Rica Peralejo a beaming mother to a baby boy

Proud new parents Rica Peralejo-Bonifacio and Pastor Joseph Bonifacio with their newborn Philip Nathaniel Peralejo Bonifacio.

Their first family picture was posted on Rica’s Instagram account.


Isa nang ganap na ina ang dating aktres na si Rica Peralejo.

Kahapon, January 17, ay ipinanganak ni Rica ang kanyang baby boy sa St. Luke’s Medical Center Global City.

Pinangalanan itong Philip Nathaniel Peralejo Bonifacio ni Rica at ng kanyang asawa na si Joseph Bonifacio, isang pastor ng Victory Christian Fellowship.

Base sa unang post ni Pastor Joseph sa kanyang Instagram account kahapon, ang kanilang anak ay ipinanganak na may timbang na 7 pounds at 11 ounces.

“Welcome Philip Nathaniel Peralejo Bonifacio! Was born 7 pounds 11 ounces. You are God’s gift to us! Way to go @ricaperalejobonifacio for carrying him all this time!”

At press time, umabot na sa 1,315 ang likes ng kauna-unahang larawan ni baby Philip.

Sa mga larawang naka-post na sa Instagram at Facebook account ng mag-asawa, makikitang gising si Rica nang ipinanganak niya ang kanyang sanggol.

Nakangiti at masaya ito sa mga larawan.

Iisa rin ang halos komentong nabasa namin sa mga bumati kay Rica, ang ganda raw nitong nanganak o parang hindi nanganak dahil blooming siya.

Hindi pa makumpirma ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kung sa pamamagitan ba ng normal delivery o Caesarean section ipinanganak ni Rica ang kanyang baby boy dahil wala pa itong sinasagot sa mga nagkokomento o nagtatanong sa kanya tungkol dito.

Sa interview kasi ng Smart Parenting magazine kay Rica, sinabi niyang naghahanda ito para sa water-birth delivery.

Read: Soon-to-be-mother Rica Peralejo prefers water-birth delivery: “I want it all natural.”

Ilang mensahe na rin ang pinadala ng PEP kay Rica sa kanyang Facebook account at sinubukan din siyang i-text sa kanyang cellphone number para makausap o makakuha ng ilan pang detalye.

Pero, habang sinusulat namin ito ay wala pa ring sagot mula sa bagong Mommy.

Nag-iwan din ng mensahe ang PEP sa Instagram account naman ng kanyang mister.

Ang tanging naging sagot nito sa Facebook ay:

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Sorry to all people texting me or messaging me. I only got a hold of my iPad since yesterday.

"Anyway I am still a bit groggy from everything but I just want to thank all who prayed for us and just tell u all that I am such happy mommy of my super handsome and healthy son Philip!!!! ï¸Â #inlove

Kahit wala pang sagot mula kina Rica at sa kanyang mister, pinili na rin na ibahagi ng PEP ang kauna-unahang blog post ni Pastor Joseph, ilang oras pagkatapos nitong makita at mahawakan ang anak.

May titulong "Welcome Home, Son!" ang entry ni Joseph sa kanyang blogsite na JosephBonifacio.com.

Ipinahayag ng pastor ang nararamdaman sa pagdating ng kanyang panganay.

"This was a long day, especially since it was two days without sleep. Some parts of it were really difficult. Most of it was an adventure, and the final feeling is of elation and gratitude.

"Thankful for the professionalism and skill of the staff at this hospital.

"Thankful for kind, encouraging, and wise words of mentors who gave of themselves so selflessly.

"Thankful for the love and celebration from friends and family. Can’t possibly respond to everyone, but it’s greatly appreciated.

"Thankful for my son – who’s already so peaceful, responsive, and impossibly cute at this age. (I love you, Philip.)

"Thankful for my heroic wife who endured so much out of love, and is now filled with so much joy. (I love you, Sweetheart.)

"Lastly, thankful for the faithfulness of God who is present, active, and constant in very situation. I am already so blessed with Your Son, but now you’ve given me one of my own. Thank you."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN