Isabel Oli not expecting boyfriend John Prats to propose this year

Ayon kay Isabel Oli, pinaghirapan ng kasintahan niyang si John Prats na patunayan ang sarili sa kanya bago naging sila. Lalo pa’t alam ni Isabel na galing sa iba’t ibang showbiz relationships ang aktor.


Hindi raw inaasahan ni Isabel Oli na magpu-propose ngayong 2014 ang boyfriend niyang si John Prats.

Ito ay sa gitna ng patuloy na isyung may plano na raw silang magpakasal.

Sabi ni Isabel, “Actually, ngayon, di ko na tuloy ini-expect, kasi parang everyone is talking about it.

"So, parang feeling ko, if ever na gagawin niya ‘yon, baka… hindi talaga ‘yon.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Isabel sa contract signing niya bilang pinakabagong endorser ng Sophie Paris, isang clothing line, accessories, personal care, at iba pang produkto.

Ginanap ang contract signing sa Viva Office sa Ortigas Center, kahapon, January 15, Miyerkules.

“Definitely, hindi ngayon,” sabi pa ng Kapuso actress sa isyung pagpapakasal.

“Parang feeling niya siguro, ini-expect ko na.”

Ayon pa kay Isabel, kahit saan man sila magpunta ni John, ang laging tanong sa kanila ay kung kailan na sila magpapakasal.

Hinihikayat na rin daw sila ng kani-kanilang pamilya na magpakasal na.

Gayunpaman, hindi raw sila nagpapadala ni John sa pressure.

“Hindi kami napi-pressure.

“Sobrang positive lang yung tingin namin.

“Parang lahat ng tao excited na magpakasal kami, pero ngayon talaga, wala pa ‘yan.”

Bago naging sila ay nanggaling na rin sa mga relasyon sina John at Isabel, pero mas handa na raw ang aktres sa pagkakataong ito.

Ikinuwento rin ni Isabel na pareho nilang ipinagdasal ni John ang isa’t isa.

“Same kami, nagpi-pray kami nun, kasi fasting time ‘yon.

“Nagpi-pray kami na sana mahanap na talaga kasi siyempre we’re not getting any younger.

“Tsaka kapagod na rin yung masaktan.”

Nataawang ikinuwento ni Isabel na noong una ay nagkaroon siya ng agam-agam pagdating kay John, lalo pa’t alam niya ang tungkol sa mga naging karelasyon ng aktor.

“Sobrang pinaghirapan niya talaga sa totoo lang, kasi nakikita ko rin sa kanya yung mga relationships niya before.

"Pero hindi naman masama, pero parang, ‘Naku, baka iwan ako,’ or whatever.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Pero okay naman,” ani Isabel.

Napag-uusapan na raw nila ni John ang tungkol sa kasal, at natutuwa si Isabel dahil hindi ito naiilang na pag-usapan ang nasabing paksa.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN