Jennylyn Mercado on rekindled romance of Luis Manzano and Angel Locsin: “Wala na ako dun, kung anuman ang meron sila.”

Sa pagsasama muli nina Jennylyn Mercado at Mark Herras sa isang teleserye, tinitiyak ng actress-TV host na hanggang pagkakaibigan lang sila ng dating kasintahan. Sabi ni Jennylyn, "Wala akong binabalikan na ex. Kung mapapansin niyo, sa sampung taon, wala akong binalikan. Ex na nga, e. Kumbaga, hindi nag-work, bakit mo pipilitin?"


Inunahan na ni Jennylyn Mercado ang press tungkol sa estado ng relasyon nila ng dating boyfriend na si Mark Herras.

Magkapareha kasi ang dalawa sa bagong primetime series ng GMA Network, ang Rhodora X, na nagkaroon ng grand launch kagabi, January 20, sa Plaza Ibarra, Timog Avenue, Quezon City.

Nahulaan na kasi ni Jennylyn na siguradong itatanong sa kanya kung hindi kaya magkabalikan sila ni Mark dahil sa pagsasama nilang muli sa isang proyekto.

Sagot niya dito, “E, bakit? Ang sarap-sarap ng friendship namin.

“Hindi ko masasabi kung ano ang mangyayari, pero itong friendship na ‘to, puwede mong i-keep forever.”

Pero hindi ba sumagi sa isip niyang baka nga sa bandang huli ay sila pala talaga ni Mark ang inilaan ng tadhana para sa isa’t isa?

Sabi ni Jennylyn, “E, sa ngayon, hindi talaga.

“Siguro, it’s too soon.

“Ilang months pa lang naman akong single.

“Three months? Too soon.”

Ang tinutukoy ni Jennylyn ay ang nagwakas nilang relasyon ng Kapamilya TV host-actor na si Luis Manzano.

Read: Jennylyn Mercado-Luis Manzano breakup confirmed

Dagdag pa niya, “At saka, iba talaga, e. Gusto kong i-maintain ang friendship.”

Hindi rin daw nila napag-uusapan ni Mark ang tungkol sa pagbabalikan.



FROM LOVERS TO FRIENDS TO LOVERS AGAIN? Noong magkaroon ng relasyon sina Jennylyn at Mark ay pareho pa silang bata at medyo immature pa. Kaya marami silang hindi napagkakasunduan o madaling pag-awayan.

Pero ngayon, pareho na silang nag-mature.

Sabi ni Jennylyn tungkol dito, “Yung totoo, gusto ko lang…

“Sa sobrang sarap ng friendship, sobrang special ang pagkakaibigan namin… ayoko yun mawala.”

Ang sabi, kapag magkaibigan na nauwi sa relasyon, mas maganda raw ang kinalalabasan. Naniniwala ba siya rito?

Sagot ng Kapuso actress-TV host, “Hindi rin, e, galing na kami sa ganun.

“At saka, wala akong binabalikan na ex.

“Kung mapapansin niyo, sa sampung taon, wala akong binalikan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Ex na nga, e.

“Kumbaga, hindi nag-work, bakit mo pipilitin?”



LUIS AND ANGEL. Dahil sa naging pahayag ni Jennylyn tungkol sa kanyang mga naging ex, inusisa namin siya tungkol sa napipintong pagbabalikan ng ex-boyfriend niyang si Luis Manzano at ng ex-girlfriend nitong si Angel Locsin.

Ito ay pagkatapos aminin nina Angel at Luis na may nararamdaman pa rin sila para sa isa’t isa.

Read: Angel Locsin admits she still has feelings for ex-boyfriend Luis Manzano

Read: Luis Manzano on Angel Locsin’s revelation: "...let the smiles on our faces... the tears on her eyes, speak on our behalf."

Sabi ni Jennylyn tungkol dito, “Basta, all I can say, siguro kung may tanong kayo about them, siguro itanong niyo na lang sa kanya [Luis].

“Kasi ako, I’m okay. I look okay!” tawa pa niya.

Dagdag niya, “Kahit papaano naman, I wish them well.

“Wala na ako dun, kung anuman ang meron sila.”

Wala nang sakit o pakiramdam ng “betrayal”?

Saad niya, “Hindi, hayaan na lang natin ang tao na mag-decide o mag-isip.

“Matatalino na ngayon ang mga tao. Hindi na kailangan i-explain. Alam na nila yun.”

May mga nagsasabing dahil sa rebelasyon nina Luis at Angel na mahal pa rin nila ang isa’t isa, posibleng si Angel daw ang rason ng hiwalayan nina Jennylyn at Luis.

Ngunit sa halip na sagutin ni Jennylyn ang tanong namin, ngiti lang ang naging tugon niya rito.

Muling tinanong ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kung hindi kaya mahal pa pala ni Luis si Angel kaya sila nag-break?

Sabi ni Jennylyn, “Hindi ko alam ‘yan. Basta, sa kanila niyo na lang itanong.”

Napatanong din ba siya sa sarili nang umamin sina Luis at Angel na mahal pa rin nila ang isa’t isa?

Pero muli, sa halip na sagutin ni Jennylyn ang tanong ay ngumiti na lang siya at hindi na nagkomento pa.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sa huli, tinanong ng PEP si Jennylyn kung kaya rin ba niyang sabihin ang katagang “mahal ko siya, e,” para sa dating boyfriend na si Mark?

Aniya, “Sabi ko nga, ang pagkakaibigan namin, hindi ko igi-give up yun sa isang relasyon na puwedeng matibag.

“Yung friendship, forever ‘yan.

“Forever ko siyang magiging kaibigan talaga.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN