Alden Richards admits suppressing urge to fall in love for the sake of his family

“Pag ako po kasi pag na-hook sa isang bagay, dedicated na po ako diyan, e. Ayoko po munang payagan yung sarili kong maramdaman yun. Shinutdown po muna ng sistema ko,” sabi ni Alden Richards tungkol sa pag-iwas niyang ma-in love muna.


Tatlong taon na sa showbiz si Alden Richards, pero hindi pa siya nagkakaroon ng girlfriend kahit minsan simula nang maging artista siya.

Fourth year high school pa raw siya huling nagkaroon ng girlfriend. At sa ngayon, nakakaapat na siyang nakarelasyon.

Ibig sabihin, limang taon nang hindi nagkaka-girlfriend si Alden.

Sa popularidad niya ngayon at sa kaguwapuhan niya, bakit nga ba hindi pa siya nagkaka-girlfriend uli?

Tugon ng Kapuso heartthrob, “Yung realization ko po nun, parang after nung namatay ang mommy ko, parang siyempre kawawa naman po yung family ko, kulang na kami…

“So, pina-mature ko na po yung sarili ko na, ’Sige, family ko muna. Tinutulungan ko pa po sila.’

“Pag ako po kasi pag na-hook sa isang bagay, dedicated na po ako diyan, e.”

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Alden sa Holy Trinity Home For Children sa Commonwealth, Quezon City, nung January 14, Martes.

Wala siyang kinaiinlaban sa ngayon?

“Ayoko po munang payagan yung sarili kong maramadaman yun. Shinutdown po muna ng sistema ko,” pag-amin ni Alden.

Kahit inspirasyon na isang babae ay wala raw ang 22-year-old actor.

“Sa ngayon, family ko lang po talaga.”

Todo raw kasi kung magmahal si Alden kaya ayaw muna niyang makipagrelasyon.

“Isang reason kung bakit ayoko munang ma-hook sa relationship, kasi todo po ako ma-in love, e.

“Parang, kasi na-evaluate ko yung sarili ko nung high school ako, ipinagpapalit ko talaga lahat for love.

“May point na minsan yung family ko nababalewala ko for the girl.

"So, ayoko munang maulit yun, kasi hindi ko pa alam kung ganun pa rin ba ako ngayon, e.

“Pero para sure, huwag muna.”

First year high school daw unang nagkaroon ng girlfriend si Alden, at naranasan na raw niyang umiyak nang dahil sa isang babae.

“Nabasted po ako, ipinagpalit niya ako sa best friend ko.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Iyon yung time na talagang umiyak ako sa babae."

Pero sa ngayon, walang dahilan para umiyak si Alden.

aniya, “Masaya po ako sa lahat ng nangyayari ngayon, contented po ako sa lahat ng blessings—sa career, sa family, of course [galing] kay Lord po.”

DREAM BUSINESS. Tatlong magkakapatid sina Alden. May kuya siya at may bunsong kapatid na pinag-aaral sa college.

Kuwento niya tungkol sa mga kapatid, “Two years pa po, HRM po siya sa Letran Calamba.

“Kuya ko po, tapos na po, call center agent siya po ngayon.”

Umaasa rin si Alden na ngayong taon ay maipatayo na niya ang pangarap na negosyong apartment units.

“Iyon po ang aim ko ngayon, business ‘tsaka po bahay na sarili.

“Kasi nagre-rent po kami ngayon, e. Dahil binaha po yung bahay namin nung una.

“So, talagang after po nun, sabi ko, safety muna kahit magbayad muna ako ng certain amount para lang hindi maulit yung nangyari,” sabi ni Alden.

Hindi na raw nila binalikan ang bahay nila na binaha ng bagyong Maring nung 2013. Bakante ito hanggang ngayon.

“Balak na po naming ibenta,” sabi pa niya tungkol sa binahang bahay.

Saan niya balak bumili ng bagong bahay?

“Kasi ngayon po, yung condo po ng kapatid ng dad ko is vacant.

"So, iyon po yung nagiging halfway house ko.

“Tapos yung bahay po kasi, ayaw pa rin po talaga ng family ko na umalis sa Laguna.

"So, dun pa rin po ako bibili.

"Kasi po yung dad ko, may work, sa Sta. Rosa Complex.

"Yung sister ko, yung school niya, malapit dun.

"Yung work din po ng kapatid ko, sa Nuvali po, sa Convergys.

“Tsaka nasanay na rin po ako. Mabilis na din naman po yung biyahe sa Skyway, forty-five minutes.”

Pagdating sa usaping negosyo, may mga plano na ring ibang gagawin si Alden kung sakaling hindi pa sapat ang budget niya para sa pangarap na apartment units.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Yung apartment po kasi medyo ambitious pa sa akin, medyo malaki pa.

"So, siguro, hopefully makikisosyo muna ako sa, like, for example, sosyo muna sa restaurant business, or bar business.

“At least, small beginnings muna para malaman ko how the business works.”

Gusto talaga ni Alden ang negosyo ng apartment dahil sigurado raw ang kita buwan-buwan.

TRYING SOMETHING NEW. Sa pagkabuwag ng tambalang Alden Richards at Louise delos Reyes, ibinigay sa ibang partners ang dalaw.

Ipinareha si Alden kay Marian Rivera sa Carmela, at si Aljur Abrenica naman ang leading man ni Louise sa Kambal Sirena.

Napag-usapan daw ito nina Alden at Louise.

Sabi ng young actor, “Siyempre maninibago po kaming dalawa sa panibagong loveteam.

“Kasi, for the longest time, kami yung nasanay magkasama.

"Pero open naman siya. Sabi niya, ‘Okey lang yun. Malay mo after nito, tayo ulit.’

“Sabi ko, okey din yun.

"Kasi, di ba, kumbaga, test ng GMA sa amin ito kung kaya naming mag-work na dalawa na magkahiwalay, kaya pinartner po muna kami sa dalawang malaking artista rin po.”

MARIAN RIVERA. Aminado si Alden na attracted siya sa Carmela leading lady niya na si Marian.

Sabi niya, “Of course, the looks, Marian Rivera.

“Pero of course, mas nananaig yung professional na ano.”

At may boyfriend na si Marian, ang kapwa Kapuso star nilang si Dingdong Dantes.

“Opo, e. So, ganun lang, parang ginagawa ko po ang trabaho ko to impress her.

“At least naman, siyempre para iyon yung motivation ko, na ma-impress ko si Yan [palayaw ni Marian] dito sa ginagawa naming soap.”

Mahilig daw si Alden sa mestiza.

“Pero I don’t mind naman po sa looks.

"Basta mahal ako at saka understanding, okay na po yun.”

Sa Carmela, na ieere na sa GMA sa January 27, Yago ang pangalan ng karakter ni Alden.

“Parang coming from Santiago, pero Yago po yung nickname.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Usap-usapang marami na siyang nalagpasan na GMA-7 male stars pagdating sa career at popularity.

Sabi ni Alden tungkol dito, “Naku, hindi naman po siguro.

"Nagtatrabaho lang po talaga ako.

“Mahal ko po kasi ang trabaho ko, e.

"Parang iyon po yung nagiging focus ko, sa ngayon, parang kailangang maging better version ako ng sarili ko.

“Every day, kailangan pagdating sa pag-arte ngayon, bagong role, bagong Alden, ibang Alden.

“Hindi na Alden na Jerome [mula sa seryeng Mundo Mo’y Akin] hindi na Alden na Tisoy [mula sa seryeng One True Love].

“Hindi na Alden na kung sinumang role yung nagampanan.

“Kasi natutunan ko na pong i-reinvent yung sarili ko.

“Sobrang mahal na mahal ko na ngayon yung acting na akala ko before, trabaho ko lang, just for income, para ma-sustain yung family. Para ganun, para ganito...

“Pero ngayon siguro, kahit hindi ako bayaran, aarte po ako,” pahayag ni Alden.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN