Divine Lee echoes live-in partner Victor Basa’s point of view about marriage

Isa sa birthday wish ni Divine Lee ay huwag na sanang makaranas pa ng matitinding kalamidad ang Pilipinas. Personal daw kasi niyang nasaksihan ang hirap na dinanas ng biktima ni Yolanda sa Leyte, at awa at lungkot daw ang kanyang nadarama para sa mga ito.


Palagi raw tinatanong si Divine Lee ng press na kanyang nakakausap ang tungkol sa pagpapakasal sa ka-live in nitong si Victor Basa.

Sa naunang panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Victor—na lumabas kahapon, January 13—sinabi nitong may mga kailangan pa silang gawin sa bawat career nila ni Divine.

Read: Victor Basa and live-in partner Divine Lee defer marriage plans to focus on their respective careers

Bakit kaya sinasabi nilang pareho na hindi pa sila handa?

Tugon ni Divine, “Hindi naman sa hindi handa.

"Alam mo, three years nga kami magkasama, pero mas matagal na yung foundation ng pagkakakilala namin sa isa’t isa.

“Teenager pa lang, barkada na kami.

"So, parang we don’t see any rush dahil napakahaba ng pundasyon namin.

"Parang ang importante kasi, we’re supportive of each other sa career namin.

“Yun yung gusto naming bigyan ng focus ngayon, at hindi muna yung mga kasal-kasal.

"I’m sure pag dumating yung tamang time, pareho kaming mismo ang magsabi."

Hindi ba siya natatakot sa posibilidad na maaari silang magkasawaan?

Sagot ni Divine, “Parang kung magsawa ako sa kanya, dati pa.

"Kasi ang tagal na nga, halos dalawang dekada na kaming magkakilala.

“I think more than sawa, ang fear na lang namin is taking each other for granted.

"Dahil alam mo yun, na sanay na sanay na kayo sa isa’t isa, na sometimes nakakalimutan niyo nang maging sweet, nakakalimutan niyo nang mag-date.

"Kasi para kayong barkada, dahil nga dun kami nanggaling, which is good for a relationship.

“Pero minsan, naiisip ko, ‘Boyfriend ko pa ba ‘to o barkada na lang?’

“So, kailangan, kayo mismo, may initiative kayo na ginagawa na, ‘Okay, ipursigi na kailangang mag-date naman tayo. Alam mo, sweet naman tayo.’

“Yung time namin together, we make it a point na kapag may pinag-usapan kami, kailangang tuparin yun.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Eksklusibong nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Divine sa isang restaurant sa Podium mall, sa imbitasyon ng Flawless—ang kanyang iniendorsong beauty center—kahapon, January 13.

DIVINE’S BIRTHDAY. Ngayong araw, January 14, ang kaarawan ni Divine.

Pero ayaw niyang sabihin ang kanyang totoong edad.

“Ang edad ko ay parang waistline ko lang, 24!” biro niya.

Wala raw siyang naka-schedule na salu-salo kundi isang simpleng kainan lang sa kanilang bahay.

May dalawang wish daw siya sa kanyang kaarawan.

Saad ni Divine, “Yung totooong wish ko ha, ang sinasabi naman kasi nila, minsan ayaw paniwalaan ng tao pero, di ba, nung Leyte [Yolanda relief operations], sobrang active ko?

"I really wish na sana wala nang ganung mangyari.

"Kasi ako, yung emotional and physical stress na inabot ko just for going there, na tuwing ikinukuwento ko, parang naluluha pa rin ako… parang mahirap kalimutan.

"Sana wala nang ganung mangyayari sa Pilipinas.”

Si Divine ay isa sa mga celebrity na aktibong nagsasagawa ng relief operations kapag may mga kalamidad.

Read: TYPHOON WATCH: Socialite Divine Lee spearheads relief operation in San Mateo, Rizal

Dagdag pa niya, “And personal wish ko naman ngayon ay we have a new show, sana maging ano…

"Nanalo lang kami recently ng Gawad Tanglaw for Showbiz-Oriented Talk Show.

"Sana mas bongga yung reaction ng tao sa bagong show namin dahil daily na siya."

Kabilang si Divine sa showbiz-oriented talk show ng TV5 na Showbiz Police.



UNA SA BALITA. Kasalukuyang nagri-reformat ang Showbiz Police. Mula sa pagiging weekly show nito, gagawin na itong daily show sa mga susunod na araw.

Paano naiiba ang bagong show nila?

Ayon kay Divine, “A, isa lang naman yung sinabi namin, sa Showbiz Police, gusto namin mas matapang.

“Maganda nga yung tandem namin ni Mond [Raymond Gutierrez], kasi matapang siya, matapang ako pagdating sa fashion.

"But then, nagko-compliment kami, kasi magkaibigan na kami at pareho kami ng wavelength.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"So, I guess, dun namin nalalabas yung kumportable kami sa isa’t isa.

“Hindi kayo nag-iingat kung ano yung sasabihin niyo.

"Kumbaga, ready kayo sabihin kung ano talaga yung nararamdaman niyo.

"So, yun, mas magiging matapang.

“Second, hindi na siya bitin, kasi every day na, so people can actually build a habit.

"So, hopefully, we can give you issues earlier.

"Ang tagline nga namin, ’Una sa Balita,’ dahil every day na ‘to.

"Hindi niyo na kailangang maghintay ng isang linggo para mapakinggan ang pinakabago sa show business.”

Sa ngayon, planong isabak sa 5 p.m. timeslot ang Showbiz Police.

Makakasama ni Divine bilang hosts ng show sina Raymond, Cristy Fermin, MJ Marfori, at Joey Reyes.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN