Kristoffer Martin on bad breakup rumors with Joyce Ching: “Hindi naman siya umabot sa puntong kaya naghiwalay dahil nag-away.”

Pinanghihinayangan daw talaga ni Kristoffer Martin ang hiwalayan nila ni Joyce Ching matapos ang halos tatlong taong relasyon. Bukas naman daw siya sa posibilidad ng balikan. Magkasama ang dalawa sa bagong serye ng GMA na Paraiso Ko’y Ikaw at aminado ang young actor na hindi na sila nagkakailangan ng ex-girlfriend.


Apat na buwan nang hiwalay sina Kristoffer Martin at Joyce Ching, pero aminado ang young actor na minsan ay naiisip pa rin niya ang kanilang nakaraan.

Saad ng 19-year-old Kapuso actor, “Four months… pero hindi naman ganun kabilis mawala ang mga bagay bagay na importante sa ‘yo...

"... na sobrang ipinaglaban mo, so hindi naman basta-basta mawawala.”

Hindi naman daw sarado ang posibilidad ng pagbabalikan, lalo na’t magkasama sila ngayon sa bagong show ng GMA na Paraiso Ko’y Ikaw.

Saad ni Kristoffer, “Hindi naman kami siguro nagsasara ng doors.

“Kasi naman, ayaw namin sabihing hindi, ayaw namin sabihing oo.

"Siyempre, ayaw din naman namin na kakainin namin yung sasabihin namin… yung bibitawan naming salita, eventually.

"So, sa amin, open naman kami sa possibility.”

Dagdag pa nito, “Pero hindi ko naman alam yung side niya.

"Ako naman kasi, ayokong harangin kung ano’ng dapat mangyari.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang miyembro ng press si Kristoffer sa presscon ng Paraiso Ko’y Ikaw sa 17th floor ng GMA Network Center kagabi, January 21.


BAD BREAKUP? Hanggang ngayon, hindi pa rin malinaw ang dahilan kung bakit naghiwalay sina Kristoffer at Joyce.

Bad breakup nga ba ang nangyari sa kanila?

Pagtanggi ni Kristoffer, “Kasi, sabihin nating lahat ng breakup, masakit.

"Pero yung sa amin naman, hindi naman siya umabot sa puntong kaya naghiwalay dahil nag-away.

“Siguro maayos naming tinapos. Pero siyempre, masakit.”

Ito rin ba ang dahilan kung bakit hindi niya binigyan ng regalo ang ex-girlfriend noong kaarawan nito last January 5?

Medyo naasiwang sagot nito, “Siya lang ho makakasagot niyan, hindi na ako. Siya, hindi ako.”

Matagal daw bago nalagpasan ni Joyce ang sakit ng kanilang hiwalayan.

Sang-ayon naman si Kristoffer dito, at hanggang ngayon daw ay iniinda pa rin niya ito.

Pahayag niya, “Up to now naman, under recovery pa rin naman ako.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Hanggang ngayon kasi… yung almost three years naman na yun, hindi mo naman basta-basta matatapon.”


PARAISO KO’Y IKAW. May bagong soap si Kristoffer sa Kapuso Network—ang Paraiso Ko’y Ikaw, na magsisimula na sa January 27 bago mag-24 Oras.

Makakasama niya rito sina Joyce at Kim Rodriguez. Paano kaya ang magiging working relationship nila ng dating kasintahan sa set?

Sagot ng young actor, “Okay lang, okay lang.

"Kasi ayaw naman naming magpapabigat sa production, sa management dito sa GMA. Sila naman nagpili sa amin dito.

"Kung anuman yung ipagawa sa amin, na alam naman naming sa ikakaganda ng soap, wala kaming karapatan na tumanggi.

"Kumbaga, artista kami, ginagawa namin ang trabaho bilang artista."

Sa ngayon, hindi pa raw sila nagkakaeksena ni Joyce, pero tiniyak ni Kristoffer na walang tensiyon na mangyayari kung saka-sakali.

Anita, “Hindi pa kami nagkakasama sa set, mga pictorials pa lang, mga guestings.

"Wala namang ilangan. Nag-uusap kami.

"Kumbaga, wala na kaming ilangan, okay na kami.”

May pagmamahal pa ba siyang naramdaman sa dating kasintahan?

Tugon ni Kristoffer, “Sabi ko nga, hindi mo basta matatapon yung three years na yun.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN