Phil Younghusband "no reaction" to Angel Locsin-Luis Manzano reconciliation

“When you see your future with someone, when you love someone, you can’t get over them that easy. I still care for Angel and she’s still in my heart,” says Phil Younghusband about his feelings towards ex-girlfriend Angel Locsin.


“Hindi ako maniwala na you can fall out with someone that quickly.”

Ito ang naging pahayag ng Philippine Azkals striker na si Phil Younghusband nang tanungin tungkol sa ex-girlfriend niyang si Angel Locsin.

Bagamat tatlong buwan na halos ang nakalilipas nang mag-break sina Phil at Angel, inamin ng football player na hindi pa rin nawawala ang kanyang pagmamahal sa aktres.

Read: Angel Locsin confirms breakup with Phil Younghusband: "Maayos po kaming naghiwalay at mutual decision po ito."

Sabi niya, “When you see your future with someone, when you love someone, you can’t get over them that easy.

“I still care for Angel and she’s still in my heart.

"I still love her and she means a lot to me.

“I really want what’s best for her and I want her to be happy.”

Pag-uulit pa ni Phil, “After naghiwalay kami ng three months, of course, if you love someone, you still love that someone after three months.

“Hindi ako maniwala na you can fall out with someone that easy.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang miyembro ng media si Phil sa opisyal na pagbubukas ng Gatorade-Chelsea Football Blue Pitch kahapon, January 15.

Bagamat tapos na ang romantic relationship nilang dalawa, sabi ni Phil, nananatili naman ang kanilang pagiging magkaibigan ni Angel.

“We’re still friends, still good times.

“I wish the best for her. I wish the best for her.

"Siyempre, she has The Legal Wife, I wish her the best.

“We’re still friends, you’ll never know so…”

Sa tingin ba ni Phil ay may pagkakataon pang magkabalikan sila ni Angel?

“Hindi ko alam, you’ll never know,” sagot ng kilalang football player.

“Siguro, for me, there’s no rules with love.

“If you love someone, that’s just what you feel and that’s just what the heart wants, so you’ll never know.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



ON POSSIBLE ANGEL-LUIS RECONCILIATION. Samantala, naging pagkakataon din ang event upang makuha ang reaksiyon ni Phil sa sinabi ni Angel na nananatili pa rin ang pagmamahal niya sa dating boyfriend na si Luis Manzano.

Sa press conference ng upcoming teleserye niyang The Legal Wife kahapon, January 15, inamin ng Kapamilya actress ang tungkol sa nararamdaman niya sa ex-boyfriend na si Luis.

Sabi ni Angel, “Oo, mahal, mahal naman.

“Ang love, hindi naman nawala, pero hindi naman ibig sabihin nun e magiging kayo ulit o magkakabalikan kayo, di ba?

“Kasi kailangan pag-usapan muna ang napakaraming pinagdaanan namin.”

Sinabi rin ni Angel na pinuntahan siya ni Luis sa kanilang bahay noong New Year.

Read: Angel Locsin admits she still has feelings for ex-boyfriend Luis Manzano

Nang sabihin namin ito kay Phil, umiling lamang siya at sinabing, “No reaction. I’ve got no reaction. It’s the first time I heard it.”

Naging matipid din ang sagot niya nang tanungin kung ano ang magiging reaksiyon niya sakaling magkaroon na ng bagong karelasyon si Angel.

Sabi ni Phil, “As long as she’s happy... I don’t know how I would feel.”

Sa ngayon, hindi raw muna nakikipag-date si Phil.

“Gusto kong mag-concentrate sa football, sa academy, sa pamilya ko.

"‘Yon ang priority ko at the moment.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN