Former Senator Revilla Sr. driven to tears by accusations against son Senator Bong Revilla

Ramon Revilla Sr. on Senator Bong Revilla Jr.: "Napakataas ng tingin ko kay Bong. May potensiyal sa higher offices kaya kailangang ibagsak ’yan. Palagay ko, imbes na bumagsak, lalong aangat siya kung maki-clear niya ang sarili niya."


Dumating ang dating senador at aktor na si Ramon Revilla Sr. sa Senado ngayong hapon, January 20, upang suportahan ang anak na si Senator Ramon “Bong” Revilla Jr.

Nakatakdang sagutin ng nakababatang Revilla ang mga akusasyon laban sa kanya, kaugnay ng pagkakadawit ng pangalan niya sa Priority Development Assistance Fund (PDAF) o pork barrel scam, sa pamamagitan ng pagbibigay ng privilege speech.

Bukod kay dating Senator Ramon Revilla, dumating din sa Senado ang misis ni Senator Bong na si Congresswoman Lani Mercado at ang kanilang mga anak na si Bryan Revilla at Cavite Vice Governor Jolo Revilla.

Bagamat medyo hirap sa pagsasalita ay masayang bumabati si dating Senator Revilla Sr. kapag may nakita siyang kakilala.

Ayon sa 86-year-old former senator, pinayuhan niya ang anak na linisin ang pangalan nito.

"Sinasabi ko sa kanya na ilabas niya kung ano ang nalalaman niya para malinis ang pangalan namin."

Si dating Senator Revilla ay nagtrabaho raw sa gobyerno sa loob ng 26 taon.

Dagdag niya, "Wala akong naging kaso kahit isa.

“Twenty-six years, hindi ako nagkaroon ng kaso.

"Eto, biglang-bigla, nagkaroon ng kaso.

“Nalulungkot ako. Hindi dapat mangyari sa kanya."

Tinanong ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang dating senador kung ang mga kasong ibinabato kay Senator Bong ay dahil may gusto lamang manira at magpabagsak dito.

Sagot nito, "Maaaring ganun nga. May gustong ibagsak lang siya.

“Napakataas ng tingin ko kay Bong.

"May potensiyal sa higher offices kaya kailangang ibagsak ’yan.

“Palagay ko, imbes na bumagsak, lalong aangat siya kung maki-clear niya ang sarili niya.

"Na wala siyang kinalaman sa anumang bagay."

Bilang ama, nasasaktan ba siya sa mga pinagdadaanan ng anak ngayon?

dr

Sagot nito, "Sobra, hindi ako makatulog. Napapaiyak lang ako sa ginagawa nila."

Ano ang naging payo niya kay Senator Bong bago ito pumunta sa Senado at magbigay ng kanyang privilege speech?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ayon sa dating senador, "Sabi ko sa kanya, ipagtanggol mo ang sarili mo kung wala kang kasalanan.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN