Comedian Bayani Agbayani optimistic about Cesar-Sunshine reconciliation

Bayani Agbayani is rooting for Cesar-Sunshine reconciliation: “Basta ako umaasa ako sa kanilang dalawa. Kasi nakita ko kung paano nabuo ang pagmamahalan nung dalawa—simula sa girlfriend-boyfriend sila hanggang sa kinasal sila—nandoon ako, e.”


Isa sa pinakamalapit na kaibigan ni Cesar Montano ang komedyanteng si Bayani Agbayani.

Saksi si Bayani sa pinagdadaanan ng aktor.

Kailan lang, iginawad ng korte ang full custody ng mga anak ni Cesar sa misis niyang si Sunshine Cruz.

“Si Cesar, okey naman siya,” umpisa ni Bayani nang makausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa press preview ng Isang Araw sa Area 05, Tomas Morato Avenue, Quezon City.

“Ah, nalampasan niya lahat. Alam mo mabibigat ang nangyari kay Cesar—umpisa sa pulitika, pagkamatay ng anak niya, nahiwalay...

“Pero nang dahil sa paniniwala at pagtitiwala niya sa Panginoon, kaya niya lahat. Nakikita ko naman, e.”



ACCIDENTAL NEIGHBORS. Bukod sa pagiging magkaibigan, magkapit-bahay din sina Bayani at Cesar sa isang subdivision sa Commonwealth.

“Alam mo ba na naging magkapitbahay kami nang hindi sinasadya at hindi namin plinano?” sabi niya.

“Hindi namin sinasadya yun pareho. Nakabili ako, lupa, nagpatayo ako roon. Hindi ko alam yung katabi ko, kanya pala.”

Sino ang mga kasama ngayon ni Cesar sa bahay niya?

“Nanay niya ang kasama niya sa bahay. Inaalagaan niya ang ina niya na may sakit. ’Tapos mga kapatid niya, pumupunta doon kapag may Bible study.

“Ang mga anak niya, pumupunta rin sa kanya. Yung tatlo [anak nila ni Sunshine],” kuwento pa ni Bayani.

Dumadalaw din daw kay Cesar ang panganay niyang anak na si Angela.

“Si Angela kasi may condo na sa The Fort, e. Bigay niya rin yun, e."

Nagpupunta rin ba kay Cesar ang anak niya kay Teresa Loyzaga na si Diego?

Sagot niya, “Pumupunta rin kay Cesar. Nagba-Bible study din yun. Kailangan naman ng bata kasi tagal din niyang nawalay kay Cesar.”

Mas malapit daw ang relasyon ng mag-ama ngayon.

“Si Diego, may condo rin pero lagi siyang nasa bahay ni Cesar. Kasi siya rin ang nagsu-support kay Diego. Kanya yung kotse ni Diego. Ibinili ni Cesar ng kotse si Diego. Honda yung kotse, matagal na yun.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Dagdag pa ni Bayani, “Ever since, sinusuportahan ni Cesar yun kahit sa pag-aaral nung dati pa.

“Kasi alam niya wala na si Angelo, e. Siya na lang talaga ang lalaking anak ni Cesar. Nakikita ko lagi sa bahay ni Cesar si Diego. Pinapangaralan ko nga, e, siyempre, bata at guwapo.”


ROOTING FOR CESAR-SUNSHINE RECONCILIATION. May bago na bang nililigawan si Cesar ngayon?

“Wala,” mabilis na sagot ni Bayani.

“Ang pag-ibig niya, nasa Diyos. Sabi ko nga sa kanya, huwag kang magsasara ng pinto.

“Malay mo kapag nakita ni Shine na ganyan na ang pamumuhay mo, lalo kang napapalapit sa Diyos, siya na ang kusang babalik sa ’yo.”


Bilang kaibigan nga siya ni Cesar, umaasa pa rin ba ito na babalik ulit sa kanya si Sunshine?

“Ako ang umaasa,” bulalas ni Bayani.

“Basta naniniwala ako, kapag naging maganda ang sitwasyon, maaari pa sila magkabalikan.”

Nasasabi ba ni Cesar sa kanya na umaasa siyang babalik ulit sa kanya si Sunshine?

“Hindi ko alam. Basta ako umaasa ako sa kanilang dalawa. Kasi nakita ko kung paano nabuo ang pagmamahalan nung dalawa—simula sa girlfriend-boyfriend sila hanggang sa kinasal sila—nandoon ako, e.”


BUSY WITH PROJECTS. Thankful naman si Bayani sa patuloy na pagdating ng blessings sa kanya, gaya ng pelikulang Isang Araw, na pinagbibidahan at dinirek ng UNTV top man na si Daniel Razon.

Ayon kay Bayani, “Marami akong eksena sa pelikula. Kung main villain si Kuya PJ [Rey Abellana], ako naman yung sidekick. So, halos pareho kami ng shooting days. Matagal naming kasama si Kuya Daniel.

“Medyo nahirapan lang ako kasi nag-uumpisa na ako sa taping nung Madam Chairman na thrice a week. Nagsasabay, e. ’Tapos yung mga out-of-town shows...

“Ang usapan kasi namin, bago ako mag-umpisa sa Isang Araw e kung kailan ako puwede. Mag-a-adjust sila.”

Hindi raw siya exclusive sa TV5.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Palagay ko, mas maganda para nakakatawid-tawid ako. ’Tapos meron kaming bago ngayon. Kami ni Ogie [Alcasid], yung tawa-serye.

“’Eto ang mabigat kasi mag-o-overlap ang Madam Chairman, aabutin hanggang March. Mag-o-overlap ang taping ko, so, magdi-daily na ako. Thank you, Lord.

“’Tapos may gagawin akong pelikula. Ipu-prodyus ni Sharon Cuneta. Hindi ko pa puwedeng sabihin yung indie film. Yung sa akin po, yung script ko ang napili niya,” lahad niya.


A Short Story daw ang title ng pelikula.

“Tungkol sa mga unano. Kaya A Short Story.

“Si Direk Joey Reyes, kaming dalawa ang susulat.

“Actually, hindi ako sumali doon sa contest. Ibinigay ko sa kanya yung synopsis,” detalye pa niyang kuwento.

Pero magkano ang ibinayad sa kanya ni Megastar para sa kanyang kuwento?

Pahabol niya, “Walang bayad, libre lang. Ipu-produce niya, ako ang magiging bida, e.”

Ano naman ang pakiramdam niya na ideya niya ang napili?

“Sarap, ang sarap! Nakakaiyak, kasi hanggang ngayon, kinukulit pa rin niya ako na ibigay ko na yung synopsis kay Direk Joey,” pagmamalaki ni Bayani.

Kailan sila magsisimula sa A Short Story?

Aniya, “Ah, hopefully, February. Ewan ko, di ko alam kung paano isisingit yun. Bising-busy, thank you, Lord.”



SONGWRITING. Pangarap din daw niya na makagawa ulit ng kanta na gaya ng pinasikat niyang “Otso-Otso.”

Patuloy pa niyang kuwento, “Sumali nga ako sa contest ng original compositions, naging finalist ako, yung ’Hallelujah.’”

“Doon kami nagkita ni Kuya Daniel. Kaya ako napasama sa pelikula. Yung ’Hallelujah,’ competition ng mga kanta, praise songs. E, naging finalist ako. Yung first novelty praise song na ginawa sa Pilipinas.

“Sa kanilang recording outfit din, e. Alam mo, kaya ka bibilib sa UNTV, non-profitable sila lahat. Yung CD, puwede mo na ibenta yun pero pinamimigay nila.

“Ngayon ang pangarap ko, makabuo ulit ng isang album o isang kanta na maririnig sa ere. Parang yung ’Otso-Otso’ ko dati. Yun ang gusto ko for this dream.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



THANKFUL FOR GOD’S BLESSINGS. Maituturing na ring beterano si Bayani sa showbiz.

Nabigyan na rin siya ng maraming pagkakataong maging bida sa pelikula at telebisyon. At ngayon, masaya siya sa kinalalagyan niya sa industriya.

“Ah, okay lang. Kasi mas maganda, may down and up, e. Kasi kung puro diretso, puro pataas, walang challenge, e. Ako naman, pinasasalamatan ko yung nangyari sa buhay ko, yung nangyayari pa sa buhay ko.

“Tingin ko rito, bonus na lang, e. Kasi ano, satisified na ako sa binigay na biyaya sa akin ng Panginooon magmula siguro mga ten years ago pa.

“Itong extension ng pagiging showbiz personality ko maraming, maraming salamat sa Paninoong Diyos, sa inyo, at sa lahat ng tao dahil extension na lang ’to, e. Kasi okey na ako e,” ang walang tigil na pagpapasalamat niya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN