Mark Herras on possible reconciliation with Jennylyn Mercado: "Tingnan natin… tingnan natin."

Hindi matuloy ni Mark Herras kung ano ang dahilan ng magandang aura niya ngayon. Pero aniya, “Siguro kasi wala rin akong iniisip na iba. Wala na akong ibang kailangang gawin. Ito nga lang, I’m doing Rhodora X and Sunday All Stars, kaya lahat ng oras ko, ibinibigay ko sa trabaho ko. Yun lang ang ginagawa ko ngayon. Simula 2014, puro lang ako trabaho, trabaho. Ang mindset ko talaga, puro trabaho lang.”


Pakiramdam ni Mark Herras, nag-mature siya ng sampung beses kaya raw siguro maganda ang aura niya ngayon.

Marami kasi ang nakapansin sa magandang aura ni Mark sa press conference ng Rhodora X, ang bagong primetime series ng GMA, kagabi, January 20.

Sabi ni Mark, “Feeling ko, parang times ten ako nag-mature.

“Dito pa lang sa Rhodora X… at masaya ako, e. Masaya ako ngayon.”

Ano ang dahilan ng magandang aura niya ngayon?

Tugon niya, “I don’t know, siguro kasi wala rin akong iniisip na iba. Wala na akong ibang kailangang gawin.

“Ito nga lang, I’m doing Rhodora X and Sunday All Stars, kaya lahat ng oras ko, ibinibigay ko sa trabaho ko.

“Yun lang ang ginagawa ko ngayon.

“Simula 2014, puro lang ako trabaho, trabaho.

“Ang mindset ko talaga, puro trabaho lang.”

POSSIBLE RECONCILIATION. Kasabayan ni Mark sa dating artista search ng GMA na StarStruck ang mga kapareha niya sa Rhodora X na sina Jennylyn Mercado at Yasmien Kurdi.

Kumusta ang pagtatrabaho nila?

Ayon kay Mark, “Masaya ako to work with them sa kahit anong paraan.

“Unang-una, hindi ako nangangapa.

"Madaling humugot ng emosyon with Yas and walang pressure.

“Happy ako na silang dalawa ang katrabaho ko talaga.”

Nagkaroon ng relasyon sina Mark at Jennylyn noong StarStruck days nila hanggang sa mga unang taon ng kanilang showbiz career.

Dahil sa muling pagtatambal nina Mark at Jennylyn, hindi maiwasang tanungin ang dalawa kung posibleng magkabalikan sila.

Ano ang reaksiyon dito ni Mark?

Saad niya, “Ako naman, ang masasabi ko lang, sa ngayon, hindi ko talaga alam.

“Hindi ko alam ang puwedeng mangyari sa amin ni Jen during half na ng season or patapos na ang show.

“Kasi ngayon, enjoy kami ni Jen.

“Nagagawa namin ang trabaho namin nang sobrang maayos.

“At siguro, hindi ko rin alam kung magkakabalikan o may chance ba… hindi ko pa rin alam.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ano ang nararamdaman niya ngayon kay Jennylyn, lalo’t nagkakasama sila nang madalas?

Sabi ni Mark, “I’m so happy.

“I’m so happy na makatrabaho ulit si Jen.

“Seeing her almost every day, na parang ‘eto, meron na naman tayong bagong project for GMA.

“Wala, okay kami.

“Siguro, mapapansin niyo na okay kami ni Jen.”

Ano ang mga nakikita niyang pagbabago ngayon kay Jennylyn?

“Ang laki na ng minature [mature] ni Jen.

“Sa pagiging artista, iba na talaga.

“Pero nandoon pa rin ang pagiging makulit niya.

“Nakikita niyo naman siguro sa mga pinu-post niya, pinu-post ko.

"Ganun pa rin. Nandoon pa rin ang pagiging makulit ni Jen."



MOVING ON. Sa palagay ba ni Mark ay naka-move on na si Jennylyn sa breakup nito kay Luis Manzano?

“I don’t know,” sagot ng aktor.

“Si Jen kasi, magaling magdala. I know her too much.

“Siyempre, hindi ko rin naman tinatanong kung, ‘Okay ka na ba?’ Siyempre, ayoko rin naman.

“Kumbaga, na kay Jen na yun.”

Hindi ba nakikita ni Mark ang posibilidad na baka sila rin talaga ni Jennylyn sa huli?

“Hindi ko alam,” nangiting sabi niya.

“Ayoko rin namang magsalita nang patapos although, sige, nasabi ko na wala akong binabalikang sa mga ex-girlfriends ko.

“Pero tingnan natin… tingnan natin.”

Si Jennylyn ay may deklarasyon ding wala siyang binabalikang ex-boyfriend. Hindi kaya ang bagsak ng mga salita nila ay sa kanilang dalawa rin?

Natawa si Mark at sinabing, “Oo nga, e! Tingnan natin, tingnan natin.

“Pero kasi, okay kaming dalawa. Okay kaming dalawa ngayon.”

Ano ba ang ibig niyang sabihin sa “okay” sila?

“Siguro, ayaw lang naming lagyan o gawing kumplikado ang lahat.

“Kasi, noong before na kami pa at may trabaho kami, I don’t know kung ganun pa rin ngayon.

“Kasi before, hindi kami okay, naaapektuhan ang trabaho, nag-i-stop ang taping.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“I don’t know… At least ngayon, wala kaming pinuproblemang ganun.

“Nae-enjoy namin ang company ng isa’t isa. So, yun.”

Wala ba siyang lovelife ngayon? Wala siyang nililigawan?

“Mahirap bang paniwalaan talaga?” natawang sabi ni Mark.

Dagdag pa niya, “Talagang naka-focus lang ako sa trabaho ko at masaya ako kung ano ang ginagawa ko ngayon.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN