Robi Domingo harks back to his obese childhood to push Biggest Loser participants to the limit

Robi Domingo reveals that he was overweight when he was in grade school. He now looks back to that experience to motivate the contestants of Biggest Loser Pinoy Edition Doubles to try harder. The show’s challenge master says, “I always tell them na, ‘Nanggaling na ako diyan.’ Dito sa state ko ngayon, ang sarap ng feeling... dahil wala ka nang masyadong baggage.”


Aminado si Robi Domingo na insecure siya sa magiging co-challenge master niyang si Matteo Guidicelli sa upcoming reality show ng ABS-CBN na Biggest Loser Pinoy Edition Doubles.

Bagamat isa ring sports enthusiast, malayo raw si Robi sa pagiging active ni Matteo.

“Looking at the guy naman talaga, I have to give it to Matteo,” sabi ni Robi sa inihandang press conference para sa kanya at sa dalawang fitness coaches na sina Jim and Toni Saret, noong January 21.

Patuloy ng young TV host, “He’s really, for me, the youngest champion in triathlon.

“You know, pumupunta siya ng ibang bansa to compete.

“Kahit hindi siya mag-exercise, lumalabas pa rin ang muscles niya.

“Parang yung taba, ayaw sa kanya.

“Kapag kumakain siya ng taba, parang umaalis lang sa katawan niya, tapos tumatakbo na.”

Dahil dito, sabi ng 24-year-old na si Robi, “Medyo na-pressure ako, na-conscious ako.

“But I guess being fit is not just having abs.

"It’s holistic, e.

“It’s having that sense of ’Uy, ang sarap ng buhay kasi ang gaan ng katawan ko, ang gaan ng feeling.’”



SHOW WITH A HEART. Bilang isa sa mga bagong bahagi ng weight-loss reality show, mas nakaka-relate daw si Robi sa Biggest Loser kaysa sa mga naunang hosting jobs niya.

Bago ang Biggest Loser, naging host ang dating teen housemate ng Pinoy Big Brother ng iba pang programa tulad ng Shout Out!, Sarah G. Live!, The Voice of the Philippines, I Dare You, at ASAP.

“Before, I used to do glamour shows, may mga competitions, may singing shows, may mga reality competitions.

“This time, I can see the changes that are happening.

“Yung mga baggage kasi na dala-dala [ng contestants], yung mga bigat nila sa buhay, it’s more than that.

“It’s more than seeing this guy being so big, but hindi ninyo alam yung story nila.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Yun, siya pala, sa sobrang bigat niya, hindi siya maka-put on ng seatbelt, hindi siya maka-de kuwatro.

"Hindi siya makakain ng ganitong food kasi baka kung ano ang mangyari sa kanya.

“You can see that transition, from that kind of person to a healthier kind of person.

“Ito, mas may puso,” sabi ni Robi.

Pagkatapos nito, inamin niyang naging katulad din siya ng mga kalahok sa Biggest Loser.

“Mas malapit sa akin ang show na ito kasi damang-dama ko.

“Na-experience ko rin ang mga pinagdadaanan nila.

“Kasi dati, sobrang laki ko when I was in grade school.

“May transition period din and, ayun, ganito na.”

OBESE CHILDHOOD. Ayon kay Robi, overweight siya noong nasa grade school pa lamang siya.

Hanggang sa dumating ang panahon, dahil sa nais niyang magustuhan din siya ng mga babae, nagsimula raw magpapayat si Robi.

Pag-alala ng binatang host, “Siguro when I was in grades chool, standing mga 5’3”, I was 160 or 170 pounds.

“Sobrang bigat for a grade school student.

“But then, when I was nearing high school, siyempre iba’t iba naman yung mga reasons natin kung bakit tayo pumapayat.

“Yung iba dahil sa pamilya, yung iba dahil sa work, yung iba dahil sa gusto lang magbagong buhay.

“Ako, honestly, dahil sa chicks.

“Kasi, sa grade school, puro lalaki kami. Ateneo, kasi all-boys school.

“Coming to high school, diyan nagsimula yung mga soiree.

“E, hindi ka papansinin kunwari ng pinakamalapit na school sa Ateneo—ang Miriam.

“Hindi ka papansinin ng mga taga-Miriam kung mataba ka.

“So, ang ginawa ko noon, kasi gusto ko talagang may interaction.

"Parang, ‘Uy, magka-crush ka naman sa akin, please.’ Parang ganun na, e.”

Sa pamamagitan ng tamang diet at regular na exercise, unti-unti raw nabawasan ang timbang ni Robi.

“Noong pumayat na ako, sabi ko, masarap pala ang exercise kaya sumali na ako sa baseball team.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“From then on, tuluy-tuloy na.

"Hanggang ngayon, I’m very into sports pa rin,” sabi ni Robi.

LIFE CHANGING. Ang karanasang ito raw ang ginagawang pang-engganyo ni Robi sa mga kalahok ng Biggest Loser Doubles.

“For them, I always tell them na, ‘Nanggaling na ako diyan.’

“Dito sa state ko ngayon, ang sarap ng feeling, hindi lang dahil sa wala ka nang masyadong baggage.

“Pero yung pakiramdam na dati inaasar ka, dati balyena ka. Iba ang pakiramdam.”

Kaya naman daw sa halip na New Year’s resolution, isang "New Year’s revolution" ang ibibigay ng programa sa mga kalahok ng Biggest Loser Doubles.

“Kaya this year, yung ipinagawa namin sa mga contestants, hindi siya New Year’s resolution lang. We made it bigger.

“This year, these guys, they’re gonna have a New Year’s revolution.

“Babaguhin talaga namin ang buhay nila,” masayang pagtatapos ni Robi.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN