Angel Locsin explains why it took her three years before starring in a new teleserye

Angel Locsin on working with Jericho Rosales: "Napakagaling umarte, napakanatural, napakasuwabe. Yun ang gusto ko, e. At saka yung journey niya from kung paano po siya nagsimula at kung ano yung narating niya ngayon, napaka-impressive po talaga. Kaya gustung-gusto ko po talaga siyang makatrabaho."


Inabot din ng halos tatlong taon bago nasundan ang huling teleserye ni Angel Locsin sa ABS-CBN, ang Imortal, na nagtapos noon pang Abril 2011.

Kahit na nga nagkaroon siya ng sitcom (Toda Max), at napanood siya sa blockbuster hit movies (In The Name Of Love, Unofficially Yours, One More Try, at Four Sisters and A Wedding), pananaw ng marami ay iba pa rin yung napapanood siya sa telebisyon sa isang daily teleserye.

Kaya naman marami na ang nag-aabang sa pagbabalik-teleserye ni Angel sa pamamagitan ng The Legal Wife, na magsisimula nang umere sa primetime sa Kapamilya network simula Enero 27.

Sa grand presscon nga ng The Legal Wife noong Enero 21, Martes, sa 9501 restaurant, sa loob ng ABS-CBN compound, nagpaliwanag si Angel kung bakit natagalan ang paggawa ulit niya ng teleserye.

Saad niya, “Ayoko ho kasi talagang magsabay ng pelikula at saka ng teleserye.

“Kasi gusto ko ho mabibigay ko yung buong atensiyon ko sa isang project.

“Naghintay po ako, very hungry ako sa napakagandang istorya.

“Kasi siyempre, sayang naman yung pagkakataon kung lahat ng trabaho, gagawin natin, pero hindi ka naman masaya o hindi ka naman naniniwala sa proyekto.

“So ito, finally, bigay ng Diyos itong The Legal Wife.

“Tama naman na naghintay ako ng tatlong taon para rito sa proyektong ito.”

Hindi ba siya nainip lalo na at yung ibang artista ay sunud-sunod ang teleseryeng ginagawa?

Sagot ni Angel, “Well, nagkaroon naman ho ako ng ilang best actress na awards sa pelikula po.

“So, sa akin, okay lang naman po kasi napagdaanan ko rin naman ho yung araw-araw na trabaho, pero wala naman ho akong best actress na award.”



MUTUAL ADMIRATION. Samantala, inamin Angel na matagal na niyang hinahangaan si Jericho Rosales, ang gumaganap na asawa niya sa The Legal Wife.

Noon pa man ay gusto na raw niyang makatrabaho ang aktor.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pero ngayon lang nagkaroon ng katuparan ito sa kanilang pagsasama sa The Legal Wife.


Kasama rin nila sa cast sina Maja Salvador, JC de Vera, Christopher de Leon, Mark Gil, Rio Locsin, Maria Isabel Lopez, Joem Bascon, at Ahron Villena.

Ayon kay Angel, “Ako ho, unang beses ko ho na nakita nang personal si Echo sa kabila [GMA] actually [noong nasa GMA pa si Angel].

“Pero hindi siya umaarte doon, meron siyang banda, so guest po siya sa isang noontime show.

“And then, nadaanan niya ako actually.

“And sabi ko doon sa dating EP ko, ‘Tita, gusto kong makatrabaho [si Echo]. Tingnan mo nga kung lilipat ng channel.’

“Tapos kinausap-usap, sabi, ‘Gel, malabo iyan.’

“Tapos nagkita ulit kami dito sa ABS, basta parang sa isang event, sa isang dressing room.

“Sabi kong ganyan, ‘Uy, minsan sana magkatrabaho tayo.’

“Tapos sabi niya, ‘Yeah, yeah, let’s work soon.’

“Kasi napapanood ko po siya sa Pangako Sa ‘Yo, e, napakagaling umarte, napakanatural, napakasuwabe.

“Yun ang gusto ko, e.

“At saka yung journey niya from kung paano po siya nagsimula at kung ano yung narating niya ngayon, napaka-impressive po talaga.

“Kaya gustung-gusto ko po talaga siyang makatrabaho.

“At ngayong nakatrabaho ko siya, ang dami kong natututunan sa kanya.

“Bukod sa napakagaling na artista, napakabait na tao.”

Maging si Jericho ay dati na raw bilib kay Angel at pinangrap niya ring makatrabaho ang aktres.

Sabi ng aktor, “Madalas ko siyang mapanood sa mga genre na gusto kong gawin—yung aksyon [Darna], yung karate [Asian Treasures], yung mga hayop [Lobo at Imortal], yung mga ganun.

“Kasi ganun yung imagination ko, e, pero naging drama yung project namin.

“But of course, minsan, pag meron kang iniisip, nangyayari, di ba?

“I’m very thankful because I know that she’s trusted by many and to be associated with someone wholesome, di ba?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“So, I was thrilled, especially noong nanood kami ng pelikula niya, because yung tandem namin ni Gabriel Valenciano…

“I wrote a song and then umabot doon sa movie niya—in fact two songs, yung ‘Pusong Ligaw’ and ‘Naaalala Ka’—sa In The Name of Love.

“So, wow, nangyari na, then we have a project together.

“So, finally, this one [The Legal Wife], nangyari na.

“We’ll see kung paano yung reception ng mga tao sa aming dalawa.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN