Sylvia Sanchez plans to lie low from showbiz

Sylvia Sanchez on her plan to lie low from showbiz: “Iba na rin kasi pala ang pakiramdam pag nagkakaedad ka na! Matagal na rin naman akong nagtatrabaho sa showbiz, siguro it’s about time na bigyan ko naman ng time ang sarili ko at ang family ko.”


Plano na raw mag-lie low ni Sylvia Sanchez sa showbiz.

Ayon sa character actress, gusto niya namang i-enjoy ang kanyang sarili at magkaroon ng mas maraming oras sa asawa at pamilya habang siya ay bata pa.

Apat ang anak ni Sylvia at ng asawa niyang si Art Atayde—sina Ria, Arjo, Gela, at Juan Arturo.

Natatawang sabi ni Sylvia sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), “Iba na rin kasi pala ang pakiramdam pag nagkakaedad ka na!

“Matagal na rin naman akong nagtatrabaho sa showbiz, siguro it’s about time na bigyan ko naman ng time ang sarili ko at ang family ko.”

Pero hindi naman daw tuluyang iiwan ni Sylvia ang showbiz.

“Tatanggap pa rin naman tayo ng projects, nasa sistema na natin ‘yan, e.

“Pero hindi na siguro yung masyadong demanding sa oras ko.

“Matagal-tagal pa naman ‘yan kung sakali.

“Hangga’t may offer at hindi masyadong mabigat, tatanggapin pa rin natin ’yan.”



TIME FOR HER FAMILY. Importante raw para kay Sylvia na magkaroon siya ng panahon sa kanyang pamilya.

Katunayan, ibinenta na ni Sylvia ang kanilang restaurant para magkaroon siya ng mas maraming oras kapiling ang kanyang mga anak.

Saad niya, “Ibinenta ko, kasi hindi ko na talaga kaya.

“There was a point kasi na nagkaroon ako ng Apoy Sa Dagat, di ba?

“Tapos, nagkaroon ako ng Be Careful With My Heart, sumabay ‘yon.

“Tapos, hindi ko na talaga nakikita yung mga anak ko.

“Kasi, halimbawa, pack-up ako ng umaga, pupunta ako ng restaurant.

“Tapos, pag-uwi ko, tulog mga anak ko.

“Paggising ko [kinabukasan], puro taping na.

“So, dumating ako sa point na parang, sandali lang, kailangan kong mamili—restaurant ko o pamilya ko?

“Di ba? Alam niyo naman na kung anong sagot nun.

“Kahit masakit, ni-let go ko yun.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN