Ogie Alcasid admits crush on Alice Dixson

Ogie Alcasid on his new show Confessions of A Torpe replacing the timeslot of Madam Chairman: "Yung audience is looking for something new na naibigay ng show na yun. Ngayon, ibibigay din naman yung kasiyahan na hinahanap din nila, and I think we have a concept that will work."


Si Alice Dixson ang kapareha ni Ogie Alcasid sa panibagong proyekto niya sa TV5, ang Confessions Of A Torpe.

First time makapareha ng 46-year-old singer-comedian ang tinaguriang "I Can Feel It" Girl noong late ’80s bilang ka-loveteam, kaya ganun na lang daw ang kanyang excitement.

"Second time ko makasama si Alice.

"Pero as a love interest, first time. So, ’Wow!’

"Siyempre, Alice Dixson ’yan," bungad ni Ogie nang makapanayam siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa story conference ng Confessions Of A Torpe noong Sabado, January 10.

Makakasama rin nila sa nasabing programa sina Gelli de Belen, Pilita Corrales, Bibeth Orteza, Bayani Agbayani, Albie Casiño, at Mark Neumann.

Dugtong pa ni Ogie, "Marami rin akong naging crush noong kabataan ko, pero wala naman akong niligawang taga-showbiz.

"Pero ’yang si Alice, kung sakali man, matotorpe ako!

"You know what I’m so happy for?

"Kasi, even now at her age, di ba, kung tanggapin siya ng mga kalalakihan, yung mga kabataan.

"At wow, sobra pa rin ang dating niya.

"Masasabi mo talaga na ’beauty is ageless.’

"Makikita mo rin sa kanya na there’s more to her than that—she has a good heart.

"I think yun din ang nakikita sa kanya ng tao."

CRUSH ON ALICE. Aminado si Ogie na crush niya si Alice, 44, na isa sa may pinakamagandang mukha sa showbiz.

Bulalas niya na halos bumilog ang mga mata, "Sino ba naman ang hindi?

"Noong panahon ng ’I can feel it,’ sino ba naman ang hindi naalindog sa kagandahan ni Alice Dixson?

"And now, wow!

"You know, I think all of us are very excited na she’s part of the cast.

"Siya ang magbubuo ng kuwento, e. Yung characer niya, asam na asam ko, e."

Natatawang pagbibiro pa niya, "Di ba, Alice Dixson yun, e, na hindi naman malayo sa edad ko, kaya parang hindi naman...

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Siyempre, maganda siya at ako ay konting pogi lang."

Pambata ang tema ng show na ito, pero wish rin ba niyang meron silang "sweet moments together" na eksena ni Alice?

Nangingiting saad ni Ogie, "Why not? ’Wag yung nakakadiri. Yung cute dapat.

"I think kaya ’yan ni Direk Soxy [Topacio]. Hindi naman yung, ’Ano ba ’yan?’

"Yung cute lang. Something that people... yung kikiligin sila.

"Tingnan natin kung maa-achieve natin."

REPLACEMENT SHOW. Bukod kay Alice, ang concept daw ng show ang isa sa dahilan kung bakit tinanggap ito ni Ogie.

Aniya, "Yeah, it’s funny, it’s cute. Plus, of course, the cast.

"Working again with Gelli and, of course, with Tita Pilits and Tita Bibeth, Bayani Agbayani, ang ganda, ang saya."

Ang Confessions Of A Torpe daw ang ipapalit sa timeslot ng Madam Chairman, na isa sa toprating shows ngayon ng Kapatid network.

Ayon sa balita, magtatapos na sa Pebrero ang show na pinagbibidahan ni Sharon Cuneta.

Nararamdaman ba ni Ogie ang pressure na ang show nila ang ipapalit sa programa ni Sharon?

Sagot niya, "We just have to do our best.

"We look forward, laging ganun.

"And nakakatuwa, kasi manggagaling kami sa isang programang tinangkilik ng televiewers nang husto.

"So, nagpapasalamat kami sa Madam Chairman kasi na-implant na nila yung seeds, you know.

"And yung audience is looking for something new na naibigay ng show na yun.

"Ngayon, ibibigay din naman yung kasiyahan na hinahanap din nila, and I think we have a concept that will work.

"You know, ang lungkot-lungkot na ng buhay kaya kailangan natin ng mga programang cute at nakakapagpasaya sa atin."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN