Phil Younghusband: “We must all move on.”

“To all those involved, can I kindly request we put an end to this issue? We appreciate all your support, but if we are to be happy, we must all move on," Phil Younghusband posted this message on his Instagram account, following the admission of his ex-girlfriend, Angel Locsin, that she still has feelings for ex-boyfriend Luis Manzano.


Muling nakiusap ang Filipino-British football player na si Phil Younghusband na mag-“move on” na ang publiko sa isyu sa pagitan niya at ng dating girlfriend na si Angel Locsin.

Kamakailan ay umamin si Angel na may nararamdaman pa rin siyang pagmamahal sa dating boyfriend na si Luis Manzano.

Read: Angel Locsin admits she still has feelings for ex-boyfriend Luis Manzano

Bagay na ipinagtaka ng ilan dahil matapos ang relasyon nila ni Luis, naging boyfriend ni Angel si Phil.

Dahil dito, hindi naiwasan na matanong ng entertainment media si Phil para sa reaksiyon niya tungkol dito.

Matipid ang sagot ni Phil, “As long as she’s happy...”

Sinabi rin ng football player na nananatili silang magkaibigan ni Angel kahit tapos na ang kanilang relasyon.

Read: Phil Younghusband "no reaction" to Angel Locsin-Luis Manzano reconciliation

Marahil dahil sa patuloy na pag-uugnay kay Phil tungkol sa posibleng pagkakabalikan nina Angel at Luis kaya nag-post ang atleta ng larawan ng peace symbol sa kanyang Instagram account (philipyounghusband).

Sa caption nito, sinulat ni Phil:

“To all those involved, can I kindly request we put an end to this issue. We appreciate all your support, but if we are to be happy, we must all move on. As supporters of Angel & I, lets all move past this & look forward. Thanks! :)”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN