Yassi Pressman avoids answering questions about Andrea Torres; gears up for MTV Pinoy launch

Yassi Pressman on why she wants become an MTV VJ: “I want to share myself with other people. Kasi as a VJ, hindi siya katulad ng sayaw na sumasayaw ka lang. Kapag umaarte ka, ibang character yun, e. Pero pag ikaw VJ, ikaw na yun mismo. And I want to share that with other people so that I will be able to touch them also. Kaya rin ako nae-excite dun.”


December last year nang lumabas ang balitang hiwalay na si Yassi Pressman at ang kapwa Kapuso star niyang si Sef Cadayona.

Read: Yassi Pressman admits breakup with Sef Cadayona; says Andrea Torres partly caused it

Ngunit ayon kay Yassi, maayos pa rin ang samahan nilang dalawa dahil magkasama pa rin sila sa trabaho.

Parehong mainstay sa weekend variety program na Sunday All Stars (SAS) ng GMA Network sina Yassi at Sef.

Ani Yassi, “Yeah, oo. Magkasama pa rin kami sa work so, yes.”

Sinubukan hingan ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ng pahayag si Yassi patungkol sa pagde-deny ng kanyang ex-boyfriend sa pagkadawit ng pangalan ni Andrea Torres sa breakup nilang dalawa.

Mariing itinanggi ni Sef na ang isyung third party ang naging dahilan ng kanilang hiwalayan.

Read: Sef Cadayona denies Andrea Torres was third party in breakup with Yassi Pressman

Nabanggit kasi ni Yassi sa isang interview na nagselos siya kay Andrea dahil sa pagiging malapit nila ni Sef.

Bukod sa SAS, kasama rin ni Sef si Andrea sa gag show na Bubble Gang kaya naging malapit ang dalawa.

Read: Yassi Pressman admits breakup with Sef Cadayona; says Andrea Torres partly caused it

Ngunit hindi na nagbigay ng pahayag si Yassi tungkol dito.

Aniya, “Ayoko na mag-ano [entertain] ng questions about that. Sorry, sorry.”

Nang tanungin naman kung kamusta ang pagkakaibigan nila ni Andrea, sagot ng Viva talent, “We’re all together in SAS.”

Nakapanayam ng PEP si Yassi sa presscon ng French indie pop band na Phoenix, sa Diamond Hotel sa Pasay City, noong Lunes, January 20.

WORK, WORK, WORK. Focus muna raw sa trabaho si Yassi ngayong 2014.

Sunud-sunod kasi ang projects na nakalinya para sa kanya, kaya wala raw siyang oras ngayon para sa lovelife.

Ngunit sapat na raw ang pagmamahal at suportang nakukuha niya mula sa kanyang pamilya at mga kamag-anak.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Aniya, “I’m good. I’m happy and I’m blessed.

"I’m loved by my family and friends and I love them.

"So, I’m just full of love and happiness this 2014."



MTV PINOY. Isa sa pinakaaabangan ngayon ni Yassi ay ang pagbabalik ng Philippine franchise ng MTV, na tatawaging MTV Pinoy.

February 2010 nawala sa ere ang music channel na ito, ngunit muli itong ibabalik sa cable TV ng MTV Network Asia Pacific at Viva Communications.

Kabilang si Yassi sa apat na magiging VJs ng MTV Pinoy.

"I’m gonna be a VJ together with Sam Pinto, Josh Padilla, and Andre Paras."

Ayon pa sa Kaleidoscope World actress, maraming programang dapat abangan sa pagbabalik ng MTV na masasabi niyang “100% Pinoy.”

“Nakapag-interview na kami ng MKTO. I interviewed Blake.

"Sam interviewed Capital Cities when they were here.

“And we just did our first day of taping last week, so masaya ako.

"Kasi marami kaming bagong shows na sobrang Pinoy, sobrang young.

"Sobrang excited kaming lahat para sa MTV Pinoy.”

Malaking bagay ang pagiging VJ para kay Yassi dahil nais niyang dumami pa ang ma-inspire sa pagtanggap ng proyektong ito.

Paliwanag niya, “I want to share myself with other people kasi, as a VJ, hindi siya katulad ng sayaw na sumasayaw ka lang.

"Kapag umaarte ka, ibang character yun, e.

“Pero pag ikaw VJ, ikaw na yun mismo.

"And I want to share that with other people so that I will be able to touch them also.

"Kaya rin ako nae-excite dun.”

Hindi naman nasabi ni Yassi kung kailan babalik ang MTV Pinoy sa telebisyon, ngunit ayon sa ilang balita, sa January 31 na raw ito magaganap.

Wika ni Yassi, “It’s starting one of these days in January. Wala pa kaming final date.

"But we’re gonna have our own channel na ia-avail through cable and, ayun, sana abangan ng lahat."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



A GOOD START. Sa pagsisimula pa lang ng taon, dalawa na agad ang proyektong pagkakaabalahan ni Yassi.

Bukod sa MTV Pinoy, mapapanood din siya sa GMA drama series na Paraiso Ko’y Ikaw na pagbibidahan nina Kristoffer Martin at Kim Rodriguez.

“For 2014, I started off with Paraiso Ko’y Ikaw.

"I’m playing a role there na parents. Sa past kami bale, kasama ko si Lauren Young.

"Ako yung magiging mother ni Joyce Ching.

“And then, ito, MTV.

"We’re really focusing on MTV and we have an upcoming movie from Viva na secret pa, pero dapat abangan din nila yun, malapit na.”

Dahil dito, laking pasasalamat ng 18-year-old actress-dancer sa dami ng blessings na dumadating sa kanya.

Aniya, “Sarap ng feeling, sobrang blessed.

"Hindi ko siya ma-explain in words, pero sobrang saya ko.

“I’m just trying to keep myself in focus lalo na with MTV.

"I really want to be a good VJ.”

Dagdag pa niya, “Tapos sa movies naman, sobrang thankful ako sa Viva family ko na they’re taking good care of me, and I’m super excited for this.

“Pati sa hitsura ko, may magbabago na, malapit na.

"Meron ding makeover, so dapat abangan."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN