Angelica Panganiban apologizes to Melai Cantiveros and Jason Francisco

Angelica Panganiban on Melai Cantiveros: “Siyempre, iba na ngayon, kasi iba na talaga ang set of priorities niya. May pamilya na siya. May asawa na at magkaka-baby na. Alam ko naman na ngayon na hindi na ako priority!”


Bago matapos ang 2013, nag-post si Angelica Panganiban sa kanyang Instagram account ng palitan ng text messages nila ni Melai Cantiveros.

Ito ang patunay na nagkaayos na nga ang magkaibigan at co-stars sa gag show ng ABS-CBN na Banana Split.

Matatandaang nagkaroon ng tampuhan ang dalawa nang tila kuwestyunin ni Angelica ang kakayahan ng noo’y kasintahan pa lamang ni Melai na si Jason Francisco na bumuhay ng pamilya.

Ikinasal sina Melai at Jason noong Disyembre sa General Santos City, ngunit hindi imbitado si Angelica.

Bago matapos ang 2013 ay nagkaayos sina Melai at Angelica, pati na sina Jason at Angelica. Ito ay pagkatapos humingi ng paumanhin si Angelica sa mag-asawa.

Read: Jason Francisco reveals Angelica Panganiban apologized to him

Sa unang pagkakataon ay nagsalita si Angelica tungkol sa pagkakaayos nila ni Melai sa panayam sa kanya ng Buzz Ng Bayan kahapon, January 19.

Ayon sa Kapamilya actress, “Sobra kong thankful na sobrang dali niya lang tinanggap yung apology ko.”

ANGELICA MISSES MELAI. Ikinuwento rin ni Angelica kung paano sila nagkabati ni Melai.

“Kasi, galing akong taping nun ng Banana Split.

“So, nalulungkot lang ako. Siyempre, nami-miss ko siya sa taping.

“So, tinext ko siya.

“Sabi ko, kung anuman ang nangyari sa amin, humihingi ako ng tawad at saka pag-iintindi sa mga nangyari.

“Kung may mga nabalitaan siyang hindi maganda na sinabi ko, sana maintindihan na lang niya.

“So, yun, inamin ko naman kung ano ang mga pagkakamali at pagkukulang ko."

Patuloy niya, “Tapos yun, humingi rin ako ng tawad kay Jason.

“So, yung sumagot sa akin, si Jason. Kasi, tulog na raw si Melai.

“So, nagkuwentuhan kami.

“Madaling-araw kaming magkausap.

“Paggising ko, may text na si Melai na nagpapasalamat din siya.

“Parang wala ngang nangyari. Balik na sa normal ang mga kuwentuhan.

“Ganyan… tawa na ako nang tawa.

“Hanggang noong Pasko, New Year, nagkakamustahan kami.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

LESSONS LEARNED. Marami rin daw natutunan si Angelica na aral sa hindi nila pagkakaunawaan ni Melai at naging daan din ito para mas maging matibay ang kanilang pagkakaibigan.

“Siyempre, iba na ngayon, kasi iba na talaga ang set of priorities niya.

“May pamilya na siya. May asawa na at magkaka-baby na.

“Alam ko naman na ngayon na hindi na ako priority!” natatawang sabi niya.

Dugtong pa ni Angelica, “Kahit naman noong hindi kami nagkaintindihan ni Melai, alam naman namin sa isa’t isa na, eventually, magiging maayos siya kaya parehas kaming hindi nagbibigay ng salita.

“Hindi namin hinayaan na umabot sa point na magkasakitan talaga kaming dalawa.”

Isa pa raw sa ipinagpapasalamat ni Angelica na sa kabila ng hindi nila pagkakaunawaan, napili pa rin siyang maging ninang sa magiging anak nina Jason at Melai.

“Natuwa naman ako na naalala niya yung mga ipinangako namin sa isa’t isa,” pagwawakas ni Angelica.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN