Coco Martin says working with Superstar Nora Aunor is dream come true

Panay papuri ang namutawi sa labi ni Coco Martin para sa Superstar na si Nora Aunor, na nakasama niya sa isang pelikula sa unang pagkakataon. Sabi ni Coco tungkol sa aktres, “Sabi ko nga, lalo na sa mga artistang kabataang tulad ko, kapag nagkaroon ka ng ganitong opportunity na makatrabaho ang ganitong klaseng artista, ang dami mong matututunan, hindi lang sa pag-arte kundi yung values, kung paano yung tamang pakikisalamuha sa kapwa mo, lalung-lalo na sa katrabaho mo.&rdqu


Katuparan ng isang pangarap para kay Coco Martin ang makatrabaho sa isang proyekto ang Superstar na si Nora Aunor.

Gaganap silang mag-ina sa pelikulang Padre de Familia, na co-produced ni Coco sa kanyang CCM Creative katulong ang Phoenix Features, at mula sa direksiyon ni Adolf Alix.

Kasama rin sa pelikula sina Joel Torre, Anita Linda, Rosanna Roces, Baron Geisler, Julia Montes, Joem Bascon, Miles Ocampo, at Manuel Chua.

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Coco sa press junket na inihanda ng kanilang produksyon sa Taumbayan resto-bar sa T. Gener St., Kamuning, Quezon City, noong Enero 15.

Dito ay ikinuwento ni Coco kung paano nagsimula ang pangarap niyang makatrabaho si Ate Guy.

Salaysay ni Coco, “Actually, I think two years ago noong lumaban kami sa… yung indie film na ginawa ko na Noy, siya [Nora] po yung nag-represent [sa Pilipinas] sa U.S. para sa Hollywood [83rd Academy Awards for Best Foreign Language Film], I think.

“E, alam ko na magpupunta kami ng L.A. [Los Angeles]… kasi may proyekto nga po ako for Ate Guy sana, sabi kong ganun.

“Tapos, sabi ko, habang nasa L.A. na po sana kami, sana makapag-meet kami tapos mai-present ko sa kanya para baka saka-sakali.

“Kasi hindi po kami magkakilala, e, at saka hindi ko alam kung papansinin niya ako.

“Tapos noong nagpunta na po ako doon, nag-ano [nag-set] po kami ng schedule sa kanya.

“Kaso may sakit po siya noong mga panahon na iyon kaya hindi po kami nagkita.

“E, hindi ko naman po alam na uuwi pala po siya ng Pilipinas.

“Tapos, sakto po, eto ngayon, si Direk Adolf po, one time tinext po niya ako, ‘Co, meron akong konsepto sa iyo with Ate Guy. Meron akong dalawang konsepto, tingnan mo kung ano yung magugustuhan mo.’

“Kasi prinesent na raw niya kay Ate Guy, tapos sabi po ni Ate Guy, okay daw po sa kanya kahit alin doon sa dalawang konsepto.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Tapos noong binasa ko yung dalawang konsepto, nagustuhan ko yung kuwento tungkol sa OFW [Overseas Filipino Worker].

“Tapos, sabi ko sa kanyang ganun, ‘Direk, gusto niyo mag-meet tayo. Kung may time kayo pag-usapan natin.’

“Tapos yun na, pinag-usapan namin yung konsepto, collaboration po.”

Ayon kay Coco, ang Padre de Familia ay tungkol sa isang anak na mangingibang-bansa para matulungan ang naghihikahos na pamilya.

Dagdag pa niya, “Di ba, the usual yung mga magulang ang nagsasakripisyo para sa kanyang pamilya?

“Paano kung baligtad? Paano kung ang anak ang magsakripisyo para sa kanyang pamilya?

“Kasi, di ba, minsan naman, tayo minsan, hindi buo yung pamilya natin, e?

“Minsan nga nakakalungkot na kapag maayos ang mga magulang, minsan sakit sa ulo ang mga anak.

“Kapag maayos naman ang mga anak, minsan sakit sa ulo naman ang mga magulang.

“So, yun po yung kuwento na paano halimbawa kung sa lahat ng pagsusumikap mo para mabuo ang pamilya mo, ang kapalit pala nito pag-uwi mo sa Pilipinas, yung inaakala mong perpektong pamilya mo ay wasak pala, na hindi mo inaakala.”



GETTING TO KNOW ATE GUY. Hindi nga raw inakala ni Coco na magiging posible ang pagsasama nila ni Ate Guy, nang matanong kung paano nila napa-oo sa proyekto ang Superstar.

“Actually, hindi nga po ako makapaniwala, e.

“Kasi sabi ko nga kay Direk Adolf, sabi ko, ‘Ako nangangarap lang na sana matuloy.’

“Kasi kumbaga, sino ba namang artista ngayon ang hindi gugustuhing makatrabaho ang Superstar?

“So, baka sakali, pikit-mata.

“Sabi ko nga, pangarap ko na iyan, e, two years ago pa, so baka sakali.

“E, yun pala, si Direk Adolf lang pala talaga ang makakapag-bridge sa amin.”

Ano ang naging reaksiyon at impresyon niya kay Ate Guy sa una nilang pagkikita?

Tugon ni Coco, “Yun nga po, nung first time naming mag-meet, nagkita po kami sa Eastwood, sobrang ano po niya…

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Parang sabi ko nga, parang hindi ako makapaniwala, kasi siyempre Superstar iyan, e, hindi ko inaakala na ia-accommodate niya ako nang ganun.

“Napakaano niya, napakasimple, ngiti lang nang ngiti… basta ang gaan-gaan niya.

“Kaya nung kami nga ay nagkatrabaho, sabi ko, nakakatuwa po kasi lahat dedicated po sa trabaho.

“Tapos yun, tawanan na lang kami nang tawanan.”

Sa pagsasama nila ni Nora, doon daw niya nalaman kung bakit ito tinawag na "Superstar."

Saad ni Coco, “Unang-una, hindi lang sa husay niyang umarte, kundi napakahusay pala niyang makisama sa mga tao.

“Kaya pala siya ganun, napaka-humble.

“Kumbaga, kung paano niya inaalagaan sina Tita Anita Linda kapag magkaeksena sila, yung umaalay pati sa pag-upo.

“Tsini-check niya yung mga staff kung kumain na ba.

“Sabi ko nga, lalo na sa mga artistang kabataang tulad ko, kapag nagkaroon ka ng ganitong opportunity na makatrabaho ang ganitong klaseng artista, ang dami mong matututunan, hindi lang sa pag-arte kundi yung values, kung paano yung tamang pakikisalamuha sa kapwa mo, lalung-lalo na sa katrabaho mo.”



STARSTRUCK AND AMAZED. Bilang aminado siyang pangarap niyang makatrabaho si Ate Guy, hindi ba siya na-starstruck sa unang araw ng shooting nila?

Sagot ng Kapamilya actor, “Actually, first day ko po ang nangyari… siyempre tinext na sa akin po yung call time at saka kung sino yung mga kaeksena ko.

“Honestly, hindi ko alam kung paano ako matutulog, kasi nga ang una kong kaeksena, ang nakalagay ’Nora Aunor, Rosanna Roces, Anita Linda.’

“Siyempre, bilang artista, nagpi-prepara ka, e.

“Ang ginawa ko ngayon, dahil hindi ako makatulog, nanood ako.

“May mga collection po kasi ako ng mga old classic movies.

“Sabi ko, ‘Teka, kailangan kong manood ng pelikula niya.’

“Kaya ang ginawa ko, nanood ako ng pelikula niya para mag-review.

“Siyempre kailangan aralin mo rin kung sino yung mga taong makakatrabaho mo, e.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Anong mga pelikula ni Nora ang pinanood niya?

“Pinanood ko yung Bona [1980] at saka yung Tatlong Taong Walang Diyos [1976].”

Maging during the shooting daw ay pinapanood ni Coco ang mga co-star niya, lalo na si Nora, kahit na hindi siya kasama sa eksena.

“Nung kinukunan sila, kahit hindi ako kinukunan, buong maghapon, hindi ako bumibitaw, nanonood lang ako ng mga eksena nila.

“Kasi ang gagaling nilang tatlo, wala kang tulak-kabigin kina Ate Guy, Rosanna, Anita Linda.”

Ano ang naramdaman niya nung sila na ni Nora ang magkaeksena?

Natawa muna si Coco bago sumagot.

Aniya, “Nakakatakot, e, kasi siyempre alam ko lalamunin ako nang buong-buo.

“Pero siyempre, magandang experience po para sa akin, lalo na nanggaling po ako sa soap opera.

“Kumbaga, iba po ang akting diyan.

“Tapos, nanggaling din po ako sa pagiging superhero [Juan dela Cruz], sabi ko napakagandang ano sa akin nito, e… isang magandang workshop.

“Nakakatuwa, kasi may natutunan ako.

“Napakalaki ng natutunan ko nang makatrabaho ko yung mga ganitong klaseng mga artista.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN