Ryan Agoncillo hopes to have twins; might join Bubble Gang and host a public affairs show

Ayon kay Ryan Agoncillo, “production ongoing” pa rin sila ng misis na si Judy Ann Santos tungkol sa pagkakaroon ng next baby. Pero hindi naman daw nila ito minamadali. Pangarap din niyang kambal ang kasunod nilang anak.

Sabi niya, “Kung kambal nga tsumamba, okay e. Kasi parang ngayon yata e, puwede ng sadyain ang kambal, e. So, hopefully, maka-single o maka-double this time around, we welcome the prospect.”&


Muling nilinaw ni Ryan Agoncillo na pagdating sa bahay ay hindi nila pinag-uusapan ng asawang si Judy Ann Santos ang kanilang magkatapat na palabas.

Si Ryan ang host ng Picture! Picture! sa GMA, samantalang si Juday naman ang host ng Bet On Your Baby sa ABS-CBN.

Pati ang tungkol sa ratings ng kanilang shows ay hindi raw nila alam.

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment portal) at ilang entertainment press si Ryan kaninang hapon, January 20, sa pocket interview nito sa set ng Picture! Picture! sa Studio 7 ng GMA Annex Building, Quezon City.

Isang isyu ang itinanong kay Ryan: Totoo bang natatalo na ng kanyang show sa ratings ang show ng kanyang misis?

Tugon niya, “Sa totoo lang, hindi namin alam, we don’t discuss it.”

Balita ring may bagong gagawing show si Juday kaya tatapusin na ang Bet On Your Baby. Alam ba niya ang tungkol dito?

Sabi ni Ryan, “Sa pagkakaalam ko, mag-uumpisa siya ng bagong show.

"Hindi ko lang alam kung matatapos na ba yung show niya.

“No, I think she’s doing another show, yung I Do.

"Ang hindi ko lang alam ay kung matatapos na yung Bet On Your Baby."

Ang I Do ay isa ring reality show na ang contestants ay mga magkarelasyong gustong magpakasal.



PROSPECT OF HAVING TWINS. May balita ring pagkatapos ng show ni Judy Ann ay kakarerin daw nila ang pagbuo naman ng kasunod nilang anak.

May dalawang anak na sina Ryan at Juday—sina Yohan at Lucho.

Natatawang sabi ni Ryan, “A, hindi… makakagawa naman kahit meron [show], wala namang problema doon.

“Hindi naman ganun kahaba ang taping ng mga game shows. Magkikita at magkikita pa rin naman.

“Hindi naman siya nahihinto, hindi naman siya… stop production… hindi naman naging question kung kailan magkaka-baby o magtatrabaho.

“Business as usual.

"Yun na nga lang, kapag mabuntis si Juday, may kaunting considerations sa schedule.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Tapos ano naman, e, natatandaan ko nga, nagso-soap pa siya, e, buntis na siya…

"Yun nga lang, buti at napagbibigyan sa oras."

Pagbibiro pa ni Ryan, “I guess, pag nagbunga ang lamig ng panahon, sigurado ‘yan!

"Magkakaroon muli ng consideration sa schedule.

"But as I’ve said, business as usual pa rin.”

Napag-uusapan na rin ba nilang mag-asawa kung ilang anak ang gusto nila?

Ani Ryan, “Hindi pa, e.

"Maliit nga lang kasi muna ang pamilya namin.

"Pero for sure, we want another child.

“Kung kambal nga tsumamba, okay, e.

"Kasi parang ngayon yata, e, puwede nang sadyain ang kambal, e.

"So, hopefully, maka-single o maka-double this time around, we welcome the prospect."



PICTURE! PICTURE! Masaya rin ang 34-year-old TV host na maganda ang naging pagtanggap ng mga manonood sa Picture! Picture!

Sa pangalawang season daw nito, may mga pagbabagong gagawin ang production staff—at excited siya sa hakbang na ito.

Detalye pa niya tungkol dito, “What we gonna do… they asked me if I can upload few of my photos—whether it was taken from my Instagram account or past archives.

"I’ll be uploading photos na doon manggagaling yung questions.

"Maybe one or two photos per episode.”

Isa daw sa mga litratong gustung-gusto niyang ipakita sa show ay ang larawan nilang dalawa ni Lucho, habang naglalakad sa kanilang village na magkahawak-kamay.

Kuha raw ito ni Juday.



STAR FOR ALL NETWORKS. Sa kasalukuyan, program contract lang ang mayroon si Ryan sa GMA.

Bukod sa Picture! Picture!, kasama rin siya sa noontime show na Eat Bulaga!, na isang blocktimer sa Kapuso network.

May mga offer daw sa kanya ang tatlong malalaking TV stations sa bansa.

“There are offers, there are talks.

"May mga offer noong nagdaang buwan na hindi lang din nagawa because of schedule reasons.

“Meron dito, within GMA, may projects.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"May projects with Mr. Tony Tuviera [Unitel, TAPE Inc].

“Meron din sa Channel 5, meron din sa ABS-CBN.

"Pero wala, e... ano, e, mahirap kasi…

"Ako kasi, I’ll consider myself a host first, that’s my bread and butter.

“Tapos, nami-miss ko na ring mag-comedy... baka Bubble Gang will happen soon.

"Kaya’t ang problema lang initially ngayon, [Lunes] din ang taping ng Bubble Gang, e.

"Regular din ang taping nila, sabay na sabay sa Picture! Picture!



PUBLIC AFFAIRS SHOW. Pagdating naman sa isa pa niyang gustong gawin bilang TV host, posibleng gumawa rin siya sa ng public affairs program.

Saad ni Ryan, “Originally, when we’re negotiating last year, nung dapat station contract pa, part of it was a stint in News and Current Affairs.

"Mangyayari siguro baka specials about health, coming up.

“Hopefully, before the rainy season starts, makapagsimula ’yan.

“Why health? Because remember last year na-dengue ako? Yun yung negotiation period, e.

“So, after that time of getting sick, when I got back, we wanted to do something na… to address something about health sa News and Current Affairs.

“And I think, ang usapan ay papunta pa rin doon, oras na naman ang kailangan.

"Because when you talk about News and Current Affairs, hindi lang ‘yan spiel-spiel, e.

"May research ‘yan, may field work ‘yan. May paglabas ‘yan.

"Yun ang matrabahong part.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN