Mark Herras on people accusing him of using Jennylyn Mercado: "Wala naman silang karapatan para pakialamanan yung buhay ko."

“Never kong ginamit si Jen sa trabaho. Kami naman ni Jen, every time na magkakatrabaho kami, trabaho lang talaga ang ginagawa namin nang maayos,” says Mark Herras, defending himself from accusation that he is using former girlfriend and Rhodora X co-star for his showbiz career.


Hindi naiwasan ni Mark Herras na maglabas ng kanyang saloobin tungkol sa akusasyong ginagamit lamang diumano niya ang ex-girlfriend na si Jennylyn Mercado upang umangat ang kanyang career.

Pahayag ng Kapuso actor, “Wala naman silang karapatan para pakialamanan yung buhay ko.

“Ngayon na lang din ako sasagot, kasi medyo nakakapikon na din yung ibang tao na ginagamit ko daw si Jen para bumalik yung career ko."

Diin niya, “Never kong ginamit si Jen sa trabaho.

“Kami naman ni Jen, every time na magkakatrabaho kami, trabaho lang talaga ang ginagawa namin nang maayos.”

Magkasama ang dating magkasintahan sa bagong primetime series ng GMA, ang Rhodora X, na ini-launch kagabi, January 20, sa Plaza Ibarra, Timog Avenue, Quezon City.

NO RECONCILIATION. Sinagot din ni Mark ang usap-usapang nagkabalikan na raw sila ng dating girlfriend niyang si Ynna Asistio.

Bagamat hiwalay na sila ni Ynna, nananatili siyang malapit sa pamilya ng dalaga.

Ani Mark, “Doon sa mga tao na masyadong pinapakialamanan yung personal kong buhay, wala naman silang pakialam.

“Kasi, naging sobrang close ako sa pamilya ni Ynna, nila Tita Nads [Nadia Montenegro, Ynna’s mother].

“Kung pumunta ako doon nung Pasko, noong New Year, or kahit kailan na walang okasyon, gagawin ko.

“Hindi ko naman kailangan pagbawalan yung sarili ko na makipagkaibigan sa mga taong ‘yon kasi mahal ko din sila.

“Sabi nga nila, ’Tingnan mo, magkaakbay sila sa picture!’

“Magkaakbay lang, nagkabalikan na ulit?”

Sabi pa ni Mark, “Sana pakialamanan na lang nila yung sarili nilang buhay.

“Kung fan sila ng Mark and Jen, maraming salamat.

“Pero kung may hinanakit sila sa personal kong buhay, wala na silang pakialam doon.”



STILL FRIENDS. Kaugnay nito, tiniyak naman nina Mark at Jennylyn na hanggang pagkakaibigan na lamang sila ngayon kahit magkasama sila sa isang proyekto.

Sabi ni Mark, “Ayoko muna lagyan or bigyan ng implications kung anuman ang mayroon kami ni Jen ngayon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Kasi, sobrang wala kaming nagiging problema sa trabaho.

“Sa totoo lang, hindi naman kami nakikipagplastikan sa media or sa mga tao na kailangan sweet tayo, kasi may bago tayong teleserye. Hindi, e.

“Kung ano yung nakikita ninyo off-cam, mas nadadagdagan lang yun sa on-cam.

“Wala kaming problema ni Jen ngayon.”

Halos ganito rin ang sinabi ni Jennylyn sa parehong panayam.

Sabi ng aktres, “Kapag friendship, forever ‘yan.

“So, gusto ko lang sabihin na special ang friendship namin ni Mark and ayaw kong mawala ‘yon, kasi ganun siya kaespesyal.

“Gusto ko, yung friendship namin, hanggang forever... Di ba, Mark?

“Mahirap kasi magsabi…

"Gusto ko pa rin i-keep yung friendship namin, kung ano ang meron kaming dalawa, kasi ayaw kong mawala ‘yon."

Hindi naman ikinaila ni Jennylyn na sa mga naging boyfriend niya, si Mark ang masasabing tumatak talaga sa kanya.

“Sampung taon na rin kasi kami magkasama ni Mark.

“Sampung taon na kaming magkasama sa industriya, sabay kaming pumasok.

“Ang dami naming mga experiences talaga na hindi namin makakalimutan,” sabi ni Jennylyn.

Parehong produkto ng reality-based artista search ng GMA na StarStruck sina Mark at Jennylyn.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN