Kristoffer Martin admits wanting to reconcile with ex-girlfriend Joyce Ching: “Aaminin ko, gusto ko pa, e.”

Kristoffer Martin on keeping his hopes up for a possible reconciliation with ex-girlfriend Joyce Ching: “Ayoko na ngang magsalita ng patapos. Aaminin ko, gusto ko pa, e. Ngayon kasi, ang focus muna namin, kasi for almost three years, kami lang. So, siguro, gusto muna naming mag-explore. Kung saan kami dalhin nitong pag-e-explore namin, at no regrets naman, at kung kami e di good.”


Ngayon lang muling magkakasama sa isang teleserye ang dating magkasintahang sina Kristoffer Martin at Joyce Ching pagkatapos nilang maghiwalay noong October 2013.

Ito ay sa pamamagitan ng bagong afternoon series ng Kapuso network na Paraiso Ko’y Ikaw.

Base sa kuwento, si Kim Rodriguez ang talagang kapareha ni Kristoffer dito, at si Joyce naman ang lalabas na “third party” na mamamagitan sa kanila.

Kaya naman naitanong ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Kristoffer sa naging pictorial nila sa souvenir room ng GMA Building noong Martes ng gabi, January 15, kung nailang ba sila ni Joyce sa isa’t isa.

Sabi naman ni Kristoffer, “Siguro noong una, pero ang bilis nawala, e. Nag-uusap kami. Sa SAS [Sunday All Stars], nag-uusap kami.”

Ano ang mga napag-uusapan nila ni Joyce?

Aniya, “Usap magkaibigan, casual lang. Pero, hindi naman kami nagpaplastikan for the sake of the soap. Yun ang malinaw sa aming dalawa. Hindi ganun yung relationship namin ngayon.”

Tahasan ba niyang masasabi na wala na ngang balikan sa pagitan nila ni Joyce?

“Ayoko rin namang magsalita ng patapos, kasi hindi rin naman natin alam. Pero, for now kasi, ang focus ko ngayon, yung work at saka career.

“Hindi showbiz ang sagot, pero yun ang nasasabi ko sa sarili ko, yun muna ang priority ko,” diin niya.

NO REGRETS. Aminado naman si Kristoffer na may “feelings” pa rin siya para sa ex-girlfriend.

Pag-amin niya, “Meron naman. Siyempre, almost three years din naman yun. At saka, hindi yun basta-basta mawawala. At saka, aaminin ko rin naman na siya ang pinaka-sineryoso at binuhusan ko nang buong-buo.”

Hindi naman siya nagsisi na nag-break sila?

“Ako kasi ang taong, kapag nangyari, dapat mangyari. Everything is destined to happen, for me ha? Siguro, may regret nang konti, pero hindi ko siya pinagsisihan dahil nandiyan pa rin siya.

“Nagtutulungan pa rin kami sa isa’t isa.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Like yung project ko nga, tumulong pa siya sa akin. Isang sabi ko lang, hindi siya nagsabi na bakit, kumbaga siguro, nagkaroon kami ng phase sa breakup namin na hindi kami nag-uusap, wala ngang one week,” natawa niyang sabi.

Dagdag ni Kristoffer, “Siguro kasi, kilala mo na yung tao. Alam mo na yung bawat ano niya na alam mo na kung saan mo siya susuyuing parte. So, parang alam niya yung sa akin, alam ko yung sa kanya.”

STILL MUM ON REASON FOR BREAKUP. May lumabas na balitang sobra raw nasaktan si Joyce sa paghihiwalay nila.

Ang mabilis na sagot si Kristoffer, “Ako rin naman, e.

“Siyempre, wala namang madaling breakup. Lahat naman, yun ang sinasabi.”

Hindi ba niya inaasahan na magbi-break sila?

“Hindi, yun ang talagang hindi,” pag-amin niya.

Pero, ayaw na ngang sagutin ni Kristoffer kung sino ba talaga ang nag-initiate ng breakup nila.

“Ayoko na pong magsalita. Ayoko nang sabihin ang tungkol sa breakup—kung sino ang may kasalanan, anong rason, huwag na po muna.”

Instead, nagbigay ito ng ideya tungkol sa pinagdaanan nila.

Ayon nga kay Kristoffer, “Siguro, nandoon na rin ang realization ng lahat. I mean, siguro nagpatung-patong na problema. Yung ganyan.”

Ano ba ang naging problema nila? On screen kasi, parang ang sweet-sweet naman nila ’tapos biglang may patung-patong na problema?

“Ganito na lang, kasi sa amin ni Joyce, kapag may problema sa amin, hindi namin ipinapakita although transparent ako na tao. Mas makikita mo sa akin.

"Pero si Joyce, siya ang mas magaling mag-handle sa amin,” paliwanag ni Kristoffer.

NO THIRD PARTY. Sa diretsahang tanong, wala ba talagang naging third party?

“Wala, promise,” saad niya.

Dugtong pa niya, “Kung may mga nabalita man na ganoong isyu, sa panahong nangyari yun, clean slate. Walang third party. Hindi rason ang third party sa breakup.

“Kumbaga, before kaming naging close na magkaibigan nito, wala na. Kumbaga, clean slate. Hindi third party at alam niya rin yun.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nami-miss ba niya si Joyce?

“Kasi, hindi ko rin masasabi na nami-miss ko siya kasi, nandiyan din naman siya palagi para sa akin. Yung care na yun, hindi na as girlfriend, di ba? Yung care namin sa isa’t isa as friends.”

Posible kayang mahal pa rin siya ni Joyce?

“Ay, hindi ko alam, hindi naman nau-open.”

Hindi niya nararamdaman?

“Sa akin na lang yung mga ramdam na ganyan,” saad niya.

NO SUITORS YET FOR JOYCE? Tinanong ng PEP si Kristoffer kung may alam ba siyang nanliligaw na iba kay Joyce. At kung meron man, masasaktan o magseselos din ba siya?

“Hindi ko alam kung meron na, pero siguro, kung meron, siguro, masasaktan. Aaminin ko, kapag may nakikita ’kong picture na kasama siyang lalaki, nasasaktan.

“Pero ano, e, naiisip ko, wala na akong right. Itong sakit na ‘to, sa akin na lang. Hindi ko naman siya puwedeng kumprontahin.”

Hindi mo na nakikitang magkakabalikan kayo?

“Ayoko na ngang magsalita nang patapos. Aaminin ko, gusto ko pa, e.”

Pero, may mga hinahanap pa raw siya sa sarili kaya ayaw rin niya na muling suyuin o balikan ang dating nobya.

Sabi na lang ni Kristoffer, “Ngayon kasi, ang focus muna namin, kasi for almost three years, kami lang.

“So siguro, gusto muna naming mag-explore. Kung saan kami dalhin nitong pag-e-explore namin, at no regrets naman, at kung kami, e, di good.”

RELATIONSHIP WITH JOYCE’S FAMILY. Kinumusta rin namin kay Kristoffer ang relasyon naman niya sa pamilya ni Joyce, lalo na sa Mommy nito.

Ayon naman kay Kristoffer, “Siyempre, dumating sa point na ilang-ilang. Siyempre, may pinagsamahan din.

“Ngayon, nakakausap ko naman ang Mommy, then, ang Daddy. Pero, hindi naman kami like before na close na close.

“Ngayon, parang nararamdaman ko na may wall.

“Siyempre, the fact na yung issue nga na lumabas, siyempre nirerespeto ko rin naman ang mga desisyon nila sa mga bagay-bagay.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

WORKING WITH KIM RODRIGUEZ. Ang kapareha niya ngayon sa Paraiso Ko’y Ikaw ay si Kim.

Minsan na rin silang naging magkapareha sa Kakambal ni Eliana. Pagkatapos ay naipareha siya kay Julie Anne San Jose.

Mukhang sila talaga ni Kim ang pinagtatambal ng kanilang home network.

“Hindi ko lang alam kung ano ang plano ng network,” sabi niya.

Gusto niya bang si Kim ang maging ka-loveteam niya?

“Oo naman, basta may trabaho at saka si Kim kasi, sa Eliana, naging kumportable na akong katrabaho siya. Yun ang hinahanap mo sa katrabaho mo, yung tiwala,” dagdag niya.

Hindi ba siya na-a-attract sa leading ladies niya?

“Hindi siguro sa leading lady, sa tao,” saad niya.

Sa mga naging leading ladies na niya, hindi pa siya nagkakaroon ng atraksiyon?

“Actually, hindi ko rin alam na darating ako sa point na yun, pero nangyari nang isang beses,” pag-amin niya.

Si Kim ay magpapa-seksi na rin daw sa Paraiso Ko’y Ikaw bilang mga laking isla silang dalawa rito.

Magpapa-seksi na rin ba si Kristoffer?

Aniya, “Pinilit nila akong mag-gym. Nire-require nila kong mag-gym. Kasi ako, payatot kasi ako kahit kain ako nang kain. E, yung mga location namin, palaging gym. Langoy ako nang langoy.”

Unang beses din niyang magiging director si Joyce Bernal.

Pag-amin ni Kristoffer, “Kinakabahan ako, actually, napi-pressure. Parang ito ang nararamdaman ko noong first time kong makatrabaho si Direk Maryo [Delos Reyes] sa Munting Heredera.

“Kinakabahan ako bago pa lang akong pumunta ng set. Nawala lang nung kinausap niya ako, nagba-blocking na siya.

“Si Direk Joyce, siyempre, kaka-panalo pa lang na Best Director, ’tapos ang dami pa niyang nagawang successful films. Marami na rin siyang pinasikat na artista at sobrang kilala rin ni Direk Joyce. At ngayon ko pa lang siya makakatrabaho.

“Noong storycon namin, hindi ko pa siya nakakausap, parang marami siyang kausap sa phone. Hindi pa kami masyadong magka-vibes. Wala naman akong ine-expect kasi, parang ang cool naman niyang director.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Narinig ko rin siya kila Yassi [Pressman]. Sabi nila, cool daw si Direk. Hindi mainitin ang ulo. Hindi demanding sa mga bagay-bagay. Tapos, mabilis daw siyang magtrabaho.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN