinutukoy ni Arci ay ang last episode ng Wowowillie noong October 12, 2013.

Read: Willie Revillame turns emotional in Wowowillie farewell episode; promises to return soon

Nakausap ng PEP si Arci sa first taping day ng telesine ng TV5 na Replacement Bride noong January 7.

NOT TRUE. Naging malapit si Arci kay Willie noong kasagsagan ng noontime show nila.

Kaya naman may mga nagsulputang balita na diumano’y may nabuong espesyal na relasyon ang dalawa.

Muling inusisa ng PEP ang 26-year-old actress-TV host kung naging sila nga ba ni Willie, 52.

Mariing pagtanggi nitong nakangiti, “Hindi nga. Ano ba, ano ba yun? Mukha ba?

“Ganyan naman lahat, di ba? Mabait naman si Kuya sa mga kinukuha niyang hosts.

"Nagkakaroon ng ganung isyu sa kanya, e, after ng hosting, lahat naman ini-invite ni Kuya, hindi lang naman ako.”

Dagdag pa ni Arci, “Ano ba ‘yan, hindi pa mamatay-matay ‘yan, ang tagal-tagal na niyan!”

HAPPY AND VERY CONTENTED. Sa takbo ng kanyang karera sa ngayon, sinabi ni Arci na masaya siya at may mga ibinigay na bagong proyekto ang home network niya.

Sabi niya, “Siyempre thankful, of course. And I’m really excited.

"Kasi ngayon lang ako ulit, after a while, kasi nahinto kami sa pag-shoot namin ng The Gift last year.

"So, ito talaga yung unang project ko for 2014. I’m really excited.”

Ano ba ang mga inaasahan niyang makamit ngayong 2014?

Saad ni Arci, “Madami. Maging successful sa banda, sa career, good health.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Siyempre family, intact pa rin and... ayun.

"Actually, I’m very happy and very contented.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN