Jodi Sta. Maria mum about report that annulment with Pampi Lacson has been granted

Jodi Sta. Maria on reconciliation with Iwa Moto: “Nakakatuwa, at least nag-end peacefully yung aming 2013. And siyempre, balak naman naming ipagpatuloy yun ng buong 2014, 2015, ganyan. Mas maganda talaga na mabuhay ng puno ng positivity ang ating mga buhay.”


Ilang buwan bago matapos ang 2013 ay lumabas ang balitang annulled na diumano ang kasal ng aktres na si Jodi Sta. Maria kay Pampi Lacson, anak ni Senator Ping Lacson.

Ngunit parehong tahimik ang kampo nina Jodi at Pampi tungkol dito.

Sa taped interview ng Buzz Ng Bayan kay Jodi kahapon, January 19, ay tinanong siya muli tungkol dito.

Sa halip na sumagot ng oo o hindi, isang pagkatamis-tamis na ngiti lang ang pinakawalan ni Jodi.

Sa kasalukuyan ay masaya ang relasyon ni Jodi sa young actor-politician na si Jolo Revilla.

IWA MOTO. Kasabay ng balitang na-grant na raw ang annulment nina Jodi at Pampi ay ang balitang nagkaayos na sina Jodi at Iwa Moto.

Si Iwa ang karelasyon ngayon ni Pampi, kunsaan may isa na itong anak.

Unang nalaman ng publiko ang pagkakaayos nina Iwa at Jodi sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Iwa na lumabas noong December 3.

Ayon kay Iwa, nakakapag-usap na sila ni Jodi sa pamamagitan ng text message.

Read: Iwa Moto buries the hatchet with Jodi Sta. Maria: "Yung buhay namin, parang magkadugtong na."

Kinumpirma naman ito ni Jodi sa Buzz Ng Bayan.

Sabi ng Kapamilya actress, “Mabuti naman.

“Nakakatuwa, at least nag-end peacefully yung aming 2013.

“And siyempre, balak naman naming ipagpatuloy yun ng buong 2014, 2015, ganyan.

“Mas maganda talaga na mabuhay ng puno ng positivity ang ating mga buhay.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN