Dingdong Dantes excited about team-up of girlfriend Marian Rivera with Alden Richards

Dingdong Dantes on Marian Rivera’s new leading man, Alden Richards: “Nakita ko naman yung determination niya bilang isang aktor. Na talagang gustung gustung-gusto niya yung ginagawa niya, yung craft niya. And I respect him for that. That’s why I’m so happy that nagkaroon siya ng ganitong klaseng role. At bagay na bagay naman sa kanya."


Pagkatapos ng pinakahuling primetime series ni Dingdong Dantes, ang Genesis, malamang na sa March pa magsisimula ang kasunod niyang proyekto sa GMA Network.

Sabi ng Kapuso Primetime King, “Pero hindi ko pa alam kung ano.

“Drama ulit ang tema, I think. But wala pang details na sinasabi sa akin.

“And hindi ko pa rin alam kung sinong mga artista ang makakasama ko.”

Pero kung bibigyan siya ng pagkakataong mag-suggest, sinong Kapuso actress ang gusto niyang makapareha?

Sagot ni Dingdong, “Iiwan ko na po sa GMA ‘yan. Bahala na lang silang magdesisyon kung sino.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Dingdong sa Sunday All Stars noong Linggo, January 20.



MARIAN-ALDEN TANDEM. Samantala, malapit nang umere ang bagong primetime series sa GMA ng girlfriend ni Dingdong na si Marian Rivera, ang Carmela: Ang Pinakamagandang Babae Sa Mundong Ibabaw.

Kapareha ng aktres dito ang young actor na si Alden Richards.

Excited daw si Dingdong sa tambalan nina Marian at Alden.

Sabi pa niya, “Alam kong isa na namang magandang istorya ang handog ng GMA sa viewers.”

Aprubado ba sa kanya si Alden bilang leading man ni Marian?

Ayon kay Dingdong, “Wala naman akong say diyan.

“But siyempre, nakasama na namin ni Marian si Alden noon sa isang teleserye [My Beloved].

“At naa-appreciate ko the fact na nagkakausap kami.

“Nakita ko naman yung determination niya bilang isang aktor.

“Na talagang gustung gustung-gusto niya yung ginagawa niya, yung craft niya.

“And I respect him for that.

“That’s why I’m so happy that nagkaroon siya ng ganitong klaseng role. At bagay na bagay naman sa kanya.

“That’s why I’m looking forward to how they will portray their respective roles.

“And si Marian naman, alam ko, kahit anong role na gawin niya, she does it with flying colors naman, e.”’

Balitang daring ang papel ni Marian bilang si Carmela, at may mga gagawin daw itong love scenes with Alden.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nakangiting reaksiyon ni Dingdong dito, “Lahat naman ganun, e.

“Alam mo naman na isang bahagi ‘yan ng ating trabaho, e.”

Kailangan pa bang magpaalam sa kanya ni Alden sa love scene nito kay Marian?

Sagot ni Dingdong, “Hindi, wala nang ganun.

“Alam mo, they’re both professionals. They’re both adults.

“And gaya ng sabi ko, I can’t wait to see it.”



DINGDONG’S NEW HOBBY. Sa ngayon ay sinasamantala ni Dingdong ang panahong hindi siya gaanong busy sa trabaho.

Ayon sa Kapuso Primetime King, pagmu-motor ang kinahihiligan niya ngayon.

“Hobby-hobby lang. Pang-pastime lang.

“Yung mga friends kong professional motorcycle riders ang nag-influence sa akin.

“Nagpapaturo ako sa kanila nang konti.

“And masaya naman, enjoy ako.”

Naiangkas na ba niya sa motor si Marian?

Sabi ni Dingdong, “Oo naman, dati pa.

“Hindi naman siya takot na umangkas. Relaxed lang siya.”

Anong lugar na ang pinakamalayong itinakbo ng pagmu-motor niya?

“Dito pa lang sa Luzon. Hindi pa naman ako umaabot sa Visayas.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN