Marian Rivera shrugs off competition with Angel Locsin; reacts to Anne Curtis as new Dyesebel

Marian Rivera on primetime battle with Angel Locsin: “Ay, wala namang kumpetisyon para sa akin. Kung sa kanila, e, may kumpetisyon, irerespeto natin yun. Pero as long as masaya ka sa totoong buhay mo, doon ako."


Ipinagkikibit-balikat lamang ni Marian Rivera ang pagtatapat ng mga teleserye nila ni Angel Locsin.

Sabay kasing magbubukas simula sa January 27, Lunes, ang mga bagong primetime series ng dalawang aktres, na sinasabing mahigpit na magkaribal sa showbiz.

Si Marian ang pangunahing tauhan sa Carmela: Ang Pinakamagandang Babae Sa Mundong Ibabaw ng GMA.

Si Angel naman ang bida sa The Legal Wife ng ABS-CBN.

Dahil sa pagtatapat ng kanilang mga programa, nararamdaman ba ni Marian na mag-iinit muli ang kumpetisyon nila ni Angel?

Sagot ng Kapuso Primetime Queen, “Ay, wala namang kumpetisyon para sa akin.

"Kung sa kanila, e, may kumpetisyon, irerespeto natin yun.

"Pero as long as masaya ka sa totoong buhay mo, doon ako.

“E, ako, masaya ko sa totoong buhay ko.”

Dugtong pa niya, “Yun ang reyalidad.

“At ang nangyayari rito, mga presscons, soap opera ay trabaho. ’Yan ay trabaho ko.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Marian sa grand launch ng Carmela noong January 16, sa Studio 7 ng GMA Network Center.



DYESEBEL. Napag-usapan din ang tungkol sa pagre-remake ng ABS-CBN ng Dyesebel.

Matatandaang ginampanan ni Marian ang iconic comics character na ito noong 2008, sa GMA.

Ano ang pakiramdam niya na ire-remake itong muli sa telebisyon?

“Okay lang,” sambit ni Marian.

"Ako rin naman, bago ako naging Dyesebel, may nauna rin sa akin."

Si Anne Curtis ang gaganap bilang bagong Dyesebel.

Sabi ni Marian tungkol sa Kapamilya actress, “At si Anne Curtis din naman, mabait naman sa akin yun.

"Kapag nagkikita kami, e, nagbabatian naman kami.

“At nang mag-Rogue magazine shoot kami, okay naman kami, nagbibiruan kami.

“Ganoon naman talaga, masasalin at masasalin ‘yan.

“Malay niyo, may maging Marimar din. Maging Dyesebel, maging Darna.

"So, papalit-palit lang ‘yan.

“Ang mahalaga, nagawa kong parehas. Nag-Darna at nag-Dyesebel ako.”

Sinabi niyang mabait naman sa kanya si Anne at kapag nagkikita sila ay binabati siya. Mayroon bang artista na hindi siya binabati?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Wala, lahat naman, binabati ako. In fairness to them.”

Pero biglang napaisip si Marian at sinabing, "Meron bang hindi bumabati sa akin?

"A, meron! Merong isa!” at saka ito tumawa.

Dagdag niya, “Hayaan niyo na, importante, wala akong dalahin.”



"ASIAN SUPERSTAR." Sa isang banda, may pressure ba sa isang artista, tulad ni Marian, na ang mga ginagawa nilang teleserye ay ipinapalabas na rin ngayon sa ibang bansa?

“Ay, oo! Ngayon nga, nasa Africa ako, Endless Love.

"Nakakaloka, mabentang-mabenta ang beauty ko dun!” natatawang biro ni Marian.

Totoo bang gagawa siya ng TV project sa Vietnam?

“Actually, yung pinaka-head, yung SNTV, may gusto silang i-offer sa akin talaga.

"Gusto nila, serye. Pero baka pipi ang role ko para wala nang dub!” natatawang sabi niya.

Dagdag pa ni Marian, “Ipa-partner ako sa Vietnamese actor. Parang ganun ang gusto nila.

"Sabi ko naman, why not, kung papayag ang GMA.”

Biro namin kay Marian, dahil sa “superstar status” niya sa Vietnam, puwede na siyang magkaroon ng showbiz career doon kung saka-sakali.

Sagot niya, “Ay, in fairness naman sa mga tao sa Vietnam, sobrang babait. As in, sobra.

"At saka, ma-touch sila, ma-’I love you sila.’

“Oo, hinatid pa nga ako sa airport... umiiyak sila.”

Ngayong March ay baka pumunta naman siya sa Malaysia.

“Sana, sana... E, kasi, noong last time, naudlot ako.

"Na-disappoint ang mga Malaysian. Nag-sorry nga ako."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN