Gerald Anderson wants his relationship with Maja Salvador to be free from pressure

Gerald Anderson on his 2014: "Siyempre meron at merong mangyayaring negative. Pero lahat ng negative na nangyari noong 2013, nasa 2013 lang siya. I adopt a very positive outlook sa buhay at yun ang goal ko sa 2014."


Nagpahayag ng kanyang saloobin si Gerald Anderson sa ginawang slideshow sa Instagram ng girlfriend niyang si Maja Salvador.

Naging viral sa Internet ang Instagram post na ito ni Maja ng mga larawan nila ni Gerald na may caption na “Habambuhay.”

Read: Maja Salvador on relationship with Gerald Anderson: "Merong mga ibang tao na never nilang matatanggap at maiintindihan."

Sabi ni Gerald sa panayam sa kanya ng Buzz Ng Bayan na ipinalabas kahapon, January 19, “E, yun naman talaga ang purpose ng Instagram—just to say what you feel.

“But like I say, sweet… sweet.”

Ngayong 2014, ano ang mga pagbabagong makikita sa kanya?

“Oo naman, siyempre meron at merong mangyayaring negative.

“Pero lahat ng negative na nangyari noong 2013, nasa 2013 lang siya.

“I adopt a very positive outlook sa buhay at yun ang goal ko sa 2014.”

Sila ni Maja ngayong 2014?

Sagot ni Gerald, “Day by day lang naman. Day by day.

“Ayoko rin lagyan ng pressure, day by day lang.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN