Matteo Guidicelli still hesitant about admitting real score with Sarah Geronimo

Kahit anong piga ng entertainment press kay Matteo Guidicelli tungkol sa totoong estado ng relasyon nila ni Sarah Geronimo, panay naman ang iwas nito dahil darating din daw ang panahon na magsasabi sila ng totoo. Aniya, “Gusto kong sagutin nang diretso, kaso lang meron po akong kailangang respetuhin—yung family niya, yung family ko. Hindi ko po alam ang isagot ngayon po, kasi may proper time and everybody will know.”


Humingi ng dispensa si Matteo Guidicelli sa entertainment press kung bakit ayaw pa rin niyang aminin ang estado ng relasyon nila ni Sarah Geronimo.

Magalang itong nagpasintabi, kahit halatang kinikilig, kapag ang tanong ng media ay tungkol sa kanila ng Pop Princess.

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang entertainment press si Matteo sa pocket presscon nito para sa The Biggest Loser Pinoy Edition Doubles, na ginanap sa 9501 Restaurant ng ABS-CBN, kaninang tanghali, January 23.

Matapos ang open forum, inusisa muli ng media ang 24-year-old athlete/singer/actor tungkol sa pag-iwas niya sa mga katanungang may kaugnayan kay Sarah, 25.

Hindi ba siya proud sa kung anuman ang mayroon sila?

Nakangiting tugon niya, “Proud naman ako... kung alam niyo lang po.

"Proud naman ako, pero... wala.

“I guess it’s not the right time, you know… promoting Biggest Loser... get down to the point… it’s really…

“I wanna respect her side, her family, and also my side.

"And whatever Sarah and I have, I wanna protect that for now.

"So, yun."

For the record, niligawan ba niya si Sarah?

Nakangiting pag-iwas ni Matteo, “Basta po, basta masaya naman lahat.”

Pero sa January 2014 issue ng YES! Magazine, may nagsabing silang dalawa na talaga.

Read: Sarah Geronimo finds new love in Matteo Guidicelli

May balita ring gusto raw siya ng nanay ni Sarah na si Mommy Divine para sa Pop Princess. Ano ang masasabi ni Matteo tungkol dito?

Nakangiting sagot nito, “Talaga? E, di kung ganun, maraming salamat. Kung ganun, di masaya.”



“KEEP IT TO US MUNA…” Sa kabila ng kanyang pakiusap, muling tinanong ng press si Matteo kung bakit parang pigil siyang bigyan ng linaw ang totoong namamagitan sa kanila ni Sarah.

Na-trauma ba siya sa naging kinahinatnan ng relasyon nila noon ni Maja Salvador?

Halos isang taon ang itinagal ng relasyon nina Matteo at Maja, pero nauwi rin ito sa hiwalayan noong 2012.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Read: Maja Salvador confirms breakup with Matteo Guidicelli

"Hindi po, hindi po," mariin niyang tugon.

“Hindi po.

"Ano po, sabi ko nga kanina, na gusto kong sagutin nang diretso kaso lang meron po akong kailangang respetuhin—yung family niya, yung family ko.

"Hindi ko po alam ang isasagot ngayon po, kasi may proper time and everybody will know.

“But, as of now, we wanna keep it to us muna.”

Paglilinaw ng isang entertainment columnist: “To us?”

Biglang bawi naman nitong natatawa, “To us, to kami… to kami!”

Dahil nakabantay ang public relations officers ng Kapamilya Network, kinonek ng isang tabloid editor sa show ang sunod nitong tanong: Biggest loser o biggest winner na ba siya sa puso ni Sarah?

Sagot ni Matteo, “Hindi ko alam, e, tanungin natin siya.

“Gusto nating lahat maging winner, di ba, sa lahat ng mga ginagawa natin?

"So, siyempre, sa lahat ng mga projects, sa lahat ng mga ginagawa natin, talagang ibibigay natin lahat para maging winner tayo."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN