K Brosas to play lesbian mom in Star Cinema movie

“Ang role ko sa movie is nanay na tomboy nung bidang aktor… Ang asawa ko, bakla na may dede, ha. Tapos yung anak namin, sintu-sinto, mentally challenged,” kuwento ni K Brosas tungkol sa role na gagampanan niya sa isang bagong pelikula mula sa Star Cinema ngayong taon.


Excited ang komedyanteng si K Brosas sa bagong pelikulang gagawin niya sa Star Cinema ngayong 2014.

Hindi pa puwedeng ipaalam ang titulo ng movie, pero ayon kay K, malaking bonus pa sa kanya ang role na gagampanan dahil mga bigating artista ang makakasama niya rito.

Paglalarawan pa niya, "Eto na, ang role ko sa movie is nanay na tomboy nung bidang aktor.

“Hindi pa doon natatapos. Ang asawa ko, bakla na may dede, ha.

"Tapos, yung anak namin, sintu-sinto, mentally challenged.

"So, yun ’yon."

Magpapaka-aktres na ba siya sa pelikulang ito?

"Medyo!" tawa niya. "Sabi nga nila, breakthrough role. Pinaka-challenging ever."

“OLD SCHOOL” TOMBOY. Anong klaseng tomboy ang role niya sa movie?

"Ang gusto nung direktor, yung mga old school na tomboy. Hindi yung mga bagets.

“Kasi yung mga bagets ngayon, sweet, ’no? Ang guguwapo. Ang ku-cute.

“Ito, kailangan butch, dyologs,” lahad pa ni K tungkol sa kanyang gagampanang role.

Malaking babae si K at may malusog na dibdib.

Hindi kaya maka-distract sa role niya ang kanyang physical attributes?

"I don’t think so,” kontra ni K.

“Nakaipit naman yun.

"Nag-look test na kami. So, paha-haggard-en.

“Kailangan walang feminine na look. Lalaki talaga."

Mahirap ba o madali lang para sa kanya ang role niya sa movie?

"Challenging ang word na gusto kong sabihin.

"Nakakatakot kasi, e. Natatakot ako, sa totoo lang.

"Pero kailangan kong gamitin yung takot na yun as a challenge.

“Kasi ano ’to, e… Kapag nabigay namin nang tama yung hinihingi sa amin nung role, lalo na yung bidang aktor—ang galing!

“Pero hindi pa kasi puwedeng banggitin ang panglan ng mga bida, e. Pati direktor.

“But, yun nga, imposibleng di siya mapansin ng mga award-giving bodies. Hindi ako, ha.

"Yung movie kasi, hindi siya love story. It’s a family drama.

“Comedy pa rin. May comedy sa part namin, kasi nga naman ang nanay mo tomboy, tatay mo bakla.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Comedy na yun, di ba?"

HER MOMENT? Sa tingin niya, mababago ang pagtingin sa kanya ng mga tao from being a comedienne into a serious actress?

Sagot ni K, "I am hoping. I am praying.

"I am hoping for that kind of reaction.

“Saka siguro nung natanggap ko yung script, na-overwhelm ako.

“Hindi ko akalain na bibigyan ako ng Star Cinema ng ganito katinding role. Hindi ko akalain.

"Sabi ko, ’Lord, siguro, ito na’ng hinihintay ko.’

"Kapag nagawa ko nang mabuti yung role, magiging domino effect na ’yan, e.

“’Ay, puwede naman pala siyang mag-drama. Pero nakakapag-comedy.’

“Siguro baka sabi sa akin ni Lord, ’Baka ito na yung inaantay mong break. Maging Eugene [Domingo] ka na, o maging Ai-Ai [delas Alas] ka na, o Pokwang.’ Mga nagawa niya.

“Baka ako na, di ba?

"Kasi sobrang laki nung role, ang hahaba ng eksena. Sobrang overwhelmed [ako]."

Hindi naman siya nagdalawang-isip sa pagtanggap sa role?

"Ah, no! No, no.

"Ang nasa utak ko nga, ’Sigurado ba sila?’

"Ako pa yung nagduda para sa sarili ko, e.

“Tapos bago ako pumunta rito, tinanong ko muna si Jonathan [her handler sa Backroom, Inc.].

"Sabi ko, ’Sure na ba yung pelikula?’

“’Oo, totoo.’ [sagot ni Jonathan.]

"Kasi minsan sa showbiz, minsan nagsu-shooting na kayo, di pa natutuloy.


“May teleserye ako, ayun, on hold, kaya hindi ko masabi.

“Kaya itong pelikula, dito ko ibubuhos lahat ng energy ko,” aniya pa.

Ano ang sabi sa kanya ng big boss ng Backroom, Inc. at tinagurian ding “King of Talk” na si Boy Abunda?

"Excited naman ang buong Backroom.

"Kahit sila, masyadong natuwa, na medyo kinakabahan.

“Ako kinakabahan, personally. Pero kailangan kong gawin,” sabi ni K.

PEGS. May kakilala ba siya na may pagka-butch na tomboy?

"Wala naman, pero ang peg ko, Charlize Theron sa pelikulang Monster. Nag-transform siya doon, di ba?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Ang ganda-ganda niya, pero nag-iba ang hitsura niya sa movie. Kaya ayun, nanalo siya ng award."

Ayaw niyang gawin yung ginawa ni Hilary Swank sa pelikulang Boys Don’t Cry?

"Ayun, isa pa ’yan. Yun, ganoon. Papanoorin ko ulit ang mga ’yan!" tili niya.

Nag-workshop na siya for the movie?

"Gusto nung direktor is, ang pagkakaalam ko, mag-workshop at may mga technical ano pa siya.

“Napaka-perfectionist nung direktor. Kaya hindi niya masimulan.

"Gusto niya kapag nagsimula, dire-diretso na."

Okey lang daw na wala muna siyang regular show sa TV.

"Basta hindi ako nawawalan ng live shows.

"In all fairness, mabait si Lord. Marami akong corporate shows at saka abroad.

“Tapos hindi ko binibitawan yung regular gigs ko kapag wala akong ganap," pahayag pa ng komedyana.

May regular gig si K sa Zirkoh Morato tuwing Lunes at sa Klownz Quezon Avenue tuwing Martes.

She will be in Guam with Pooh sa January 31 at sa Kuwait on February 27 and 28.

May series of shows din siya sa U.S. at Canada para sa 4DaLaffs concert tour with Pokwang, Chokoleit, and Pooh sa April.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN