PEP EXCLUSIVE. Geoff Eigenmann says Carla Abellana is a devoted girlfriend: “Never siya nawala even in my biggest and heaviest days.”

Hindi nahiyang aminin ni Geoff Eigenmann na noong mga buwan na wala siyang trabaho, mas gusto niyang manatili na lang sa bahay kaysa lumabas dahil wala siyang pambayad ng dinner date nila ni Carla Abellana. Ngunit kahit kailan ay wala raw narinig na reklamo ang Adarna actor mula sa kanyang girlfriend.

"It wasn’t a problem for her," kwento ni Geoff sa panayam ng PEP kamakailan. "Kasi we’re very supportive


Inamin ni Geoff Eigenmann na nakaramdam siya ng insecurity noong mga panahong wala siyang trabaho, habang ang girlfriend niyang si Carla Abellana ay tumatamasa ng tagumpay dahil sa toprating teleserye nitong My Husband’s Lover.

Idagdag pa dito ang masasakit na salita na natatanggap ng aktor mula sa kanyang bashers sa social media, dahil sa mabigat niyang timbang noong panahong iyon.

“I was on the side, trying to lose weight, no work and all that.

"Just checking her Instagram, Facebook, and Twitter…

“People say shit. Kung anu-anong sinasabi nila.

"Like, saying she will spend time with Tom [Rodriguez] and all that.

“At first, merong insecurity.

"I guess it pushed me to work out,” pagtatapat ni Geoff sa eksklusibong panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal).

Kung nakaramdam man si Geoff ng kaunting pagseselos ay napawi rin agad ito dahil alam niya kung gaano siya kamahal ni Carla.

Sabi ng Adarna actor, “Bago pa naging kami, we understand na ito ang trabaho natin, we work with other people, we kiss other people on a daily basis. Hindi maiiwasan yun.

“At the end of the day, if you know the person you love loves you as much as you do, walang problema.

"Lahat naman napag-uusapan.”

Kuwento pa ni Geoff, bilib siya kay Carla dahil hindi siya nito iniwan sa ere kahit na mismong ang aktor ay halatang nagpapabaya sa sarili.

“Masarap, kasi she has always been there for me.

"Never siya nawala even in my biggest and heaviest days.

“When I was suspended... kasi I didn’t look like this.

"I had very long hair, long beard. I didn’t shave at all the whole time I was suspended.

"So, that was a four-month-long beard.

“She hated how I looked, but she was still there for me.

"And I am very happy."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



NO BUDGET FOR DINNER DATE. At dahil wala siyang trabaho noon, napansin ni Geoff na ang laki ng nababawas sa kanyang savings dahil sa dami ng kanyang gastusin, gayong wala siyang kinikitang pera.

Bunsod nito, may mga pagkakataon daw na tumatanggi siya kapag inaaya siyang kumain sa labas ni Carla.

Ito ay sa kadahilanang wala siyang budget at ayaw naman niyang ang kasintahan ang magbayad ng kanilang dinner date.

Kaya madalas ay binibisita na lang ni Geoff si Carla sa bahay kapag wala itong taping ng My Husband’s Lover.

Sagot ng Kapuso actor nang tanungin ng PEP kung ano ang reaksiyon ni Carla kapag hindi sila nakakapag-date sa labas: “It wasn’t a problem for her. Kasi we’re very supportive of each other.

“Kapag walang trabaho yung isa, we help each other out.

"Sometimes, as manly as it sounds, sometimes she pays for dinner. Sometimes she pays for the movies.

"That’s how we are as a couple.”

Nang magdesisyon si Geoff na ayusin ang sarili at muling magpapayat, todo-suporta pa rin si Carla pagdating sa matinding workout schedule ng aktor.

Ibinahagi ni Geoff sa Men’s Health Magazine January 2014 issue na buong araw siyang naglalagi sa isang gym sa Pasig para sa kanyang mixed martial arts training.

Sabi naman ng Adarna actor, sa panayam ng PEP, tungkol kay Carla, “She’s the force behind me that pushes me.

“Those times na kunwari nasa bahay siya, wala siyang trabaho, hindi ako makabisita.

"Instead of being with her, she’ll tell me, ’Just go to the gym first.’

“She’ll sacrifice our time together for me to be able to work out.

"So, may ganun siya.

"I’ll see her after I work out—late at night, little time, pero it works."



ON GETTING MARRIED. Matagal na ring magkarelasyon sina Geoff at Carla.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Posible kayang isa sila sa celebrity couples na may balak na lumagay sa tahimik ngayong 2014?

Sagot ni Geoff, “It has crossed our minds, but it’s not something we’ve really talked about yet.

“Family-wise, my younger brother is getting married this year and Carla’s sister is also getting married this year, so sukob.”

Ang tinutukoy ni Geoff na kapatid niyang magpapakasal ay si AJ Eigenmann, na dati ring nag-aartista at ngayo’y nakabase na sa Las Vegas.

Ganunpaman, walang pag-aalinlangang sinabi ng aktor na si Carla na ang gusto niyang makasama habambuhay.

Kaya’t sa huli ay siguradong sa kasal din daw mauuwi ang kanilang relasyon.

“Yeah, definitely.

"We’re not getting any younger. We’ve been together for over three years.

"Dun lang pupuntahan namin, e.

“We’re very happy. Nothing right now can destroy us.

"Ang dami naming pinagdaanan and we’re still here through thick and thin.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN