PNoy denies pressuring Bong Revilla in Corona conviction: "Anong hinihingi ko, balato? Nagsabong ba siya at nanalo siya?"

Inamin ni PNoy na nagkaroon sila ng meeting ni Senator Bong Revilla tungkol sa impeachment ni former Chief Justice Renato Corona, pero hindi raw totoong hiningi niyang "ibalato" na lang sa kanya ang pagpapatalsik kay Corona.


Itinanggi ni Pangulong Benigno "Noynoy" Aquino III na humingi siya ng pabor sa ilang senador para mapatalsik sa puwesto ang dating Supreme Court Chief Justice na si Renato Corona.

Ito ang pahayag ng Pangulo sa isang eksklusibong panayam sa Bandila, ang late-night newscast ng ABS-­CBN.

Paliwanag ni PNoy, hindi siya humingi ng balato sa kay Senator Bong Revilla para pumabor ang huli sa pag-impeach kay Corona sa impeachment trial nito noong 2012.

Aniya, "It’s not my dialogue. Anong hinihingi ko, balato? Nagsabong ba siya at nanalo siya? This is a serious no."

Taliwas ito sa pahayag ni Senator Revilla noong Lunes, January 20, sa kanyang privilege speech.

Ayon sa actor-politician, nakipagkita sa kanya ang Pangulo at sinabi sa kanya na, "Pare, parang awa mo na. Ibalato mo na sa akin ito. Kailangan siyang ma-­impeach."

Tanong pa ng senador" “Tama po ba na habang nililitis ang dating Chief Justice na si Renato Corona ay kailangang makialam ang mismong Pangulo ng Republika sa isang prosesong legal na dapat ay independiyente?”

Read: Senator Bong Revilla claims PNoy asked him to vote for former CJ Corona’s impeachment

Inamin ni Pangulong Aquino na nagkaroon sila ng meeting ng senador, ngunit hindi raw ito para impluwensiyahan ang desisyon ni Revilla sa pagpapatalsik kay Corona.

Ito raw ay para sabihan ang senador na huwag makinig sa ilang mga grupo na nagsasabing suportahan si Corona.

Nais daw kasi ng Pangulo na bumoto ito ayon lamang sa merito ng kaso.

"Bakit kami nag­-meet? Ang daming report nun na nagsasabi, ang daming pressure group na nagpipilit sa mga senator na bumoto not on the merits, facts, basta suportahan lang si Corona or else," sabi ni Pangulong Aquino.

Dagdag pa niya, "Puwede ko bang hayaan na lang ng ganun? Di tayo magkaroon ng katarungan?"

Sinabi rin niyang tama lang ang pagboto noon ni Senator Revilla para map-impeach si Corona.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Ako, in that particular vote, I think ginawa niya ang tama.

"So what is he now saying, mali yung ginawa niya?"



MAIN ISSUE. Samantala, sa isang press conference na naganap kagabi, January 21, nagbigay rin ng pahayag si Presidential Communications Operations Office head Herminio Coloma Jr. tungkol sa isyu.

Sa ulat ng GMAnetwork.com, sinabi nitong, “[the] main issue is the proper use of public funds for which Senator Revilla is accountable.

"It is his duty to start explaining to our people how his PDAF allocation was actually spent.

"Hindi lamang piso-piso ang sangkot dito, daan-daang milyon po ang sangkot sa usaping ito.

"At may karapatan po ang mga Pilipino na malaman kung paano ginamit ang pondo ng bayan na nakalaan doon sa PDAF ni Senator Revilla."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN