THE PEP LIST: Angel Locsin on ex Phil Younghusband: "He’s happy kung saan ako masaya."

Sinagot ni Angel Locsin ang isang dating Phil Younghusband-Angel supporter at sinabing balang araw ay mauunawaan din ang ginawa niyang pag-amin tungkol sa pagmamahal niya kay Luis Manzano.

Nominado si Angel para sa Female Newsmaker of the Year ng PEPsters’ Choice Q4. Mag-log on sa www.pep.ph/pep-list upang makaboto.


Naging maugong sa showbiz ang pag-amin ni Angel Locsin tungkol sa paghihiwalay nila ni Phil Younghusband via Twitter noong October 25, 2013.

Read: Angel Locsin confirms breakup with Phil Younghusband: "Maayos po kaming naghiwalay at mutual decision po ito."

Nauna kasi rito ay may mga usap-usapan na hiwalay na nga ang dating magkasintahan, subalit hindi naman sila nagsalita noong una hanggang sa kumpirmahin ito ni Angel via Twitter.

Dalawang araw pagkatapos ang kumpirmasyon ni Angel ay naglabas ng panig si Phil sa pamamagitan ng kanyang Instagram account (@philipyounghusband).

Read: Phil Younghusband on breakup with Angel Locsin: "We are thankful that we remain friends, and we only wish the best for each other."

Dahil sa kontrobersiya ng paghihiwalay nila ni Phil, isa si Angel sa mga nominado para sa Female Newsmaker of the Year ng PEPsters’ Choice 2013 4th Quarter.

Ang PEPsters’ Choice ay component ng The PEP List kung saan nasa kamay ng readers ng PEP ang kapangyarihan para bumoto.

Samantala, muling lumikha ng ingay si Angel nang aminin niya sa bloggers’ conference ng kanyang upcoming teleseryeng The Legal Wife noong January 15, Miyerkules, na may nararamdaman pa siya para sa dating nobyong si Luis Manzano.

Oktubre noong 2009 nang aminin ni Angel na wala na sila ni Luis.

Bukod sa pag-amin kamakailan ng Kapamilya actress tungkol sa nararamdaman niya para kay Luis, sinabi rin niyang nagkakausap na silang muli nito.

Itinanggi ni Angel na nagkabalikan na sila ni Luis, pero hindi naman isinasarado ang pinto sa posibilidad na mangyari ito.

Aminado rin ang aktres na alam niyang marami ang magre-react sa kanyang pag-amin, subalit mas gusto raw niyang maging totoo sa kanyang nararamdaman.

Read: Angel Locsin admits she still has feelings for ex-boyfriend Luis Manzano

Isang araw pagkatapos ng kanyang pagsasalita, may isang tagasuporta ni Phil at dating tagasuporta ng relasyong Phil-Angel ang naglabas ng kanyang hinaing kay Angel sa paghahayag ng kanyang pagmamahal kay Luis.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Isang Meriam Estrella (yam_estrella) ang nag-iwan ng mensahe kay Angel (@143redangel) sa Twitter noong January 16.

Sinabi nitong ang negatibong opinyon ng ibang tao tungkol sa pag-amin ni Angel kamakailan ay pagpapakita ng pagkadismaya sa kanya.

Sabi pa ng Twitter user na dahil sa negatibong impresyon kay Angel ay asahan ang pag-damage control ng ABS-CBN PR department dito, lalo pa’t maaaring makaapekto ito sa nalalapit niyang teleserye.

Sumagot si Angel, at sinabing darating ang araw na mauunawaan din ang kanyang mga desisyon, kasabay ng pagpapasalamat sa Twitter user sa pagsuporta nito noong sila pa ni Phil.

Sumagot ang Twitter user at sinabi niyang hindi raw kailangan magpaliwanag ni Angel sa kanya, kundi kay Phil dahil sinaktan niya ang football player at dapat ay binigyan niya ito ng respeto.

Muli itong sinagot ni Angel at sinabing malinaw sa kanilang dalawa ni Phil na wala na sila.

Muling tweet pa ni Angel, hindi siya nagpapaliwanag kundi sinubukan lamang magpasalamat sa nasabing Twitter user dahil sa pagsuporta sa kanya at kay Phil noong silang dalawa pa.

Hindi naman natapos ang usapin ng mga tagasuporta ni Angel at ng @yam_estrella rito.

Nagkaroon ng mahabang diskusyon at nasangkot pa ang pangalan ni Luis dahil sa pagsawsaw umano sa isyu para lumikha lang ng ingay.

Sa isa sa mga tweets pa ng @yam_estrella ay sinabi nitong natutuwa siya at in-unfollow na ni Phil si Angel sa Twitter at Instagram.

Nakumpirma ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) na wala na nga si Angel na mga pina-follow ni Phil sa Twitter, pero pina-follow pa rin ng aktres sa Twitter ang football player.

Samantala, sa Buzz Ng Bayan noong January 19, Linggo, sinabi ni Angel na mahal niya si Luiz at gusto niya itong makasama.

Para sa iba’t ibang nominado at makaboto sa PEPsters’ Choice 4th Quarter, mag-log on lamang sa www.pep.ph/pep-list.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN