Jolina Magdangal wants hubby Mark Escueta by her side during delivery

Gusto raw ni Jolina Magdangal na nasa tabi niya ang asawang si Mark Escueta habang nanganganak siya. Sabi ni Jolina, "Ang request ko talaga sa ospital, from start to finish, nandiyan siya, e. Titingnan niya, makikita niya, mararamdaman rin niya kung ano ang nararamdaman ko. So, yun talaga ang request ko."


Magpapaalam muli si Jolina Magdangal sa kanyang weekly program sa GMA, ang Sunday All Stars, para sa nalalapit niyang panganganak.

Nakatakdang magsilang ang TV host-actress, sa una nilang anak ng mister na si Mark Escueta, sa first week ng February.

Anong preparasyon ang ginagawa niya sa kanyang nalalapit na panganganak?

Ayon kay Jolina, “Yung mga gamit ko para sa sarili ko at para sa baby.

“Tapos yung mga baby shower na ginawa, parang nakakumpleto na lahat ng kailangan ko.

“Siguro yung sarili ko na lang ang ipi-prepare ko, yung kakayahan ko.”

Ano naman ang nararamdaman niya ngayong malapit na siyang manganak?

Sagot niya, “Kinakabahan, pero exciting.

“Noong una, takot. Pero ngayon, habang papalapit nang papalit, mas nai-excite ako.”

Kumusta naman ang buong proseso ng pagbubuntis?

“Hindi ako [nahirapan]… noong una lang. Yung first trimester.

“Pero ngayon, mula nung second [trimester] hanggang ngayon, hindi na ako nahirapan.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Jolina pagkatapos ng live airing ng Sunday All Stars noong Linggo, January 12.

AIMING FOR NORMAL DELIVERY. Magnu-normal delivery ba siya?

“Gusto ko sana normal, pero by February, magpapa-X-ray ako kung kaya ng pelvic.

“Kung hindi, CS [caesarean]. Pero sana normal.”

Kung sakaling normal delivery, magpapa-anaesthesia ba siya?

“Ay, hindi ko kaya! Kailangan kong magpalagay!” bulalas ni Jolina.

“Kasi kahit injection lang ng mga blood test or kung anuman, takot ako talaga, e.

“Hindi mataas ang tolerance ko sa pain kaya kailangan kong magpalagay.”

Ano naman kaya ang nararamdaman ng mister niyang si Mark ngayon?

Sabi ni Jolina, “Sa tingin ko, nagri-ready na siya, e.

“Ang request ko talaga sa ospital, from start to finish, nandiyan siya, e.

“Titingnan niya, makikita niya, mararamdaman rin niya kung ano ang nararamdaman ko.

“So, yun talaga ang request ko.

“Pero ang usapan nga namin, kung hindi papayag ang [ospital], na wala siya sa tabi ko, lilipat kami ng ospital.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Basta ang requirement ko, nandiyan siya sa ospital.

"Kahit sabihin nila, ‘E, CS ka naman, tulog ka naman…’ pero kahit na.

“Kasi, hindi ko talaga kayang mag-isa.”

Kukunan ba nila ng video ang kanyang panganganak?

“Hindi nga alam, e!

“Dyusko, baka naman… teka muna, baka may ibang makunan, di ba?

“Baka yung laman-loob ko, makuhanan!

“Pero gusto ko talagang i-document yung panganganak ko.”

May pangalan na ba sila sa kanilang baby boy?

“Wala pa. Doon kami nati-tense, kasi wala pa.

“Sana by the end of this month, magkaroon na kami ng pangalan.”

Kapansin-pansin ang paglaki ng dibdib ni Jolina, kaya tinanong siya ng PEP kung magpapa-breastfeed ba siya.

Tugon niya, “Gusto ko… ay, hindi ko pa alam kung meron na ‘to. Pero gusto ko.

“Sana makumpleto ko na at least six months… Kasi, para rin sa baby, e.”



JOLINA’S RETURN. May timetable na ba kung kailan babalik si Jolina sa showbiz pagkatapos niyang manganak?

Aniya, “Wala pa. Wala pa.

“Gusto ko ring pakiramdaman ang sarili ko kung kaya ko na at kung… siyempre, priority ang baby, e.

“Kailangan makita ko na, ‘A, kaya ko na muna siyang iwan nang matagal kay Mark,’ ganun.”

Susundan ba nila agad ni Mark ang kanilang panganay?

“Hindi ko pa alam sa recovery at sa kung ano ang mai-experience ko sa panganganak.

“Doon ko yata mararamdaman kung makakapag-decide ako agad-agad.

“Pero gusto ko may pangalawa, hindi ko lang alam kung kailan,” sabi ni Jolina.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN