Angel Locsin admits Luis Manzano has said "I love you" since they got together

Bagamat hindi pa sila pormal na nagkakabalikan, inamin ni Angel Locsin na mahal pa rin nila ni Luis Manzano ang isa’t isa. Pahayag ng aktres, "May mga bagay lang na inaayos kami. As of now, we’re happy at nag-e-enjoy kami sa isa’t isa."


Pagkatapos lumikha ng ingay ang mga rebelasyon ni Angel Locsin tungkol sa nararamdaman niya para sa dating kasintahang si Luis Manzano, mas nakakaintriga ang kanyang pahayag sa live interview niya sa Buzz Ng Bayan kahapon, January 19.

Saad ng aktres, “Hindi ko rin ma-explain kung ano ang nararamdaman ko ngayon.

“Basta ang alam ko lang, mahal ko ang tao at gusto ko siyang makasama."

Walang duda na ang tinutukoy ni Angel ay si Luis.



THIRD PARTY. Tinanong si Angel tungkol sa balitang ang pakikipag-ugnayan nilang muli ni Luis ang dahilan ng hiwalayan nila ni Phil Younghusband, at nina Luis at Jennylyn Mercado noong 2013.

Naapektuhan ba siya sa isyung ito?

Sagot ng 28-year-old actress, “Well, noong nagsalita ho kasi ako, parang ini-expect ko na marami ang hindi makakaintindi.

"Pero ako, sobrang against talaga ako sa mga nanloloko ng tao.

“At wala ho akong history na nanloko ng girlfriend o may inagawan. Malayo ho talaga yun.

"Naghiwalay ho kami [ni Phil], mutual ho ang decision.

"Wala hong kinalaman si Luis.

“And in all fairness, siguro yung mga taong malapit sa amin, alam kung gaano kami nag-iwasan ni Luis ng tatlong taon.”

Sa pananaw ni Angel, hindi ito maganda dahil may kanya-kanya silang karelasyon noon.

"And siguro, hindi lang ho talaga kami...

"Siguro nagkakataon lang na hindi tayo puwedeng magkita, hindi muna tayo dapat mag-usap.

“Pero hindi ho kami magkagalit,” paglilinaw niya.

Malinaw na hindi siya ang dahilan ng hiwalayan nina Luis at Jennylyn?

"Hindi ho talaga," diin ni Angel.

"At siguro, kung nanonood siya ngayon [Jennylyn]… kung na-offend, pasensiya na ho.

"Pero hindi naman ho ganoon talaga ang mga nangyari.

"Nagkataon lang na nagkita kami at naramdaman namin ang mga bagay-bagay.”



FIRST MOVE. Hindi na raw matandaan ni Angel kung paano nag-umpisa ang pagkikita nila ni Luis.

"Ang alam ko, nag-cruise kami noon. Bumati raw siya," sabi niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nagpunta si Luis sa bahay nila?

“Noong New Year po, nagpunta siya.

"Hindi ko naman alam na pupunta siya, so tulog po ako.

"Ang nakausap niya, mga kapatid ko at ibang mga kaibigan namin dun. Nag-stay rin siya nang matagal-tagal.

"Tapos, siguro nakonsensiya ako, baka akala nagtago. So, tinext ko siya.

“Sabi ko, ’Pasensiya ka na, tulog ako’, ganyan.

"So, doon na po nagsimula hanggang sa dumalaw siya sa bahay."



RENEWED SPARK. Kumusta ang unang beses na nagkita sila ni Luis. May spark?

“Mahal ko, e,” sagot agad ng aktres.

Noong bumalik si Luis at nagkausap sila, kumusta yung encounter?

“Ewan ko, basta ang alam ko, inasar ko siya agad.

"Kasi, naka-formal siya. Naka-leather shoes. Naka-long sleeve.

"Saan ang dalaw? Ganyan… siguro dahil pareho kayong magkaibigan.

"Nagkausap kami kung paano before.

“Iba, iba… hindi ko ma-explain.

"Pero yun siguro ang pinag-ano ka lang, pinagkita kayo ng Diyos.

"Hindi ko talaga ma-explain."

Sinabi nila ni Luis na mahal nila ang isa’t isa?

“Hindi ho,” sambit niya.

“Alam ko siya, kasi nararamdaman ko.

"Pero kasi, kapag kinausap mo ako, sa mga interviews, palagi akong may wall.

"Kaya siguro naiyak akong talaga. Wala namang nakakaalam nun, yung mga emotion.

"Kahit sino, wala akong pinagsabihan, lumabas.

“Nagulat na lang siya [Luis] dahil kahit siya, hindi naman niya alam yun, nalaman na lang niya noong nag-interview ako.”

Kapag sinasabi niyang "mahal ko," saan siya humuhugot at napaka-emosyunal niya?

“Sa lahat,” sagot ni Angel.

Dugtong pa niya, na may pagkaemosyunal na, “Siguro sa lahat ng pinagdaanan namin noon.

"Nakita ko rin na nag-mature siya.

"And nakita ko na nagbago rin siya for the better, kaya ewan ko."

I LOVE YOU. Diretsahang tanong ni Boy: Legal boyfriend na ba niyang muli si Luis?

“Hindi pa ho. Nag-uusap pa ho kami.”

Malapit na?

“Kakausapin niya ang daddy ko po.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Pero hindi naman... hindi ako nagtatago.

"May mga bagay lang na inaayos kami.

"As of now, we’re happy at nag-e-enjoy kami sa isa’t isa.

“At siguro, mas nagiging honest kami sa isa’t isa.

"Sana maging maayos ho ang mga pag-uusap.

"Kasi, ang dami naming hindi napag-usapan noong naghiwalay kami."

Sa mga huling araw na nagkikita sila ni Luis, nasabihan na siya ng "I love you" nito?

“Opo,” pag-amin naman niya.

THE LEGAL WIFE. Bago talakayin ang tungkol sa estado ng relasyon nila ni Luis, tinanong muna si Angel ng host na si Boy Abunda tungkol sa mga eksena sa bago niyang primetime series na The Legal Wife.

May linya si Angel na binitawan kay Jericho Rosales na: “Ako lang, ako lang, nangako ka sa akin.”

Naniniwala ba siya na posible sa tunay na buhay na ang anak ang magbayad ng utang ng ina, lalo na pagdating sa pag-ibig?

Tugon ng aktres, “Ako, sa personal ko pong nararamdaman, I think, fair ang Diyos.

"So, hindi naman niya siguro ibibigay ang parusa sa isang tao na hindi naman niya deserve po.

“Pero sa teleserye po natin, parang may mga kuwento ng mga kababaihan na dahil yun ang nangyari sa kanilang mga magulang ay karma ko yata ‘to na tanggapin ko na lang ang lahat."

May nagsabi na ba sa kanya sa totoong buhay na, ’Patawarin mo ako, dalawa kayong minamahal ko’?

“Ang hirap... Kasi, bakit, ano ba yun, joke-joke lang ba yun na hindi mo sinasadyang dalawa kami?

"Kasi ang pagmamahal, ako, kung mahal mo talaga ang tao, siya lang.

"Siya lang, walang iba.”

Kapag may nagsabi sa kanya nito, tatalikuran niya?

“Nagawa ko po before,” pagtatapat ni Angel.

LOVE HURTS. Natawa naman si Angel nang tanungin kung sino ang lalaking involved dito. Hindi niya ito sinagot.

Masakit ba yung pangyayaring yun?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Masakit, lalo na ho kapag mahal mo ang tao talaga,” sagot niya.

May linya pa siya sa teleserye na: ’Wala sa ‘yo, Nicole, sa akin lang ang asawa ko.’

Kung dati ay tinalikuran lang niya, may pagkakataon ba na nanugod siya?

Tugon niya, “Hindi pa ho... siguro dapat ginawa ko.

"Kasi ang pagmamahal, dapat pinaglalaban mo kung mahal na mahal mo ang tao.”

Bakit hindi niya ginawa?

“Siguro ayaw mo lang ng gulo or ayaw mong mapahiya yung taong mahal mo. More than dun sa babae, e.”

Pero sinaktan siya?

“Yes, pero dahil mahal mo nga ang tao, hindi mo magawang magalit.

"Kahit galit na galit ka na deep inside, hindi mo magawang murahin siya."

Sa ganoong pagkakataon, hindi niya sinisisi ang ibang girl?

“Yes, yung lalaki po.

"Kasi, siya naman ang may commitment sa akin, hindi naman yung girl."

FAMILY APPROVAL. Kaya ba niyang makipagrelasyon sa isang tao na ayaw sa kanya ng pamilya nito?

Sagot ng Kapamilya actress, “Mahirap, lalo na sa akin, napakaimportante sa akin ng pamilya ko.

"And, I think, makaka-relate lahat dito dahil Filipino.

"Sa Filipino, priority talaga natin ang pamilya.

"At ako ho, gagawin ko lang siguro ang part ko para magustuhan ng pamilya ko ang taong minamahal ko.

“At saka, hindi ako magsusumbong-sumbong.

"Kung ano lang ang maririnig nila sa akin, yun yung magiging impression nila, di ba?

"And I think, para magustuhan ko rin siya, dapat mag-effort din siya sa pamilya ko."

LUIS MANZANO. Gusto ba siya ng pamilya ni Luis Manzano, at gusto rin ba ng pamilya niya ang TV host-actor?

Tugon ng aktres, “Hindi ho lahat ha, pero sa pamilya ko ho, palagi ko naman sinasabi na napakasuwerte ko sa pamilya ko.

"Kung ano ang desisyon ko, naiintindihan nila.

"Pero si Daddy, palaging may communication kay Luis na hindi ko ho alam. Kahit ho sa mga kapatid ko.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Isa sa naa-appreciate ko, kasi very consistent [si Luis].

"Kahit hindi naman kami nagkikita o nag-uusap, yung pakikisama sa mga taong naging malapit sa kanya noon, hindi naman niya pinabayaan.”

Gusto ba siya ng ina ni Luis na si Governor Vilma Santos?

“Sana po,” nakangiting sabi ni Angel.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN