Mark Anthony Fernandez on his marriage status: "Delicate yung sitwasyon ngayon..."

Mark Anthony Fernandez on report that his mom, Alma Moreno, has separated from her husband Marawi City Mayor Sultan Fahad "Pre" Salic: “Basta alam ko, alam naman natin si Alma, stereotype hopeless romantic din yun. Sana hindi totoo. Pero kung ano, basta ako, kung saan masaya ang mama ko, doon siya.”


Nag-aartista na rin ngayon ang lalaking anak ni Mark Anthony Fernandez na si Cameron, 12, na talent na ng Star Magic—ang talent arm ng ABS-CBN.

“Oo nga, nakakatuwa naman,” sambit ng dating miyembro ng Guwapings sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal).

May blessing ba niya ang pag-aartista ng anak?

“Bale ako yung... gusto nila yun, ako yung parang kumokontra—ng konti.”

Pero dagdag din ni Mark, “Stage father ako ng konti.

"Ako yung parang ayaw, pero secret lang, gusto ko rin naman.”

Ang ina raw ni Cameron ang talagang may gusto na mag-artista ito.

“Pero gusto ko ring mangyari yun.

"Kumbaga, ako lang yung tamang... ako yung gumanap na kontrabida kumbaga.”

Hiningan naman daw siya ng permiso bago pinag-artista ang anak.

“Nung una ayoko ng konti, alam mo yun? Hanggang gusto ko na.”

Nakikita ba niya na "the next Mark Anthony Fernandez" ang anak bilang isang artista?

Sabi ni Mark, “Ang tingin ko sa kanya, mas malaki pa sa akin, mas sisikat pa sa akin.”

Magiging mahusay rin ba itong aktor kagaya niya?

“Na-convince naman niya ako in a couple of times na pag-a-acting niya, parang meron siya nun.

"At nung nakita ko na nasa kanya naman, kaya ako napapayag.”

Nakausap ng PEP si Mark sa press conference ng GMA primetime series na Rhodora X noong Lunes, January 20.

LOVELESS. Sa tanong kung sila pa rin ng ina ni Cameron na si Melissa Garcia ay hindi agad nakasagot si Mark.

Ngunit sabi niya kalaunan, “Okay naman, okay naman.

"Puwedeng... masyadong ano... delicate yung sitwasyon ngayon, so ayoko sanang pag-usapan.”

Sa kanyang ina raw nakatira si Cameron, at sila naman daw naman ng anak ay maayos ang relasyon.

“Oo, okay kami ni bagets dahil si bagets nagbibinata na, e.

“Nagkakaroon na ng sariling isip.”

Regular daw ang pagkikita at pag-uusap nilang mag-ama.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Bagamat ayaw magsalita ni Mark tungkol sa sitwasyon nila ngayon ng asawang si Melissa, inamin niyang loveless siya ngayon.

“Wala, wala talaga... sana magkaroon,” sabi ng 35-year-old actor.

Pero masaya naman daw siya.

“Hindi naman ako malungkot.

"Ano ako... masaya ako talaga na ang ganda ng script ko dito sa Rhodora X.

"Ang girlfriend ko yung script ko, alam mo yun?

“Yung set namin, iyon ang girlfriend ko.”

SINULOG GIRL. Pero isiniwalat ni Mark sa PEP na may natitipuhan siyang babae ngayon.

Lahad niya, “Meron akong ina-eye.

"Nung pumunta ako ng Cebu, may nakita ako sa Sinulog, ang pangalan niya Nicole.

"Ang ganda, sobrang ganda!”

Nagpunta ang cast ng Rhodora X sa Cebu nitong nakaraang weekend para sa promo ng kanilang show.

Patuloy ni Mark, “Nagkakilala kami, talagang tinitigan ko nang husto.

"So, next year sana magkita kami ulit.

"Nineteen pa lang siya, e. Next year twenty na siya.”

Ni hindi raw sila nakapagpalitan ng cellphone numbers.

“Kumbaga, ang dream ko, parang Cinderella story nang konti.

"So, sana hanapin niya ako, ’no? Kung talagang gusto niya ako.

"Pero siya, hahanapin ko siya. Hahanapin ko din siya next year."

Naramdaman daw ni Mark na gusto rin siya ng naturang babae.

“Oo, konti.”

Bakit hindi niya kinuha ang numero ng babae?

“Medyo nawala siya sa eyesight ko, ang daming tao, e.

“Pakiramdam ko tuloy, kailangan ko siyang hanapin.

"Sabi ko, next year ko na lang siya hahanapin para talagang isipin din niya ako.”

Ayon pa kay Mark, “Mabilis akong ma-attract, pero yung love itself, tingin ko medyo matagal ng konti.

"Siguro dahil sa mga nangyari sa nanay ko [Alma Moreno], inapi siya, nasaktan, sa akin napasa yun, e.

“Yung bilang lalaki ako, ewan ko, iyon ang nangyari sa puso ko, hindi ako mabilis ma-in love tuloy dahil sa naapi siya.

“Ayoko din naman kasing makasakit ng damdamin ng mga babae, alam mo yun?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Yung, ‘Sige, break na tayo,’ parang ganun.

“So, ang akin, gusto ko talaga, mahalin.

"Kumbaga, kung girlfriend ko siya, siya na sana hangga’t maaari.”

Thirty-four years old si Mark ngunit para sa kanya, “Ang tumatanda, kalabaw lang. Pakiramdam ko, batang-bata pa ako.”

ALMA MORENO. Dahil nabanggit na rin lang ni Mark ang kanyang ina na si Alma Moreno, tinanong ng PEP kung ano ang komento niya sa balitang hiwalay na ang ina sa asawa nitong si Marawi City Mayor Sultan Fahad "Pre" Salic.

Read: Alma Moreno decides to separate from husband Mayor Fahad "Pre" Salic

Sagot ng aktor, “Basta alam ko, alam naman natin si Alma, stereotype hopeless romantic din yun.

“Sana hindi totoo.

"Pero kung ano, basta ako, kung saan masaya ang mama ko, doon siya.”

Hindi pa sila nagkakausap ng kanyang ina tungkol dito?

“Hindi namin napag-uusapan yun,” sagot ni Mark.

Hindi ba nag-o-open up sa kanya ang ina kapag may problema ito?

“I think through the times, tumigas na rin si Alma. Naging tough na rin siya.

“Alam naman natin si Alma, neneng-nene noong araw... ayun.”

Alam daw ni Mark na kung may pinagdaraanan man ngayon ang ina ay kakayanin nito.

At kung totoo man daw na hiwalay na ito sa asawa, wala siyang anumang galit o sama ng loob kay Mayor Salic.

“Kay Uncle Mayor, wala.

"Natutuwa pa nga ako, na niligawan niya si Alma. Na naakit pa siya ni Alma, alam mo yun?

“Pinaligaya niya si Alma ng mga dalawang taon, di ba?

"So, iyon. So, natutuwa ako. Kailangan ng nanay ko yun."



BROTHERS. Nabanggit din ni Mark ang closeness nila ng half-brother niyang si Renz Fernandez, na nasa Kapuso Network din at napapanood ngayon sa Prinsesa Ng Buhay Ko.

Si Renz ay isa sa dalawang anak ng yumaong ama ni Mark na si Rudy Fernandez sa asawa nitong si Lorna Tolentino.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ayon kay Mark, hindi acting tips ang hinihingi sa kanya ni Renz kundi “gym tips.”

Hindi sa acting?

“Hindi, bilang anak siya ni Rudy, anak siya ni Lorna, kumbaga, tingin ko, marami nang naituro sa kanya kaya hindi na humihingi ng tips sa akin.

“Sa gym lang humihingi.

"Minsan ang nangyari, sabi niya, ‘Kuya, tumaba ako. Tulungan mo naman ako, kailangan kong magpapayat!’

“Sabi ko, ‘Sige, magkita tayo dito sa hotel na ito.’

“Hindi niya alam, swimming pool pala yung hotel. ‘Swimming tayo!’

“Tinulak ko siya sa swimming pool, swimming kami.

"Pumayat naman,” kuwento ni Mark.

Dagdag niya, “Sobrang close kami ni Renz.

"In fact, parang mag-classmate kami niyan, e.

"May mga bagay akong hindi alam, siya ang nagtuturo sa akin.

“May mga bagay siyang hindi alam, ako din nagtuturo sa kanya. Ayun.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN