Jessy Mendiola reveals Jake Cuenca and Sam Milby have stopped courting her; denies rumored date with JC de Vera

Pagkatapos maging isyu ang panliligaw diumano nina Jake Cuenca at Sam Milby kay Jessy Mendiola noon, ngayon ay nanlamig na ang isyu dahil tila tumigil na sa panliligaw ang dalawang aktor. Sabi ni Jessy, “Alam naman nilang lahat na pumuporma at nanliligaw na hindi pa ako ready pa, trabaho pa talaga ako. Ganun yun, pag nanliligaw sila, opening spiels ko, ‘I’m not ready.’"


Noong nagsisimula pa lamang ang primetime series na Maria Mercedes ay pumutok ang balitang parehong nanliligaw sina Jake Cuenca at Sam Milby sa bida ritong si Jessy Mendiola.

Ngunit ngayong malapit nang matapos ang teleserye ay tila natapos na rin ang “panliligaw” ng dalawang aktor kay Jessy.

Si Jake ang isa sa mga leading men ni Jessy sa Maria Mercedes, habang kasamahan naman nila sa ABS-CBN at Star Magic si Sam.

Sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Jessy sa dressing room ng Buzz Ng Bayan noong Linggo, January 20, ay inusisa namin kung ano na ang nangyari sa panliligaw sa kanya nina Jake at Sam.



JAKE CUENCA. Ayon kay Jessy, hindi siya sigurado kung nanliligaw nga ba sa kanya si Jake.

Ito ay sa kabila ng deklarasyon noon ng aktor na may gusto siya at liligawan niya ang kapareha.

Read: Jake Cuenca says his courtship of Jessy Mendiola is not for publicity, it’s "genuine"

Saad ng young actress, “Nanligaw ba si Jake? Ewan ko, kasi si Jake kasi, hindi, e, hindi siya nanliligaw.

“Si Jake talaga, napaka-sweet niyang tao.

“Hindi lang sa akin ha, sa lahat ng kasama namin.

“Biruin mo, napaka-generous niya, lagi niya akong binibigyan ng regalo.

“Nung simula, binigyan niya ako ng gift.

“Ngayon din, binigyan na naman niya ako, pinost ko ‘yan sa Instagram.”

Dagdag pa ni Jessy, “Ang pagtingin ko kasi kay Jake, parang kuya, parang hinahangaan ko siya.

“Iba, iba si Jake, e.

“Feeling ko, hindi lang talaga talo. Same handler kami.

“Oo, puwede naman, pero kasi, para sa akin, parang hindi swak.”



SAM MILBY. Tungkol naman kay Sam Milby, sinabi ni Jessy na mukhang huminto na ito sa panunuyo sa kanya.

Saad niya, “Alam ko may bagong venture sila ngayon, yung coffee shop. Feeling ko, businessman na lang siya.

“Ngayon, hindi na kami nakakapag-usap.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Tawa pa ni Jessy, “Baka give up na siya… give up na siya sa akin!

“Alam naman nilang lahat na pumuporma at nanliligaw na hindi pa ako ready pa, trabaho pa talaga ako.

“Ganun yun, pag nanliligaw sila, opening spiels ko, ‘I’m not ready.’

“Dun, matira ang matibay.

“Tipong isang taon na nanliligaw, ‘A, ang tibay mo, ha.’

“Sa ngayon, wala, e, wala talaga.”



JC DE VERA. Nauugnay rin ang pangalan ngayon ni Jessy sa bagong Kapamilya na si JC de Vera, na nakita raw kasama ng young actress sa isang gimikan kamakailan.

Paglilinaw naman ng dalaga, “Natatawa ako dun.

“Pero kasi, bago pa kami nagkita sa despedida, nagkakausap na kami ni JC.

“Ang connection namin ni JC, yung stylist friend ko, stylist din nila sa show nila [The Legal Wife].

“Nung nalaman niya siguro na close kami ng stylist na ito, yun nga, nagkakausap na kami.

“Tapos, close din siya sa RM [road manager] niya ngayon na si Ate Maffy [Kabigting], na RM ko din dati na sobrang ka-close ko.

“Aalis na siya, pupuntang Canada.

“Yung time na yun na nag-date daw kami, marami kami nun, kasi despedida niya [Maffy].

“Sa Greenbelt yun, nagpa-set up ako ng parang private dinner para sa RM ko.

“Nandun lahat… Kasama si JC dun kasi nag-promise siya kay Ate Maffy na pupunta siya.”

Ayon pa kay Jessy, “Parang hindi naman kasi sa akin ang panliligaw.

“Kapag sinabi nung tao na manliligaw ako, pero hindi naman.

“Lumabas lang, nanligaw agad?

“Kung manliligaw siya, sasabihin ko naman, kay Sam, hindi naman ako nagsinungaling.”

Iginiit ni Jessy na hindi pa siya handang pumasok sa panibagong pakikipagrelasyon.

“Hindi talaga. Pero kung dumating siya, hindi ko rin naman pipigilan.

“Ngayong taon na ito, magtu-twenty-two na ako.

“Ito na yung age na puwede na, pero wala, e.

“Kung wala pa talaga, ayoko namang pilitin.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN