Angel Locsin on moving on after a failed relationship

Dasal daw ang pinakamabisang paraan ni Angel Locsin upang makapag-move on at makalimutan ang taong dating minahal.


Inilahad ni Angel Locsin sa press conference ng kanyang nalalapit na teleserye na The Legal Wife kung paano siya lumimot ng taong kanyang minahal.

Bago pa man simulan ang question-and-answer sa presscon na ginanap sa ABS-CBN Compound sa Quezon City, kagabi, January 21, Martes, pinaalalahanan na ang entertainment press na huwag nang magtanong ng personal questions sa mga artista ng teleserye na nasa business unit ng Star Cinema.

Ito raw ay upang ma-focus ang atensiyon sa upcoming teleserye ng ABS-CBN na magsisimula na sa January 27, Lunes.

Sa kabila nito, nagawa pa rin ng ilang entertainment writers na tanungin ang mga artista tungkol sa usapang pag-ibig na kanila namang sinagot.

Ibinahagi ni Angel kung paano siya mag-move on para makalimutan ang isang taong minahal.

Sabi niya, "Huwag mong pansinin para makapag-move on.

"Yun po ang unang hakbang."

Matatandaang sa ginanap ng bloggers conference ng The Legal Wife noong January 15, Miyerkules, inamin ni Angel na mahal pa niya ang dating boyfriend na si Luis Manzano at may komunikasyon na silang muli.

Read: Angel Locsin admits she still has feelings for ex-boyfriend Luis Manzano

Bukod kay Angel, ang The Legal Wife ay tinatampukan din nina Jericho Rosales, Maja Salvador, JC de Vera, Christopher de Leon, Rio Locsin, Mark Gil, Maria Isabel Lopez, Ahron Villena, at Joem Bascon.



ANGEL’S WAY OF MOVING ON. Ang advice ni Angel tungkol sa paglimot sa taong minahal ay magdasal.

Aniya, "Pero ang sa akin kasi, ang maia-advice ko ho talaga diyan, e, magdasal ho tayo.

"Mas alam ng Diyos kung ano’ng magandang plano.

"Mahirap naman hong idasal na eto ang gusto kong mangyari.

"E, yun palang gusto mong mangyari, hindi naman pala yung mas nakakabuti para sa ’yo.

"Ako kasi, every time na magdadasal ako, tapos may nire-request ako, hindi pala yun ang maganda para sa akin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"So, hayaan ko na lang ang Diyos na magplano ng buhay ko.

"Tatanggapin ko ho kung ano ang ibigay Niya sa ’kin.

"Kasi alam ko naman ho na wala Siyang ibibigay sa akin na di ko kakayanin."

Sinagot din ni Angel ang tanong kung hanggang saan ang hangganan ng kanyang pagmamahal para sa isang taong minamahal.

"May nagtanong na sa akin nito, e," bungad ni Angel.

"Kagaya ng nasa kanta, hanggang nadadama ko na kailangan mo ako, hanggang alam kong mahal mo ako, di na kailangang tanungin."

Ang tinutukoy ni Angel ay ang theme song ng The Legal Wife, ang "Hanggang Kailan Kita Mamahalin" na inawit ni Angeline Quinto.

"Kung hanggang saan kita mamahalin, parang hanggang kailangan mo ko, andito ko," ani Angel.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN