Janine Gutierrez denies holding-hands sighting with Elmo Magalona

Janine Gutierrez on how Elmo Magalona takes care of her: "Kasi si Elmo, maalaga siya, e. In the sense na... siguro kasi palagi kaming magkasama. Alam na niya pag kinakabahan ako, pag may iniisip ako."


Tila nauwi na sa isang romantic relationship ang tambalan nina Janine Gutierrez at Elmo Magalona sa afternoon drama series na Villa Quintana.

Marami ang nakakapunang nagkakamabutihan na ang dalawa at higit pa sa pagiging magka-loveteam ang turingan nila sa isa’t isa.

Sa exclusive interview ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Janine noong Linggo, January 12, sa backstage ng Sunday All Stars, sinabi ng dalaga na nasa getting-to-know stage pa lang sila ni Elmo.

Pag-amin pa ng panganay na anak nina Lotlot de Leon at Ramon Christopher, lumalabas silang dalawa ni Elmo kapag may panahon at oras silang dalawa.

Binanggit namin kay Janine ang sinabi ni Elmo, sa hiwalay na panayam ng PEP, na masaya siya kapag kasama nito ang dalaga.

Read: Elmo Magalona on real score with Janine Gutierrez: "We’re seeing each other."

Ano ang reaksiyon ni Janine dito?

Nakangiti niyang pahayag, “I think pareho lang po kaming nag-e-enjoy na kapag magkasama kami, and pareho kaming masaya sa Villa Quintana at pareho kaming gusto naming pagbutihin yung show.

“Siguro it’s just really a positive time for both of us.”

Wala bang magagalit kung sakaling magkaroon sila ng relasyon ni Elmo?

“Ay, wala po,” sagot ng 24-year-old actress-host.

So, wala siyang boyfriend ngayon?

“Ay, wala po. Wala po akong boyfriend,” diin niya.

Gaano ba siya kasaya ngayon kay Elmo?

“Masaya talaga ako ngayon, e…yun lang.

"Hindi, kasi siyempre, maganda yung itinatakbo ng show namin, maganda yung ratings, tapos maganda yung kuwento.

"Masaya po ako about that.

“And masaya rin po ako na siya yung nakasama ko sa show… actually, yung buong cast po, nagpapasalamat po talaga ako.”

At may nag-aalaga sa kanya, sa katauhan ni Elmo?

“Siyempre, masaya po ako, kasi meron akong nakakausap na…. ano bang sinasabi ko?

"Meron akong close, ganun po,” parang ingat na ingat na sabi ni Janine.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

HOLDING HANDS. Isa sa naging mitsa para pagdudahan ang sinasabing "friendly relationship" nina Janine at Elmo ay ang pambubuko sa kanila ni Ruffa Gutierrez.

Sinabi ng actress-TV host na nakita niya ang dalawa sa isang family gathering na magka-holding hands.

Si Ruffa ay half-brother ng ama ni Janine na si Ramon Christopher.

Paglilinaw namang pahayag ni Janine, “Hindi ko po alam kung saan nanggaling yun, kasi wala naman pong nangyaring ganun.

"Siguro nakuwento ni Tita Ruffa na nakita niya kami, pero hindi ko maintindihan kung paano nangyari yun, kasi hindi ko pa naman…

“Kasi this Christmas, wala pa naman akong pinuntahang Gutierrez gatherings, kasi nasa States sila, e.

“So, hindi ko alam kung paano nagkaroon ng ganoong kuwento.

"Pero there was one time na nakita po namin si Tita Ruffa, pero sa mall lang."

Diin pa niya, “Hindi po kami magka-holding hands.”

Hindi ba magandang tingnan o awkward ba sa kanilang dalawa ni Elmo na mag-holding hands sila sa mataong lugar?

Tugon ni Janine, “Hindi naman.

"Hindi ko lang maisip kung paanong nagkaroon ng istoryang ganun na dinala ko siya sa family gathering, kasi wala pa naman po.”

Masyado pa bang maaga para mag-holding hands sila ni Elmo sa isang public place?

"Ay, hindi ko alam!" sambit ni Janine.

"Hindi naman po... tingnan po natin.

"Pero wala naman po akong inaalala."

JANINE’S PARENTS. Ano ang sinasabi ng daddy at mommy ni Janine tungkol kay Elmo? Nakilala na ba nila ang binata?

Sabi ni Janine, “Si Papa, na-meet niya si Elmo, kasi minsan dinalaw niya ako sa taping.

"Tapos si Mama, hindi pa niya nakikilala si Elmo.

“Pero kinikilig siya kay Isagani at Lynette.

“Tapos, she likes Elmo.”

Sina Isagani at Lynette ang karakter nina Elmo at Janine, respectively, sa Villa Quintana.

Gaano ka-open ang celebrity parents ni Janine pagdating sa kanyang lovelife?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Open din. Kasi lagi ko silang nakukuwentuhan.

"At saka kinukumusta rin nila ako at yung trabaho ko, mga ganun.

"Nagkakakuwentuhan din kami minsan."

Ibig sabihin, kung sakaling maging sila ni Elmo, hindi niya ito itatago sa kanyang mga magulang?

“Hindi,” sagot ni Janine.

Ano ang sinasabi nila tungkol kay Elmo?

Nakangiting sabi niya, “Wala, inaasar din nila ako.

"Kasi nga, kinikilig sila sa show [Villa Quintana], tapos napapanood nila kami sa SAS [Sunday All Stars]."

GIGGLING OVER ELMO. Kinikilig din ba si Janine kay Elmo?

Pag-amin ng dalaga, “Oo... well, I think, kahit naman sinong babae, kikiligin kay Elmo.”

Paano ba siya itrato o alagaan ni Elmo?

“Kasi si Elmo, maalaga siya, e.

"In the sense na... siguro kasi palagi kaming magkasama.

"Alam na niya pag kinakabahan ako, pag may iniisip ako.

"If I’m worried, sinasabi lang niya na, ’Relax, don’t worry.’

"Tapos, pag meron akong mabibigat na eksena, kinukumusta niya ako.

"Kumusta ba or matutulungan ba niya ako in any way. Helpful talaga siya.”

Nararamdaman ba ni Janine na interesado talaga sa kanya si Elmo para maging girlfriend?

"Hindi ko po alam," sambit niya.

"Alam ko po na pareho kaming naka-focus sa work ngayon.

"And masuwerte lang siguro na magkasundo kami even outside the show.

“Pero siyempre, ang focus po talaga namin ay work.”

Hindi kaya hanggang loveteam lang ito, at kapag natapos na ang teleserye nila ay hindi na rin sila sweet sa isa’t isa?

Sabi ni Janine, “Hindi naman po sana.

"Kasi siyempre, lahat kaming mga cast, nakapag-bond na rin, since nag-start kami ng taping.

“So, I’m sure yung closeness na yun, sana magtuluy-tuloy.”

Si Elmo ba ang tipo ng lalaking gagawin ang lahat para lang i-please siya, gaya ng pagbibigay ng pagkain at bulaklak?

Sabi ni Janine, “Actually, palagi po siyang may dalang pagkain para sa lahat. Share-share lang kami.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Wala pang kasiguruhan kung hanggang kailan pa tatakbo sa ere ang Villa Quintana, pero tiniyak ni Janine na magtatagal pa ito.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN