Maja Salvador on relationship with Gerald Anderson: "Merong mga ibang tao na never nilang matatanggap at maiintindihan."

Hindi raw nagdalawang-isip si Maja Salvador na tanggapin ang role bilang mang-aagaw ng asawa sa upcoming ABS-CBN primetime series na The Legal Wife. Rason niya, “Ang ganda ng project na ibinigay sa akin, bakit ko tatanggihan? Hindi ako dun sa kung ano po ang sasabihin ng mga tao. At saka, ang layo ng character ko sa totoo pong nangyari sa akin sa totoong buhay.”


Marami ang naintriga sa Instagram post ni Maja Salvador, kung saan makikita ang mga larawan nila ng nobyong si Gerald Anderson.

Ang background music nito ay “Habambuhay” ni Yeng Constantino.

May hashtag din itong #believe.

Read: Maja Salvador: Habambuhay with Gerald Anderson

Sa live interview ni Maja sa Buzz Ng Bayan noong Linggo, January 12, ay tinanong siya tungkol dito.

Bakit #believe ang inilagay niyang hashtag sa mga larawan nila ni Gerald?

Sagot ng 25-year-old actress, “Yun kasi ang hashtag ko ngayong 2014, believe.

“Kasi ako, nagulat din ako, magkaka-album na ako.

“So, believe lang.”

"BELIEVE." Kumusta na sila ni Gerald?

“Okay naman po, okay naman.”

Yun ba ang estado ng relasyon nila ngayon ni Gerald, “believe”?

“Opo naman,” nakangiting sagot ni Maja.

“Kailangan naman sa bawat relasyon, paniwalaan mo. Pagkatiwalaan mo ang relasyon na yun.”

Pinagtatrabahuhan ba nila ni Gerald ang “habambuhay” at ang “believe” na iyon?

“Opo,” sambit niya.

“Feeling ko, sa lahat naman, para maging successful ka, meron ka talagang pagdadaanan at parang mahihirapan ka.

“Hindi naman lahat, madali, e.

“Pero bandang huli, alam mo na magiging worth it lahat.”

APPROVAL. Sa kabila ng pagiging masaya nina Maja at Gerald sa kanilang relasyon, may mga taong hindi sang-ayon dito.

Hindi ba siya napapagod?

“Tao lang naman po ako. Nakakapagod din,” pag-amin ni Maja.

“Marami kang naririnig na hindi naman ikaw yun.

“Kahit na kilala mo ang sarili mo kung sino ka talaga, naaapektuhan ka talaga.

“Tatanungin mo, ‘Bakit parang may mga tao na kayang sabihin yun kahit na hindi naman nila alam?’”

Gaano kahalaga ang approval ng mga tao?

Saad ni Maja, “Sa akin, sobrang mahalaga po.

“Yung mga taong nakapaligid naman sa amin ngayon, masaya para sa amin.

“Pero intindihin din po natin na merong mga ibang tao na never nilang matatanggap at maiintindihan.

“Pero wala po tayong magagawa kundi respetuhin yun.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

At ang pagrespeto na iyon ay isang uri ng paglaban?

“Opo, at pananahimik po,” pagsang-ayon niya.

MAJA’S MOTHER. Ano ang reaksiyon ng ina ni Maja sa mga akusasyong ibinabato sa kanya?

“Siya ang umiiyak para sa akin,” sagot ng young actress.

Ano ang sinasabi ng nanay niya?

Naging emosyunal si Maja sa pagsagot sa tanong.

“Sinasabi niya kung gaano niya ako kamahal at... na kilala niya ako. Kilala niya kung sino ang anak niya.

“Na kahit na ano ang sabihin ng iba, hindi importante yun.

“Kasi, nakita niya ako kung paano ko mahalin ang mga tao sa paligid ko at kung paano ko sila pahalagahan.

“Pero yun nga po, wala namang may gugustuhin na lumagay sa posisyon ko, sa naging sitwasyon ko.”

Sa lahat ng pinagdadaanan niya, hindi ba siya napi-pressure sa sitwasyon na meron sila ni Gerald?

Saad niya, “Hindi mo naman kailangang ma-pressure kung ano ang meron kayo.

“Yun nga, magtiwala ka lang. Paniwalaan mo lang ang relasyon mo.

“Kung kayo talaga, magwo-work yun.

“At dasal, yun…”

THE LEGAL WIFE. Kasama si Maja sa upcoming primetime series ng ABS-CBN na The Legal Wife.

Tampok din dito sina Angel Locsin, Jericho Rosales, at JC de Vera.

Ang role ni Maja rito ay mang-aagaw ng asawa.

Hindi ba siya nagdalawang-isip na tanggapin ang role, at baka lalong dumikit sa kanya ang impresyon na mang-aagaw?

Matatandaang nagkaroon ng alitan sa pagitan nila ng dati niyang matalik na kaibigan na si Kim Chiu dahil sa pagkakaroon ng relasyon ni Maja kay Gerald, na ex-boyfriend ni Kim.

Sagot ni Maja, “Hindi ako nagdalawang-isip kasi, para sa akin po, artista ako.

“Ang ganda ng project na ibinigay sa akin, bakit ko tatanggihan?

“Hindi ako dun sa kung ano po ang sasabihin ng mga tao.

“At saka, ang layo ng character ko sa totoo pong nangyari sa akin sa totoong buhay.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ano ang pinakapaborito niyang linya sa The Legal Wife?

Ayon kay Maja, dalawa ang paborito niya.

Una ay ito: "Kapag kasama ko siya, pakiramdam ko, mahal ako. Pakiramdam ko, mahalaga ako."

“Tapos yung isa, kagabi lang… ‘Kaya mo bang dalawa tayo sa buhay mo? Ako, hindi.’”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN