Jackie Rice overjoyed to be part of new GMA teleserye

Madalang man ang dating ng projects kay Jackie Rice, hindi raw bibitiw sa showbiz ang Kapuso talent dahil ito raw ang gusto niyang buhay at dito rin siya kumukuha ng ikakabuhay niya. Saad niya, “Nalulungkot ako kasi nasanay na ako na may trabaho. Tapos, di mo alam kung kailan ka ulit magkaka-work… Iniisip ko yung mga bayarin sa bahay, yung gastusin sa pang-araw-araw."


Hindi napigilang mapahiyaw sa sobrang tuwa ni Jackie Rice sa pagkakaroon ng bagong teleserye pagkatapos ng pitong buwan.

"At last, may show na ako ulit!" bulalas niya.

Ang tinutukoy ni Jackie ay ang upcoming afternoon soap ng Kapuso network na Innamorata.

Sabi pa niya, "Nakakatuwa, di ba?

“Happy talaga ako, kasi ang makakasama ko sa Innamorata ay mga taga-Bubble Gang din.

“Kasama ko si Max Collins, Gwen Zamora, at kasama namin dito si Diego [Llorico].

"Feeling ko, first soap ito ni Diego kaya dapat abangan ng tao!" tawa pa niya.

Kontrabida raw ang role ni Jackie sa Innamorata at sabi niya, "From start to end, mukhang evil kami dito ni Gwen."

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainemnt Portal) si Jackie sa taping ng Bubble Gang, sa GMA Annex Studio 6, noong Lunes, January 20.



NO INSECURITIES. Ang huling teleserye ni Jackie ay ang Bukod Kang Pinagpala, na nagwakas noong pang June 2013.

Bakit natagalan bago siya nabigyan ulit ng bagong teleserye?

Sagot ni Jackie, “Clueless talaga ako kung bakit. Hindi naman ako nagtatanong sa kanila.

“Iniisip ko na lang na marami na kasing artista ngayon sa GMA-7, pero alam ko naman na hindi nila ako pababayaan.

"Alam ko na bibigyan nila ako ng ibang show bukod sa Bubble Gang."

Hindi rin daw siya nakakaramdam ng insecurities maski alam niyang sunud-sunod ang proyekto ng ibang kasamahan niya sa network.

“Ako naman kasi, kung ano lang ang ibigay nila sa akin, go lang ko nang go.

“Basta ang mahalaga sa akin may trabaho, like meron akong Bubble Gang.

“Ang mahirap lang siguro, kung wala na akong soap, wala pa akong Bubble Gang.

“Masaya ako kasi matagal na ako dito, masaya ako kasi tinanggap nila ako dito.

"Okey na okey na sa akin yun.

"Sabi ko nga, kahit hindi ako bida, kahit kontrabida ako, okey lang, basta may project.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Ang mahalaga lang sa akin, hindi ako nababakante at nabuburo sa bahay."



SHOWBIZ AS LIFELINE. Nakakaramdam ba siya ng depression kapag wala siyang proyekto?

Sagot ng StarStruck Season 3 winner, “Nalulungkot ako kasi nasanay na ako na may trabaho. Tapos, di mo alam kung kailan ka ulit magkaka-work.

"Pag ganun kasi ang nangyayari, iniisip ko yung mga bayarin sa bahay, yung gastusin sa pang-araw-araw.

“[Pag-aartista] lang ang alam kong trabaho at dito ako kumukuha ng ikabubuhay ko.

“Siguro kahit sino namang artista, pag dumadating yung time na walang proyekto, nadi-depress at naii-stress.

“Mabuti na nga lang may Bubble Gang na pinagkukunan ko pa rin ng panggastos at pambayad. Kung hindi, wala na talaga."

Ang buhay-showbiz raw ang gustong buhay ni Jackie.

Saad niya, “Dito na tumakbo yung buhay ko, nagustuhan ko na siya.

“Ang maganda kasi sa showbiz, kasi nakakapagpasaya ka ng tao.

"Nagagawa mong gampanan ang iba’t ibang roles, ang iba’t ibang estado sa buhay.

“Ito na yung buhay ko sa ngayon, ito na yung gusto kong gawin, at ito rin yung nagpapasaya sa akin."



2014 WISHES. Nagpapasalamat din si Jackie sa GMA sa magagandang roles na ibinibigay sa kanya.

Sabi niya, "Alam mo yun, tumatatak sa tao, pinapanood ng kahit mga bata o matanda."

Kaya lang, gusto raw sana niyang magkaroon ng ka-loveteam.

"Kasi, after StarStruck, wala akong ka-loveteam. Gusto ko lang ma-feel yung ganun!" tawa niya.

Sino ang gusto niyang maging ka-loveteam?

"Si Renz Fernandez," sagot ni Jackie.

"Parang ang guwapo-guwapo kasi niya, super masculine yung dating.

"Napapanood ko kasi siya, kinikilig kasi ako pag nakikita ko siya!"

Si Renz ay anak ni Lorna Tolentino at ng yumaong aktor na si Rudy Fernandez.

Dagdag ni Jackie, “Pero if ever na hindi puwede, bahala na silang magbigay sa akin.

"Ang mahalaga, na-try ko."

Sa bandang huli, nagpahayag si Jackie ng isa pang wish—sana raw ay dumami at madagdagan pa ang shows niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Workaholic kasi ako.

“Sana dumating din ako sa punto na after ng soap ko, mabigyan ako ng kasunod.

"Yung hindi mag-aantay pa ako ng halos isang taon bago mabigyan ulit ng project.

“Kahit anong projects, basta ang mahalaga may kasunod!“


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN