Luis Manzano on Angel Locsin’s revelation: "...let the smiles on our faces... the tears on her eyes, speak on our behalf."

Luis Manzano’s message to Angel Locsin: "Pare-pareho tayong nagulat sa mga pangyayari. Although it’s not gonna be an easy ride sa atin, but let’s see what happens. Sinabi ko nga, I’ll be smiling about it… I love you."


Ilang sandali pagkatapos aminin ni Angel Locsin na mahal pa rin niya ang dating kasintahang si Luis Manzano kahapon, January 15, nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), ABS-CBN News, at Buzz Ng Bayan ang TV host-actor.

Nagkataon kasing may taping si Luis ng daily game show niyang Minute To Win It sa isa sa mga studio ng ABS-CBN noong oras na iyon.

Si Angel naman ay nakausap ng press sa bloggers conference para sa kanyang bagong primetime series na The Legal Wife sa 9501 restaurant, sa 14th floor ng ELJ Bldg. ng ABS-CBN.

Read: Angel Locsin admits she still has feelings for ex-boyfriend Luis Manzano

FRESH NEWS. Hindi na nagtaka si Luis nang usisain ng press tungkol sa mga naging pahayag ni Angel dahil nabalitaan na raw niya ang tungkol dito.

Bungad niya, “Oo nga, balita ko nga rin, e... napaka-fresh na balita.

“Oo, eksakto kanina, in between taping ng Minute To Win It, nahawakan ko yung phone ko at nabasa ko yung mga kaganapan.

“It was on my Twitter feed na galing sa ABS-CBN News.”

Ano ang reaksiyon ni Luis sa sinabi ni Angel na nag-uusap silang muli at mahal pa rin siya nito?

“Nagulat, siyempre nagulat.

"I’m smiling about it, kasi that’s a very good thing.”

Nanliligaw ba siya uli kay Angel?

Sagot ng 32-year-old TV host-actor, “Yung ligaw, mahirap, kasi may past na kami.

"So, kumbaga, we’re slowly talking again.

"So, sana, kung pupunta doon sa patching things up or working things out para doon sa mga nangyari dati."

Kaya raw naiyak si Angel habang pinag-uusapan ang relasyon nila ngayon ni Luis ay dahil marami silang hindi napag-usapan noon.

Pagkumpirma naman ni Luis, “Marami-rami...

"Siguro this time, right after Christmas, nag-start kaming mag-usap talaga.

"I think mas maayos na yung usapan namin about bagay-bagay, not necessarily sa relationship namin, but in general.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"For some reason, maybe we’re mature na rin at ang ganda ng communication line namin ngayon.”

Kinumpirma rin ni Luis na halos dalawang taon silang hindi nag-usap ni Angel pagkatapos nilang mag-break noong 2009.

“Oo, in fairness naman, throughout the breakup, especially until this Christmas, never kaming nag-usap.

"Never kaming nag-text all the way until last Christmas.”

FIRST VISIT. Noong New Year ay nagpunta si Luis sa bahay nila Angel ngunit hindi sila nagkita dahil tulog na noong oras na iyon ang aktres.

“Oo, hindi ko siya naabutan.

"Kasi nag-party yata sila sa bahay, so pagpunta ko, tulog na siya.

"So, instead, I spent my time with her sister at sa ibang mga kaibigan niya na gising pa.”

Iyon ba ang unang pagpunta ni Luis sa bahay ni Angel pagkatapos nilang mag-break noon?

“Yes. Kasi even nung Christmas, hindi ko siya nabati, e.

"Ngayon ko lang naalala... I was doing an interview nun, hindi ko siya nabati nung Christmas.

"So, after that, people think kasi na before pa nag-uusap na kami when we had our respective lovelives.

"Klaruhin ko lang na hindi kami nagkikita, hindi kami nag-usap, nothing at all.

"Sa tinagal tagal na may mga lovelife kami, pero nakakatuwa lang, after everything, dun din pala darating.”

Bakit nag-iwasan sila noon pagkatapos nilang mag-break?

Paliwanag ni Luis, “Well, there’s no need.

"Kumbaga, we broke up, nakita naman naming hindi kailangang mag-usap.

"Respeto na lang din namin sa mga respective significant others namin."

THE SECOND TIME AROUND. Marami bang dapat ipaliwanag si Luis kay Angel?

Tugon ng Minute To Win It host, “Siguro kaming dalawa, marami kaming dapat pag-usapan din, sa aming dalawa.

"And that’s a good thing.

"And we would like to iron things out and, hopefully, things fall into place na mas smooth sailing.”

Naniniwala ba siya sa kasabihang, "Love is lovelier the second time around"?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Hopefully... hopefully!" bulalas niya.

"There is that thing for a reason.

"To quote my character Mark sa In My Life movie ko noon: ’Love doesn’t vanish into thin air just because you chose to go separate ways with someone.’"

Kinilig ba siya sa naging rebelasyon ni Angel tungkol sa nararamdaman nito para sa kanya?

“Para nga akong nanonood ng TGIS kanina na kinikilig, e.

"Oo, nung nabasa ko, para akong nanonood ng mga ganung show, e.

"Para akong nanonood ng John Lloyd-Sarah movie."

Hindi ba dapat lalaki ang gumagawa nun, at hindi babae?

Sabi naman ni Luis, “Kaya nga ako nagulat, and we still have to talk about yung pagsabi niya.

"Pero ako, I have no problems, smiling about it, calling her later or tomorrow para mapag-usapan namin.”

STEP BY STEP. Pagkatapos niyang mabasa ang mensahe ni Angel para sa kanya, ipagpapatuloy ba niya ang panunuyo muli sa dating kasintahan?

Ayon kay Luis, “Kumbaga, we are slowly fixing everything up.

"I guess, iisa naman yung gusto namin... sana mangyari.

"Hopefully, step by step.

"Pero kumbaga, it’s open na kung paano kami ni Angel sa isa’t isa, kung ano ang nararamdaman namin sa isa’t isa.”

Mahal pa rin ba niya si Angel? Tumitibok pa rin ba ang puso niya para sa aktres?

“Oo naman... oo naman.

"Sobrang tumitibok. Pacemaker na nga ang kailangan ko, e!" biro niya.

Mahal pa rin ba niya si Angel?

“Mahal ko naman si Angel, definitely.

"Especially, simula nga nung Christmas at New Year, parang everything has been rekindled.

"It’s so hard to put into words.

"Pero let the smiles on our faces—well for her case, the tears on her eyes—speak on our behalf.”

Ano ang reaksiyon niya nang umiyak si Angel?

“Nagulat ako... a friend sent me message muna na umiyak nga si Angel.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

OPENING THEIR COMMUNICATION LINE. Paano ba nagsimula ang komunikasyon nila muli ni Angel?

“Paano ba? Wow, alam mo… siguro a bit before Christmas halos na nag-start kami mag-usap.

"Kailan ba? Actually, hindi ko na nga maalala, I can’t even remember.

"It was that casual. Kumbaga, may tinanong lang siguro ako, then sinagot niya.

"Very, very simple nagsimula, nagtuluy-tuloy lang ang effect.”

Naisip ba niyang puwede silang magkabalikan pagkatapos marinig ang pahayag ni Angel?

"I don’t wanna find something positive out of tears, pero sa lahat ng mga nangyari…" pagkatapos ay isang malaking ngiti ang ipinakita niya sa camera.

Naisip niya ba na magkakaayos sila muli ni Angel at babalik uli ang dating closeness nila?

Sabi ni Luis, “Ang ini-expect ko, siguro maaayos namin, magiging okay kami.

"Hindi ko ini-expect na ganito ka-positive, which a good thing.

"The way I’m saying it, it makes me happy!"

Sa pagkakataon bang ito ay hindi na niya pakakawalan si Angel?

"Oo naman," mabilis na sagot ni Luis.

"Slowly, step by step, mahirap namang biglain din, di ba, considering na sa lahat ng mga nangyari.

"And, you know, some people will be happy, some people won’t be."

NOT THE CAUSE OF BREAKUP. Ngunit handa na ba siya sa bashers na babatikusin ang relasyon nila ni Angel kung sakali?

“I’m sure lalabas ang mga isyu na ’yan.

"Pero the fact na hindi kami nagkita or nag-usap for more than two years, when we have our respective partners, they may think kung ano ang gusto nilang isipin.

"We will leave it to them.”

Itinanggi ni Angel sa naunang panayam sa kanya na hindi si Luis ang dahilan kung bakit sila naghiwalay ni Phil Younghusband.

Si Luis ba ay nais ding linawin na hindi si Angel ang dahilan ng hiwalayan nila ni Jennylyn Mercado?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Hindi, hindi talaga," sabi niya.

"Same way na she was never a reason kung bakit sa lovelife ko rin naman...

"Nagkataon lang na… destiny, faith, serendipity."

Naniniwala rin ba si Luis sa kasabihang "Sa hinaba-haba man ng prusisyon ay sa simbahan pa rin ang tuloy"?

“Sana! Sana nagkakatotoo yung saying na yun,” sagot niya.

"One great love" ba niya si Angel?

Ayon kay Luis, “Alam niyo, I can’t even quantify kung gaano ka-special sa akin si Angel, yung pagmamahalan namin.

"I’ll never be able to quantify it.

"I put it on a certain level—it’s just love."

MESSAGE OF LOVE. May mensahe ba siya para kay Angel?

Saad ni Luis, "Pare-pareho tayong nagulat sa mga pangyayari.

"Although it’s not gonna be an easy ride sa atin, but let’s see what happens.

"Sinabi ko nga, I’ll be smiling about it… I love you.”

May "I love you" talaga?

“Oo naman, love ko naman talaga si Angel.

"Especially nga on what happened, we have so much positivity nung nagsimula kami uling mag-usap.

"That’s a very, very good thing.”

Ano ang una niyang gagawin pagkatapos ng interview na ito?

"Call her," sabi niya.

"Kasi hindi ko pa siya nakakausap mula nung nangyari ang lahat, mula nung lumabas siya sa bloggers conference.

"Then, may boodle fight ako with my staff sa Minute To Win It, kasi nga anniversary namin.

"After this interview, tatawagan ko siya."

Kailan niya iimbitahan si Angel para maglaro sa Minute To Win It?

Sabi ni Luis, “Ini-invite namin siya actually, bago pa lumabas ito.

"Mga ilang months na namin siyang ini-invite, nagkakataon na yung schedule niya, hindi magtugma.

"Siguro on a personal level, hindi rin kami ready nung ini-invite ng staff or ng management niya.

"Siguro ngayon, schedule na lang ang pipigil sa pagge-guest niya sa Minute To Win It.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

WHAT’S NEXT? Wedding proposal na ba ang susunod?

“Huwag naman muna!” bulalas ni Luis.

Puwede naman na siyang magpakasal, di ba?

“Puwede naman... hindi naman na ako menor de edad. Sa laki kong ito?

"Puwede naman.

"Sabagay, nagkagulatan nga kanina, di ba? Malay natin?

"Gulatan na lang tayo!" tawa ni Luis.

Kung sakali, si Angel na ba ang babaeng ihaharap niya sa altar?

“Fingers crossed,” sagot ni Luis.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN