Jake Vargas on being open about his lovelife: "Mahirap kasi magtago. Mahirap magsinungaling."

Twenty years old na si Jake Vargas, pero marami pa rin ang nag-aakala na teenager pa lang siya. Sabi ng Kapuso heartthrob, "Hindi na ako bagets, pero sobrang baby face pa raw ako. Kaya hanggang ngayon ay napagkakamalan pa rin akong sixteen!"


May kakaibang tapang ng loob si Jake Vargas para aminin sa showbiz ang kanyang pakikipagrelasyon, katulad nang naging okey na ulit nila ng girlfriend niyang si Bea Binene.

Mayroon siyang sariling dahilan kumpara sa ibang young stars na kabadong aminin ang kanilang pakikipagrelasyon, dahil baka hindi na sila suportahan ng kanilang fans.

Katuwiran ni Jake sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), “Para sa akin, hindi mahirap na pagsabayin ang magkaroon ng lovelife habang nariyan ang iyong showbiz career.

“Sobrang normal lang naman siguro iyon sa edad ko ngayon na magkaroon ng lovelife.

“Ako kasi, kahit nag-aartista ako, mas pinili ko rin yung magkaroon ako ng lovelife, dahil magiging inspirasyon mo kasi iyan habang nagtatrabaho ka.

“Ano kasi, diyan ka sisipagin na magtrabaho kapag nakikita mo ang inspirasyon mo.

“Minsan lang naman kasi dumaan yung pagiging kabataan na mayroon kang ganyang saya, dahil in love ka.

"Kaya dapat mo rin naman ma-enjoy yung ganung saya.

"Mararamdaman mo rin na kailangan mong maging masipag para sa kanya.

“Kailangan mo kasi sa buhay ng inspirasyon.”

Mahirap ba na kung mayroong career ay mayroong nagbabawal na makipagrelasyon siya?

Tugon ni Jake, “Hindi mawawala yung para sa ikagaganda ng career ay mayroong magsasabi na huwag masyadong sa lovelife itutok ang panahon.

"Okey lang ‘yon, pagmamalasakit kasi iyon, e.

"Pero ako, desisyon ko naman yung magkaroon ako ng lovelife.

“Sa showbiz kasi, mahirap yung ayan ka, artista ka, lagi kang iinterbyuhin para sa balita. Tatanungin ka tungkol sa lovelife mo.

"Mahirap kasi magtago. Mahirap magsinungaling. Mahirap yung hindi mo aaminin.

"Sasabihin mo, wala kang lovelife, pero meron naman.

“Ang katuwiran ko naman kasi ay wala akong naaapektuhan.

"Napapagsabay ko naman nang maayos ang career ko at ang lovelife ko."

COMPETITION IN SHOWBIZ. Guwapo si Jake. Marunong na ring umarte at nakakakanta rin naman.

Pero nararamdaman ba niya ang hirap ng kumpetisyon ngayon patungo sa pagsikat dahil sa dami ng artista sa showbiz?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Oo naman. Nararamdaman ko po ‘yon. Sobra,” pag-amin ni Jake.

“Pero kahit sabihin na nating mahirap, diyan ka rin naman matsa-challenge na patunayan mo ang sarili mo kung hanggang saan ka ba makakarating sa kasikatan o suwerte na gusto mong marating.

“Kaya ako, sa abot ng makakaya ko ay pinaghuhusayan ko na lang din ang acting ko, ang pagkanta ko rin po.

"Tsaka yung pinakaimportante na bilang artista ay maging propesyunal ka naman sa trabaho at sa oras na kinakailangan nasa set ka ng taping, shooting o mga raket sa showbiz.”

Saan ba siya kumportable—sa pag-arte, drama, comedy, action o musical—para masapol niya ang kanyang kasikatan?

Natawa si Jake bago sumagot.

Aniya, “Parang sa ngayon, marami akong gustong i-try.

“Gusto ko din subukan mag-drama, dahil kakayahin ko naman siguro kung mabibigyan ako ng maraming pagkakataon.

"Madrama din naman kasi ang buhay na dinaanan ko, kaya gusto kong subukan ang iyakan.

“Gusto ko din mag-action kung may ganung project.

"Kaya lang, kokonti naman na ngayon ang pelikulang action, kaya sayang din na parang hindi ko mata-try muna gawin, pero gusto ko.

“Enjoy din naman akong mag-comedy, tulad ng ginagawa ko sa sitcom na Pepito Manaloto, kasama sina Ate Manilyn Reynes at Kuya Michael V.

"Masaya kami sa pagpapatawa.

“Puwede rin namang musical.

"Ita-try ko muna lahat, para malaman ko talaga kung saan ako para doon. Kaya parang nasusubukan ko na po lahat.”

Kahit hindi pa nagtatagal sa showbiz ay mahal na ni Jake ito.

“Naging masaya naman ako dito. Kaya gusto ko, hanggang pagtanda ko ay artista pa rin ako.”

YOUNGER-LOOKING. Aware ba siya na sa edad niyang 20 ay napagkakamalan pa rin siyang teenager?

Sabi ni Jake, “Yun nga kasi ang problema, e.

"Hindi na ako bagets, pero sobrang baby face pa raw ako.

"Kaya hanggang ngayon ay napagkakamalan pa rin akong sixteen!"

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sa hitsura at porma, kinaiinggitan at ginagaya si Jake ng ibang kabataan. Mayroon ba siyang kinaiinggitan sa ibang kabataan na kanyang nakikita?

Tugon niya, “Mayroon akong napapansin na ganyan.

“Yung napapansin ko, parang kung hindi man naiinggit yung ibang bagets na nakakasalamuha ko, parang gusto nila yung tulad ko na naging artista.

“Pero kung ako, wala naman akong kinaiinggitan sa ibang tao o ibang mga kabataan tulad ko.

“Kasi, kung anong meron ako ngayon, sa mga nangyayari sa akin, parang nandito lang ako para magpasalamat sa Diyos.

"Na kung ano yung meron ako, at kung ano ang mga nangyayari na nararanasan ko sa ngayon bilang tao, yun ang bigay ng Diyos para sa akin.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN