Boy Abunda denies scolding a telcom employee over survey

Nagpaliwanag ang TV host na si Boy Abunda kaugnay ng isang artikulo na diumano’y nagtaray siya sa empleyado ng isang telecom company. Ayon sa artikulo, isa raw si Boy sa natawagan sa telepono para sa survey sa VIP members, ngunit sa halip na sumagot sa survey, kinuwestiyon daw ng TV host ang mga tanong at tinarayan ang staff.


Nagpaliwanag ang TV host na si Boy Abunda kaugnay ng isang artikulo na diumano’y nagtaray siya sa empleyado ng isang telecom company.

Ayon sa artikulo, isa raw si Boy sa natawagan sa telepono para sa survey sa VIP members, ngunit sa halip na sumagot sa survey, kinuwestiyon daw ng TV host ang mga tanong at tinarayan ang staff.

Sinagot ni Boy ang isyu sa sarili niyang programa sa ABS-CBN, ang Buzz Ng Bayan, noong Linggo, January 12.

Kuwento niya, “I have friends who called me na lumabas nga raw po, front page daw po ang kuwentong ito na meron akong tinarayan na isang nagse-survey para po sa isang telecom company.

“Si Alex Brosas po ang nagsulat na ito sa Bandera.

“Sinabi po na, diumano, ito’y may kaugnayan sa Globe, para diretsahan na ang ating pag-uusap.

“Hindi ko po maalala ang incident na ito.

“Kasi, ganito po yun, hindi po ako mataray na tao. Makatuwiran po ako.

“I’m not naturally disagreeable. Ibig sabihin…

“Pero kung ang tanong, kaya ko bang magtaray? Opo naman, lalo na kung ako’y nabastos.

“Nagsiyasat kami, ako’y nagtanung-tanong kung may survey ba talagang nangyari, wala akong maalala.

“Because, in fairness, ako’y Platinum Plan.”

Ang ibig sabihin, kapag naka-Platinum Plan ang isang subscriber ng Globe ay mayroon itong sumusunod na privileges: Unlimited mobile data, calls & texts, Local & International concierge services, Premium gadgets, and Exclusive perks & privileges.

Patuloy pang paliwanag ni Boy, “Si Vince Verba, who handles my account, is just the nicest guy.

“Tinatanggap ko po mga kaibigan, nagkaroon ho kami ng problema dahil there was a time, na-delay ang kanilang billing dahil nag-change sila ng certain mechanism.

“I don’t understand, pero yun ay na-handle namin nang maayos.

“Nag-init ho ako, ako’y nangatuwiran, kami’y nagdebate.

“But Vince is very quiet. He was very kind, naayos namin ang problema na yun.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Siguro, this one has nothing to do with that.

“Siguro, ganito ang nangyari… Kapag nasa dressing room ka at may pumasok na isang tao na walang paalam at bigla na lamang magtatanong sa ‘yo ng mga katanungan na bahagi ng survey, tatanggapin ko po, kaya kong magtaray.

“Yung naisulat, may possibility ho ba ito? Meron ho.

“Pero wala akong maalala na nangyari.”

Mensahe pa niya sa entertainment columnist, “Kaya nga, Alex, if you’re watching, maraming salamat dahil sinabi niyang hindi siya naniniwala sa balita, unless provoked, hindi po ako magagalit. Dahil kilala ako ni Alex.

“Kaya kung sino po ang nagkuwento kay Alex Brosas, iklaro niyo po.

“Kung sino ang nakasakit ng damdamin, hindi po ako yung taong natatakot magsabi na patawarin niyo po.

“Sa ngayon, wala po akong naaalala.

“And it is not my nature na kahit walang provocation, nagtataray na lang.

“I like to be nice. I like liking people. I like people liking me.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN