Angel Locsin says admission of love for Luis Manzano is no gimmick

Itinanggi ni Angel Locsin na isang promo lamang para sa comeback teleserye niya ang pag-amin niya na mahal pa rin niya ang dating boyfriend na si Luis Manzano. Aniya, “Never ko pong ginawa ’yon sa buong career ko. At hindi ko po gagawin ’yon.”


Itinanggi ni Angel Locsin na ang pag-amin niyang may nararamdaman pa rin siyang pagmamahal para sa dating boyfriend na si Luis Manzano ay publicity stunt para sa comeback teleserye niyang The Legal Wife.

Ginawa ni Angel ang pag-amin sa bloggers conference ng kanyang upcoming primetime teleserye sa ABS-CBN compound kahapon, January 15, Miyerkules.

Read: Angel Locsin admits she still has feelings for ex-boyfriend Luis Manzano

Apat na taon nang break sina Luis at Angel.

Noong October 2009 nang kumpirmahin ni Angel na hiwalay na sila ng panganay ni Batangas Governor Vilma Santos.

Hindi naman idinetalye kung ano ang rason ng kanilang paghihiwalay.

Pagkatapos noon ay nagkaroon sila ng kani-kanilang karelasyon.

Naging girlfriend ni Luis ang Kapuso star na si Jennylyn Mercado, samantalang naging boyfriend ni Angel ang football player na si Phil Younghusband.

October 18, 2013 nang lumabas sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang kumpirmasyon na hiwalay na sina Jennylyn at Luis.

Read: Jennylyn Mercado-Luis Manzano breakup confirmed

Makaraan lamang ang isang linggo, kinumpirma naman ni Angel sa kanyang Twitter account na hiwalay na sila ni Phil.

Read: Angel Locsin confirms breakup with Phil Younghusband: "Maayos po kaming naghiwalay at mutual decision po ito."

BEING TRUE TO HERSELF. Marami ang nagulat sa ibinunyag ni Angel na hindi naman nawala ang pagmamahal niya kay Luis.

Nakapanayam si Angel sa radio program na Mismo nina Jobert Sucaldito at Ahwel Paz sa DzMM kagabi, at inilabas sa ABS-CBN News Online.

Ang guest appearance ni Angel ay nangyari pagkatapos ganapin ang presscon para sa primetime series ng aktres.

Paliwanag niya, wala talaga siyang balak na ihayag ang kanyang nararamdaman para sa dating kasintahan.

"I’m sorry kung nagkaroon ako ng medyo emotional episodes kanina [sa presscon], pasensiya na po, hindi ko po intensiyon na...

“Nagulat din naman ho ako sa sarili ko, at hindi ko po sinasadya ’yon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Siguro ayoko lang po magpaka-ipokrita," ani Angel, na naiyak sa presscon nang matanong tungkol kay Luis.

“Kagaya ng sinabi ko, hindi mo naman maitatago yung nararamdaman mo, e, kung ito talaga yung nararamdaman mo.

“E, mahal mo, e."

Dagdag pa ni Angel, "Siguro ini-explain ko na rin ’to para pag nag-presscon na o ganyan, hindi naman po siguro [maaapektuhan] yung ganda ng show.

“Kaya nahihiya rin ako, kasi baka isipin ng iba, ang artista, pag may bagong nilu-launch, kailangan ng gimik-gimik.

“Sorry po, never ko pong ginawa ’yon sa buong career ko. At hindi ko po gagawin ’yon.”

Saad pa ng aktres, nagpapakatotoo lamang siya.

“Ayoko lang hong manloko ng tao.

"Sabi ko nga, mas tanggap ko ho na magalit yung tao, kaysa alam ko na niloloko ko yung mga tao."



MEETING LUIS AGAIN. Samantala, sa nasabi ring interview ni Angel sa radio program ay inamin niyang pagkatapos ng presscon ay binisita siya ni Luis sa kanyang dressing room.

Ani Angel, ikinagulat daw ni Luis ang mga pag-amin niya sa presscon.

Nang tanungin kung ano ang naging reaksiyon ni Luis nang malaman ang mga pahayag niya, natatawang sagot ng Kapamilya actress, “Medyo feeling! Feeling-feeling siya!

"Kasi yung mga bagay nga na hindi namin napag-uusapan, or hindi ko nasasabi sa kanya, o kahit mga ’I miss you,’ walang ganun, e.

"So, nagulat siya na narinig niya."

Pagpapatuloy ni Angel, binisita siya ni Luis para magpakita ng suporta sa bagong proyekto ng aktres.

Sa radio appearance ni Angel ay muli niyang idiniin na may mga bagay pa rin silang dapat ayusin ni Luis.

Hindi naman daw nangangahulugan na magkakabalikan na sila.

Ani Angel, "Inaayos pa rin naman namin."

"Hindi naman ibig sabihin na magiging kami na agad, kasi meron pa kaming issues na hindi nasu-solve talaga before.

"But right now, okay kami."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN